Chapter 1
ACCIDENTALLY IN LOVE
Copyright © 2015 by AZULAN
All right reserved.
No part of this books may be reproduced, stored in a retrieval systems, or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission of the publisher.
____________________________
"BESS ALAM MO BA kung ilang calories ang nandiyan sa kinakain mo ngayon?" Biglang napahinto sa kanyang pagkain si Trisha ng punahin siya ng kanyang atribidang bestfriend na si Vanessa. Nasa loob sila ngayon ng isang sikat na Cafe sa Metro Manila. "Vanessa pwede ba. Stressed ako ngayon kaya kung pwede lang eh pabayaan mo akong kumain." Ganto si Trisha kung ma stress, dinadaan niya sa pagkain ng kung anu-ano. Ni wala siyang pakielam kung nakakataba ba iyon o hindi, just to satisfied her cravings. Infact eh kaya niyang umubos ng isang buong round cake in just fifteen minutes na walang tubig.
"Eh Bessy bakit mo ba ako tinawagan ngayon ah. Eh ano nanaman yang problema mo at nagpapataba ka? Tanong ni Vanessa habang hinahalo naman nito ang inorder na strong coffee. Napatigil siya sa pagsubo ng caramel cake. "Si Ronald. Siya ang problema ko."
"Ah si Ronald lang pala eh... Ano! Si Ronald. Huwag mong sabihin na yung Ronald na ex mo!" Tumahimik lamang siya pagkatapos.
"As if namang may kilala pa akong Ronald na iba?" Inirapan naman niya ito.
"I knew it! Eh ano nanaman ba ang problema mo sa ex boyfriend mo nayan? Huwag mong sabihin na nagpunta siya sa office ninyo tapos nakikipag balikan siya sayo. Ganun?" Imbis na sumagot ay kumuha na lamang ulit siya ng isa pang serving ng cake. "Oh bakit ang tahimik mo diyan. Huwag mong sabihin na totoo nga ang lahat ng sinabi ko sayo. O common!"
"Parang ganun na nga."
"Hindi nga. Seryoso?"
Tinignan siya ni Trisha sa mata. "Bakit mukha ba akong nagbibiro." Pinagpatuloy lamang niya ang pagsubo ng cake.
"Eh ano namang sabi niya sayo?"
"Eh ayun na nga. Tama ka, nakikipagbalikan nga yung lokong yun." Bahagya siyang ng pause "Saka ang sabi niya eh mahal niya pa daw ako."
Sweet naman si Ronald at gwapo. Mga iilang traits na siguro ay nagtulak sa kanya para sagutin ito. Mag te-three years na sana sila ni Ronald this month's kung hindi lang ito nagloko. Naalala pa niya ang lahat. Papunta siya sa may NAIA ng mga sandaling iyon dahil susurpresahin niya dapat ito. Nagpa rebond pa siya ng buhok at nagpa foot spa para lamang maging presentable sa muli nilang pagkikita. Pero ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit hindi sa kanya pinaalam na darating ito. Kung hindi pa sa kanya nasabi ng kaibigan nito na si Jestoni na uuwi ito sa Manila galing Cebu ay hindi pa niya iyon malalaman. Sa isip isip niya ay baka susurpresahin siya nito dahil dito naman ito specialist. Pero sorry nalang kay Ronald dahil siya ang mag susurpresa dito.
Habang nakatingin sa may arrival board ay kakaibang kaba ang nararamdaman niya, hindi ba niya mawari pero baka sanhi lamang iyon ng kanilang muling pagkikita. Nagkakausap naman sila ni Ronald sa telepono at nagkikita sa YM pero iba parin na nakikita niya ito ng personal. Aaminin niya, na mi-miss niya ang yakap nito, even his tender kiss ay hindi niya makalimutan. Tuyot na siya sa pagmamahal nito kahit na ilang buwan pa lamang itong nawawala. Nag ta-trabaho kasi si Ronald bilang isa sa mga research team sa isang telecom company. At kasama sa nature ng trabaho nito ang madistino ito sa ibat-ibang parte ng Pilipinas.
It almost one hour na yata siyang naghihintay sa may harapan ng arrival area pero hindi parin niya ito nakikita, possible kayang naduling lamang siya sa dami ng mga taong dumating. Sumasakit na ang binti niya sa kakahintay, even her neck ay parang mag kaka-stiff neck na ata. Tinignan niya ulit ang arrival board, hindi naman siya pwedeng magkamali ng eroplanong hinihintay dahil iyon lamang ang natatanging eroplano na manggagaling ng Cebu. "Ronald nasan kana." Habang nakadungaw parin sa labasan ng mga tao ay isang pamilyar na boses ang biglang ng agaw ng kanyang atensiyon . "Mahal I miss you!" Sa trimbre pa lamang ng boses nito ay hindi siya pwedeng magkamali, boses iyon ni Ronald. Kaya naman Inikot niya ang kanyang ulo sa kanyng likuran to prove her doubt until one scenario was change her whole life forever. Si Ronald nga ang nagmamay-ari ng boses na iyon habang hinahalikan nito sa pisngi ang isang hindi niya kilalang babae.
