Kabanata 52 Khallisa "Mama, bakit hindi sasama magsasakay ng malaking boat si daddy saka ang Keeno, Klinn, Krei at Keios? Natatakot sila sa dagat, Mama?" Hinaplos ko ang ulo ni Konnar habang nakapila kami sa b****a ng roro. "Hindi pa sila pwedeng sumama, anak kasi may kailangan munang asikasuhin si Daddy. Pero huwag kang mag-alala. Sigurado akong hindi magtatagal, makakasama rin natin sila." "Oo nga, apo kaya huwag kang masyadong malulungkot. Mahal na mahal kayo ng Daddy mo. Naniniwala ang Lolo na gagawin niya lahat para makasama kayo ng Mama mo," dagdag ni Tatay kaya kahit papaano ay napawi ang pangungulila ni Konnar sa ama at mga kapatid niya. Nagpatuloy kami sa mabagal na paghakbang, ngunit ewan ko ba kung bakit habang papalapit kami sa loob, pakiramdam ko ay hinahatak ang mga paa

