Kabanata 48 Khallisa Hindi ko mapigilan ang kabahan habang hinihintay sina Khalil. Ngayon ang unang beses na personal kong makikilala ang mga anak nila ni Cornelia, at sa totoo lang, mas lumalamang ang awa ko sa mga bata. Cornelia never cared for her kids. Ang sabi ni Khalil, ilang beses niyang nahuli si Lia noon na umiinom ng alak o naninigarilyo kahit nagdadalang-tao. Kapag naipanganak na rin ang mga bata, yaya na rin at si Khalil ang bahala. The only reason why Khalil didn't get rid of her despite her behavior towards the kids is because he thought she was me. And now I feel terrible for Keeno, Klinn, Kreige and Keios. "Mama, ang tagal naman ng baby brothers. Nagpapawis na ako, eh!" reklamo ni Konnar habang nakadungaw sa labas ng bintana. Hinaplos ko ang kanyang ulo. "Ayos lang 'y