"Hoy natulala ka nanaman diyan!" Nilagay ni Vanessa ang kamay nito sa harapan niya para magising siya sa isang malalim na pag iisip.
"Ay ano yun?"
"Ang sabi ko eh huwag mong sabihing naniniwala ka sa kanya? Pagkatapos ng panloloko niya sayo?"
"Anong klaseng tanong yan Vanessa, Syempre hindi na!" May kasabay na sakit sa dibdib niya ang pagbigkas ng mga katagang iyon.
"Sweet heart please. Forgive me. Hindi ko sinasadya." Habang hindi pa tapos si Vanessa sa kakadada nito ay isang boses ang narinig niya sa di kalayuan. Pagsulyap niya duon ay agad niyang nakita ang isang mag kapareha na nag aaway. But its not a typical away dahil ang babae mismo ang humihingi ng awa sa lalaki.
"Ang kapal ng mukha mong ma-late. Diba sabi ko sayo na huwag kang ma la-late!" Duon na dinuro duro ng lalaki ang babae na nagpasakit ng kanyang mga mata habang nanunuod. Sa isip isip niya ay iba na talaga ang ikot ng mundo ngayon. Babae na ang nagmamakaawa sa mga lalaki.
"Sweet heart naman, sorry na. Sabi ko nga sayo diba na may ginawa lang ako saglit." Tuluyan ng lumuhod ang babae sa may sahig ng café at halatang nagmamakaawa. Ang pagluhod ng babae sa may lupa ay ang naging senyales ni Trisha upang kumilos na at makielam.
"Teka lang Vanessa ah. Diyan ka lang."
"Oy bakit Bess saan ka pupunta?"
"Basta. May lelecturan lang ako saglit." Sa totoo niyan ay habang nakatingin si Trisha sa dalawang mag kasintahan habang nagtatalo ay nakita niya mula sa mga ito silang dalawa ni Ronald. And She can help it. Hindi na niya mapapayagan pang magkaroon pang isang Trisha sa buong mundo na inaapi. Napatingin naman si Vanessa sa kabilang table kung saan napatingin si Trisha kanina at mukhang alam na niya ang sunod na gagawin nito.
Inayos pa ni Trisha ang kanyang damit bago tuluyang tumayo sa may upuan. Pasimple pa niyang hinagod patalikod ang kanyang buhok at nagpunta sa pwesto ng mag kasintahan. "Excuse me?" napatigin sa kanya yang dalawa. "And who are you?" Tanong kaagad ng lalaki.
Hindi man lamang pinansin ni Trisha ang lalaki bagkus ay tinuon lamang ang kanyang atensiyon sa magandang dilag. "Alam mo Miss dapat eh hindi ka ganyan tinatrato ng mga walang kwentang lalaking katulad nito." Siya na ang dumuro sa lalaki. "Ngayon tumayo ka diyan!"
"Huh and who are you?" Ang babae naman ang nagtanong.
Hindi niya ito pinansin. "Miss sabi ko tumayo ka diyan!"
Nakatingin ang lahat ng tao ng café sa kanila ngayon. Ang akala mo'y may isang shooting at nasa c****x na ngayon ng eksena. "Miss I said na tumayo ka diyan!" Tumaas na ang boses niya.
Nagtataka naman ang babae sa pinag aasta ni Trisha. "Nako Babe lika na nga at umalis na tayo dito. Pakielamera!"
Biglang tumaas ang kilay ni Trisha sa sinabing iyon ng lalaki, mas lalong nag init ang ulo niya pati narin ang mga kalamnan niya. Now every red blood cells on her vein are hottest as hell."Anong sabi mo sa akin?"
Tuluyan ng tumayo ang babae sa tulong ng boyfriend nito. "Bakit Miss pakielamera, hindi mo ako narinig. Kaya uulitin ko. Ang Sabi ko ay..." Hindi na natuloy ng lalaki ang gusto niyang sabihin dahil bigla siyang niluksohan ni Trisha sa may likod. Pinag kakalmot niya ang mukha nito at pinasusuntok ang likuran. Akala mo tuloy na isang live wrestling ang nangyari. Yun nga lang in animal division.
"Anong pangalan mo Miss?" Tinanong kaagad si Trisha ng isang panot na Pulis na naka assign sa isang malapit na Police station pagkatapos nilang mag harapan. Inireklamo lang naman siya ng Girlfriend ng lalaking kinalmot at binugbog niya sa loob ng Tre Leches café.
