“I knew that you will do this,” bulong ni Jeric kay Lalaine. Nakangiting tiningala niya ang binata bago muling ibinalik ang tingin sa paparating na grupo sa pangunguna ni Vladimir. “I just want to make your time profitable. Since di naman siya tumanggi, mas nakabuti,” nauna siyang lumapit kay Vladimir na basta na lang humalik sa pisngi niya at yumakap. “I missed you dear,” bati nito sa kanya. Sanay na siya dito. Tuwing nakikita siya ay ganito siya kung batiin nito lalo na kung wala ang nobya na isang international model. “I’m really glad you came,” nakangiti siyang humiwalay ng yakap dito at tumabi ng ilahad ni Jeric ang kamay sa lalaki. Both guys are handsome in their own ways lamang ay makikita ang pag-kakaiba ng edad. Dumeretso na sila sa isang private suite na d

