Chapter 3

2644 Words
 “Look who’s here!,” sabay yakap sa kanya ni Rizza.  “Why......but you changed a lot!” natutuwang hinalikan siya nito sa pisngi.  “Wait till Dave sees you,” at madaling nagtungo sa opisina ng amo. Paupo na sana siya sa waiting chair ng may tumawag sa kanya. Paglingon niya ay mga dating kaibigan. Halos mapatili siya sa saya at agad na niyakap ang mga ito. “Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito sa Dubai?”nakangiting tanong ni Issa sa kanya. Pinunasan muna niya ang munting luha sa sulok ng mata bago sumagot. “May trabaho lang,” niyakap at hinalikan pa ang ibang kaibigan. “Tol naman, bakit ngayon ka lang dumating? Miss na miss na kita!,” naiiyak na sabi ni Naty sa kanya. “Kundi pa pala dahil sa trabaho, hindi ka makakapunta dito,” si Mina. "Sorry, sobrang busy lang talaga kaya di ko na magawang makadalaw sa iyo,"  hingi niya ng paumanhin. “You’re alone ate?” tanong ni Liza.  Ngunit bago pa siya nakasagot ay narinig niya ang pamilyar na boses sa likuran niya. “Dave,”ginawaran siya ng tatlong halik nito sa pisngi. “Lalaine, I am really really happy to see you again after how may years? Four?”  tumango siya.  Tinignan nito ang mga empleyado sa tabi ni Lalaine. “Hey guys, I will take her first. And please go back to work.  Bosses are here,” at nginitian ang mga ito bago inakay si Lalaine sa cabin nya. Nilingon ni Lalaine ang mga kaibigan “I’ll catch up t with you later, guys” binalingan niya si Dave. “Bosses? They are here?” tumango ito sa kanya. “Are you sure it’s okay that I stay here?” at biglang may naalala.  “Ten,” nilingon niya ang isang malaking lalaki na kanina pa nakatayo sa pintuan at may mga bitbit na paper bag. Sinenyasan niya itong sumunod sa kanila. “Who is that?” takang tanong ni Dave bago siya iginiyang papasok sa opisina. “Your boyfriend?” Natatawang umiling si Lalaine. “No no. He’s my bodyguard,” at nauna na siyang pumasok sa loob.  Pinauna ni Dave si Ten who is towering him.  Naabutan niya sina Mr. Morrison at Mr. Liberito sa loob ng opisina. "Oh! Bodyguard!  That's how big you are now, huh?"  natatawang tukso nito sa kanya.  Ngumiti lang siya. “Hello sir,” at kinamayan niya ang dalawa.  “Lalaine.  I worked here before. Thank you,” pasasalamat niya kay Mr. Morrison ng ini-offer sa kanya ang upuan.  Ibinaba ni Ten ang mga dalang paper bags sa tabi niya. “ Où sont-elles? ” tanong niya sa binata in French. Bigla kasing nawala sina Ajerico, Zest & Rist sa likuran nila.  Napakunot-noo ang mga tao sa paligid niya.  Sumagot naman si Ten bago nagbigay galang at lumabas ng kwarto.  “You speak French?” tanong ni Mr. Liberito sa kanya.  Nakangiting tumango siya. “It's necessary in my job.” Napatingin siya sa telepono ng tumunog ito na sinagot naman agad ni Dave. “Okay send him in,” sagot nito habang nakatingin sa kanya.  They heard three warning knocks and the door swing open.  It's Ajerico. “Good afternoon, I’m Ajerico Villaluz,” nakipag-kamay ito sa tatlo.  "Sorry for being late.  I saw a collegue of mine at the alley. Their office is here in this building as well.”  Hinging paumanhin nito. “Gentlemen, he’s my boss, the CEO and President of AV Group of Companies,”nakangiting pakilala niya.  “So you’re the famous Ajerico,” sambit ni Mr. Morrison. He still looked like the last time she saw him. “Known as the youngest billionaire by Times Magazine,” additional information na sabi nito. Jeric laughed. “Been working hard for it.  