"Ay officer Trisha po." Sagot ni Vanessa.
"Eh Ineng ikaw ba si Trisha?" Tanong ng pulis kay Vanessa.
"Nako Sir hindi po? Vanessa po ako."
"Ikaw bayung nangalmot sa lalaking ito?" Tinuro ng Pulis ang lalaki na nasa kabilang upuan lamang.
"Nako Sir hindi po ako, Ito po yung best friend ko."
"Eh bakit ikaw ang sumasagot para sa kanya?"
"Ah he. Kasi ho ganyan ho yung friend ko kapag na iis-stress hindi po nagsasalita." Kunyari ay may sinusulat ang pulis mula sa isang malaking log book. "O siya. Ano ba Miss Janeth ang gusto ninyong mangyari?
"Ang gusto ko lang po Sir eh siya yung magbayad ng pagpapagamot ng boyfriend ko. Tignan nyo naman Sir parang kinalmot ng hayop ang mukha." Tahamik lang si Trisha habang nakikinig.
"Okay. Payag naman ba kayo dun Miss Trisha?"
"Oo Sir payag po kami." Si Vanessa nanaman ang sumagot mula sa parte niya.
"O sige yun lang po ba Miss Janeth?"
"Opo Sir yun lang po." Muli ay may sumulat ang Pulis sa may malaking log book nito. "O ngayong magkasundo na ang magkabilang kampo eh pwede naba kayong magkamayan? Miss Janeth and Miss Trisha?" Matagal na hindi umimik si Trisha hanggang sa si Vanessa na ang tuluyang nagkumbinsi sa kanya. "Sige na Bess." Siniko nito ang tagiliran niya.
"Ano Miss Trisha makikipag kamay kaba o hindi?" Followup question ng Pulis.
"Ay Sir ako na lang kung pwede." Sabi ni Vanessa.
"Hindi Ako na." Tumayo si Trisha at siya na ang nakipag kamay kay Janeth. Para naman ay matapos na once and for all ang tagpong ito at makauwi na sila. "O yan Sir ah. Nakipag kamay na ako, meron pa hoba kayong ipagagawa?"
Nakatingin lamang sa kanya ang Pulis. "Wala na."
"Okay then." Pagkatapos ay inirapan niya ang panot na Police officer sabay lakad papalabas ng Police station.
"Alam mo Bess nakakaloka karin no, puro ka nalang kalokohan" Tinapik siya ni Vanessa habang tila wala parin siya sa kanyang sarili. Kasalukyan na silang nag lalakad sa may parke para umuwi na."Eh bakit mopa kasi yun ginawa ah? Pakielamera ka talaga!"
"Actulally eh hindi korin alam. Para kasing nakita ko yung sarili ko dun sa babae. Naging blanko yung pag iisip ko."
"Nako ah buti nalang talaga eh inawat ka nung mga gwardiya dun sa may Cafe dahil kung hindi eh baka buong mukha nung lalaki yun ang natanggal." Kwento ni Vanessa na may kasama pang pagtawa.
Ilang sandali pa habang nasa kalagitnaan sila ng kanilang pag uusap ay isang lalaki ang bigla na lamang siyang nabunggo. Ang kakatwa pa duon ay parang wala itong pakiealm sa nangyari na hindi man lang nag react o nagsalita. "Tignan mo 'tong lalaking 'to at napaka bastos." Sinigawan niya ito kahit na malayo na ito." Hoy Kung hindi ka marunong mag sorry halika't tuturuna kita." Nabitawan tuloy niya ang kanyang bag at nagkalat duon ang ilan niyang mga gamit. "Hayaan mo nayun freind." Pagkatapos ay tinulungan siya ni Vanessa na magpulot.
Pagdating nila sa may sakayan ng fx ay una ng sumakay si Vanessa, ang sabi kasi ni Trisha ay mag tataxi na lamang siya saka may bibilihin pa kasi siya after this. Pagkatapos ay nagpunta siya sa isang malapit na seven eleven para bumili ng intant noodles at pamatay sa daga. Pumili kaagad siya ng brand. Spicy Korean flavor ang feel niya nayong gabi para kainin. Habit na niya kasing kumain ng noodles habang nanonod ng mga Teleserye sa lap top niya. Guilty pleasure na niya iyon lalo na't stress siya sa trabaho.
