"Take it down, now!" utos ni Pj sa mga kasama nitong Agent. Agad naman nilang pinasabog ang gate ng malaking pabrika, upang maka pasok sila dito. "Search the area!" muling sabi nya. Agad naman kumilos ang mga Agents nang marinig nila sa suot nilang earphones ang command sa kanila ni Agent Sunlight. Sya ang Matinik at mahunay na Leader nila. Walang kinakatakutan at hindi umu-urong sa laban. Hinahangaan nila ito sa galing nya sa pakikipag laban. Agad nilang pinasok ang pabrika ng mga sabon. May report kasi sa kanila na dito ginagawa ang mga Shabu na ibinibenta sa mga kabataan. Agad na tumagilid si Agent Sunlight nang maramdaman nitong may tatama sa kanya. Malakas ang pandinig at pakiramdam nya, lalo at nasa laban ito. Simula bata sya ay sinanay na sya ng kanyang sariling in