I think I’m already doing my first business in my mom’s womb,” sa biro nito ay napahalakhak ang lahat. “Kidding aside, this won’t be possible without the help of my ever reliable P.A.,” at nilingon si Lalaine na ngumiti. “She’s doing everything from A to Z efficiently." "That's my job so I really have to do my best in assisting you,"  she said politely. Then her mobile suddenly rings. “It’s from Texas, just need to take this call,” she excused herself and left the room. “She changed a lot,” komento ni Dave sa kalalabas lang na dalaga. Tumango sa pagsang-ayon si Jeric.  “My parents see to it that she’ll be a different Lalaine from before she joins my office. Everybody has seen the result.  They never regret their decision.  My offices are running smoothly because of her,” halata sa boses ng binata ang pagmamalaki.   Bumalik ang dalaga at humingi ulit siya ng paumanhin sa tatlo dahil kailangan niyang ibalita agad sa binata ang tungkol sa natanggap na tawag.   “And what is your decision?” tanong ni Jeric sa P.A.   “This is a very crucial one,” tumikhim siya at tumingin sa binata. “I went there a few months ago and met the people around the suburb. Simple families but contented for what they have and I know how what they felt when we told them that we are going to develop that place." “But we will give them lump-sum as per the area they own,” bulalas ng binata. Tumango tango si Aine. “I know that but still, they will not take it.  They love the place. Their jobs are there.  That place is their life.” Hinawakan ng dalaga ang noo ni Jeric na naka-kunot at nginitian.  “I’ll arrange the plane.  In two days time, we need to be there.  I have the blue print of the project as well as the map of the whole place.  Perhaps you better check it out before we make the decision?  I told Richard to wait for us for two days before they start any work they have.” Paliwanag ni Lalaine sa binata. Sumandal si Ajerico sa upuan at napabuga ng hangin.  Nakatitig siya sa mata ng dalaga habang nag-iisip. “Okay, Texas in two days.  I’m also not that comfortable with the situation there.  Better we check it and do the decision later,” kinabig nito ang dalaga at niyakap sabay halik sa ulo niya. “They should thank you.” Nakangiting lumayo ang dalaga.  Parang di nila pansin ang tatlong nakapaligid sa kanila. “And you as well.  Kahit naman na pigilan ko un kung di mo ikokonsider, bale wala din.” Sabay kibit balikat. “And you’re an angel who always calms me down,” nakangiting binalingan nito ang mga lalaking nakangiti sa kanila. “Are the two of you an item already?” birong tanong ni Mr. Liberito sa dalawa. “No no….”natatawang naiiling si Lalaine sa itinanong ng dating amo. “He doesn’t like me. I’m too busy mending his busy schedule and fitting myself into it will be handful,” nangingiting sinulyapan niya ang binata. “Actually, it’s the other way around. She's the one who doesn't like me,” alanganin ang ngiting ibinigay ni Ajerico sa tatlong kalalakihan. "Yes.  He's not the type of the guy that I will date,"  pabirong sabi niya na ikinatawa ng mga naroroon. ~~//~~ “You want anything more guys?”tanong ni Lalaine sa mga kaibigan. Katatapos lang nilang mag-shopping sa Dubai Mall at kumakain sa Coco’s.  Namili naman siya ng mga pabango at damit sa mga ibang Pinoy staff ng kompanya.  She already given the other nationalities some perfume which she bought earlier. Ang mga kaibigan niya ay espesyal syempre.  Clothes, shoes, bags and perfume from branded shops. “Ano ka ba Tol. Ang dami na nito!” natatawang awat ni George.  