Dinala niya ang isang malaking cup ng instant Korean noodles sa may counter, pero nung hinahanap na niya ang kanyang pitaka sa loob ng kanyang bag para magbayad ay nawawala iyon. "Miss wait lang ah." Hinanap narin niya iyon sa iba pang parte ng kanyang bag pero hindi parin niya iyon makita. Hind siya pwedeng magkamali, dahil kumuha pa siya duon ng pera para ipangbayad sa café kanina. Oo nga tama. Huli niya itong nakita nung nasa Café sila. So ibig sabihin na nawala iyon somewere sa may Cafe o sa may police station? Naguguluhan siya
Patuloy parin siya sa kanyang pag iisip habang nasa counter not knowing na hubahaba na pala ang pila at hinihintay siya ng babae para magbayad. "Miss kung hindi po kayo sure sa bibilihin ninyo eh pwede po bang tumabi muna kayo saglit. Humahaba po kasi yung pila eh."
"Ay sorry." Tumabi naman siya pagkatapos pero habang tumatabi siya ay isang sinaryo ang bigla niyang naalala. Ang pagbunggo sa kanya ng isang bastos na lalaki sa may park."Ayun nga! Ang lalaking yun!" Sa sobrang lakas ng kanyang boses ay napatingin sa kanya ang mga tao sa loob ng store. "Buwisit siya! Baka siya ang kumuha ng pitaka ko!"
"You know what Vanessa. Talagang nainis ako kahapon dahil sa lalaking yun!" Hindi maitago ni Trisha ang inis niya sa lalaking di umanoy nagnakaw ng wallet niya. Limang daang libong piso rin ang laman nun, buti na lamang ay may nakaipit pa ng five hundred pesos sa may makeup kit niya dahil kung hindi ay mapipilitan siyang maglakad mula Edsa hanggang sa bahay niya. Tinatawagan naman niya si Vanessa pero hindi naman siya nito sinasagot.
"Sorry friend ah. Kasi na low bat ako kagabi. Umaga na nung nakita ko yung mga missed calls mo."
"Ganyan ka naman lagi eh, hindi kita maasahan kapag mga emergency. Pero kapag sinabi ko na ililibre kita eh wala pa yatang sa isang minuto eh dumarating kana."
"Grabe ka naman, nagkakataon lang siguro yun, saka teka? Sigurado kabang yung lalaking nakabunggo sayo yung kumuha ng wallet mo?"
"Sino paba eh siya lang naman yung sa tingin ko eh may motive na magnakaw." Naalala pa ni Trisha ang itsura ng lalaki. Long hair ang buhok nito at naka leather jacket."
"Sabagay may point ka dun."
"See. Kaya naman kapag nakita ko ulit yung lalaki nayun eh talagang lagot siya sa akin. Iisa isahin kong bunutin yung mga buhok niya sa anit niya!" Pagliko ng sinasakyan nilang taxi sa kahabaan ng isang kalye sa may Ayala ay isang pamilyar na nilalang ang nakita niya. Nanlaki kaagad ang mata niya. "Manong ipara nyo nga po yung taxi sa tabi."
"Oh bakit Bess?" Pati si Vanessa ay nagulat. Ni wala naman kasi itong alam na dahilan kung bakit sila titigil sa lugar na iyon.
"Basta Ma itabi nyo po yung taxi."
"Yes Maam."
Nalulukot nanaman ang mukha ni Trisha sa hindi ni Vanessa alam na kadahilanan. "Ano ba Bess, sino bang nakita mo?"
"Yung lalaking long hair nayun. Humanda siya sakin." Dali –daling bumaba si Trisha sa may kotse.SInundan niya ang lalaki kung saan niya ito nakitang pumasok kanina hanggang sa dinala siya ng kanyang mga paa sa isang private church. Hinanap niya kaagad ang lalaking long hair nayun pero hindi niya ito makita. Nagsimula ng maglakad ang bride sa may gitna ng altar. Kasabay niyon ang pag kanta ng isang lalaki ng isang pamilyar na awit. Walang iba kundi ang them song nila ni Ronald. Lalong kumulo ang dugo niya. Sa dinami dami ba naman ng kantang maririnig niya ay bakit ito pa. Ang sinumpang kanya nila ng hayop niyang ex!
Sa kanyang paghahanap sa lalaking long hair ay napunta siya sa harapan ng simbahan and she was shocked dahil nalaman niya na ang umaawit at ang lalaking kanyang hinahanap ay iisa, wedding singer pala ito. "Bwisit ka talaga!" Nag blanko na muli ang paningin niya, wala na siyang ibang alam kundi ang mag isip kung paano nga ba siya makakaganti sa lalaking ito. Until she look down to her shoes, pick it up sabay bato ng kanyang three inches high heels sa lalaking ito.
SECRETS OF THE MOON
Copyright © 2018 by AZULAN
All right reserved.
No part of this books may be reproduced, stored in a retrieval systems, or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission of the publisher.SECRETS OF THE MOON
Copyright © 2018 by AZULAN
All right reserved.
No part of this books may be reproduced, stored in a retrieval systems, or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission of the publisher.