She bought him a pair of suit and shoes from Hugo Boss with matching perfume. “Thank you Lalaine ha.  Ngayon lang ako nagkaroon ng signature na gamit,” si Mina.  She bought her two office dress and a pair of shoes in Ralph Lauren.  “What is your brand?” tanong naman ni Issa sa kanya who have Dolce and Gabbana.  “Halo halo.  Kung saan ko magustuhan.  Mostly kasi, nag-oorder kami ng clothes.  Bihira kaming mag-walk in ng ganito.  Lalo na si Jeric.  I learned from him.  Yung mga damit namin like what I’m wearing,” she showed her flowery tube dress “personal pick namin un.  Kilala kasi si Jeric sa fashion world since lahat halos ng nagiging girlfriend niya eh models and socialites,” she sips her orange juice.  "Brands are sending us their new designs before selling it out in the market." "Wow! Big shot ka na talaga!"  natutuwang sabi ni George.  "Happy kami para sa iyo, Tol!" Umusal siya ng pasasalamat dito.   “Ang gwapo ng boss mo. Di ka ba nagpapantasya na maging kayo?” si Naty who doesn’t want to remove the Dior paper bags from her side. “Love ko un no!  Ang kaso, he’s my boss. It’s awkward naman siguro kung may relasyon kami at magkatrabaho kami diba? At least, walang ilangan kahit na lagi akong tinutukso nun.” Natatawang kwento niya. “Pero wag mong sabihing hindi ka nagseselos kapag may ibang babae?” si Issa with Armani na tumaas ang kilay.  Di agad sumagot si Lalaine dahil inubos muna niya ang steak na kinakain. “Syempre nagseselos.  Pero dahil nga boss ko, ayoko namang maka-apekto ang nararamdaman ko sa trabaho ko. Ang konswelo ko na nga lang, he’s so close to Gwain na akala mo eh mag-ama kung magturingan,” pagkaalala sa anak ay napangiti. “Kumusta na nga pala si Gwain?” nakangiting tanong ni Lisa. She sipped then looks at her friend.   "Malaki na siguro, ano?" Tumango siya.  “He’s doing fine and an achiever.  Wala akong masabi. Medyo binata na pero madaldal pa rin. Nagkakasundo silang dalawa dahil lahat ng tanong ni Gwain, Jeric is there to answer him.” “Wait, balik tayo sa Boss mo.  Seriously Tol, as in wala pang nangyayari sa inyong dalawa?” kulit ni Naty sa kanya. Natatawa siya dahil lahat ay nag-aantay ng sagot niya. “Sorry but nothing.  Sobrang busy ang life ko na ayusin ang sched niya araw-araw kahit off ko pa kasi talaga namang ang dami kong ginagawa para lang maisingit pa iyon.  Walang oras mag-date ang lola nyo! But honestly speaking, di kami humahantong sa ganoon.  Not allowed,” siya namang tunog ng mobile nya. Ini-on niya ang Bluetooth na nasa tenga. “Jeric…Okay,” habang sumusunod sa instruction ng boss ay kinukuha niya ang IPAD nya at may tinignan doon. “The diamond casing of the PSP was already delivered to me.  I already checked the quality of it in IGI.  Of course, I want the best for the Duke and Duchess baby! And by the way, next week, we have one day without any schedule.  We.... what?!” medyo napalakas ang sabi niya sa sinabi ng amo. ......... Inilayo ni Jeric ang phone sa tenga nya ng marinig ang sigaw ni Lalaine.  Napangiwi siya sa lakas ng tili ng P.A. Noon ay kasalukuyan siyang nakatingin sa screen ng laptop at naengganyong ayaing mag-scuba diving ang dalaga. “The way you screamed.....as if this is the first time that we did it!” sansala niya sa mga sinasabi nito. “So what if it’s ordinary day? Ha? Of course! Only the two of us.  I don't want to take my parents nor take other woman with me!" naiinis siya dahil gusto talaga niyang mapagsolo silang dalawa.  "I’ll pilot the cesna plane. Basta, it’s all set.  We’ll go in Maldives by Wednesday.  Ciao and enjoy your shopping,” at ini-off na niya ang phone habang pangiti-ngiti.  .......... Nakangangang ini-off niya ang phone at tumingin sa mga kaibigan na curious sa nangyari.  Although narinig nila ang usapan, medyo magulo pa rin sa kanila. “He wants to go for diving in the middle of the week! He’s really driving me nuts!” nanggigigil na sabi ni Lalaine.  “E ano bang masama dun? Diving lang naman pala?” nagtatakang tanong ni George sa kanya. “Oo nga. E di pagbigyan mo tutal amo mo naman ang nagyaya,” sabi ni Issa. “Hindi lang basta amo, sexy at super gwapong boss! Pagkakataon mo na tol!” sabay sundot ni Naty sa tagiliran niya. Medyo nawala ang inis niya sa ginawa ng kaibigan at umiling iling. “You don’t understand guys.  Jeric is the busiest man on earth.  Himala na ung mag-karoon kami ng pahinga.  Tapos ang gusto pa niya sa Maldives kami magpunta at doon mag-diving! Ang lalaking un! Kung anu-ano talaga ang iniisip!” nagdadabog na hinablot niya ang bag. “E bakit ka naman nagagalit dyan? Di ka yata marunong mag-diving eh,” natatawang biro ni Mina. Tumingin siya sa kaibigan at ngumiti. “I’m well trained, dear, at may license pa.  Ang ayaw ko lang, middle of the week.  Isa pa, si Vladimir darating to meet him the following day…” pagkabanggit niya sa pangalan na iyon ay may magandang ideyang pumasok sa isip. “Wait guys ok.  Give me a minute,” paalam niya sa mga kaibigan habang nag-didial ng telepono. Maya – maya ay nagsasalita na si Lalaine sa lengguwaheng hindi nila alam.  Natatawa pa ito habang may kausap sa kabilang linya.  Pagkalipas ng ilang sandali ay nakangiting binalingan ang mga kaibagan ng tapusin ang pakikipag-usap. “Anong salita un Ate?” tanong ni Mina sa kanya. “Russian.  I just talked to one of the Russian billionaires, Vladimir Doronin.  Nire-sched ko ung meeting nila ni Jeric at pinapunta ko rin ng Maldives,” tatawa-tawang sabi ni Lalaine.  Nasisiyahang sumandal siya sa upuan.  “E paano ang balak ng boss mo?” si George ulit. “E di tuloy pa rin.  Since gusto rin naman ni Vladimir, kaya okay lang.  At least, hindi masasayang ang araw namin di ba? Ayoko kasing nasisira ang schedule eh.  Ako rin naman ang sumasakit ang ulo hindi naman sya,” sumenyas siya sa waiter upang ibigay ang chit.  Nakangiting iniabot sa kanya at nag-ipit siya ng two thousand in their one thousand bill.  Nagsunurang tumayo ang mga kaibigan niya sa kanya. “But you know guys, alam kong di na magugulat si Jeric sa gagawin ko.  We know what’s in each other’s mind kaya naman go lang ako kung ano ang maisipan kong gawin,” umabsiyerte siya kay George.  “Tol, ano pa ang alam mong ibang salita?” nakangiting tanong ni Issa sa kanya.  “Para kang biglang naging alien sa harap namin kanina eh.” “Mga common languages lang.  Italian, French, Arabic, Spanish, Nihonggo, Korean & Cantonese to name a few.  Dati basic lang.  Mommy ni Jeric ang nagturo sa akin.” “Yung nakilala namin dati?” tanong ni Liza sa kanya. Tumango-tango siya.  “Dati naman basic lang talaga ang alam ko. But later on, since si Jeric eh minsan kinakausap ako na halo halo ang language, natutunan ko na rin.  Eh halos alam non lahat ang salita eh.  Sobrang talino.  Gwapo, matalino, sexy, matangkad, mayaman….Hayyyy,” sumandal siya sa braso ni George at tila nangangarap na ipinatong ang dalawang palad sa tapat ng dibdib. “But cannot be reach. Walang signal eh,” sa sinabi ay natawa ang mga kaibigan niya sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD