"Mag-iingat kayo. Hindi basta-basta ang makakalaban nyo. Matinik ang Ferras Halib na 'yun, kaya huwag kayong paka tiwala na hindi kayo napag handaan ng animal na terroristang 'yun." bilin ni Lisa sa dalawang anak. "Don't worry Mom, kaya namin ang mga sarili namin." sagot naman ni Lizzi saka niyakap ang ina. Lumapit din si Pj at naki yakap din ito. "Ipanatag mo lang ang loob mo Mommy, hindi ko hahayaan na masaktan si Lizzi." wika nya sa ina. Mahigpit na niyakap ni Lisa ang dalawang anak. Sa tuwing may misyon ang mga ito, hindi nya maiwasan ang hindi mag-alala. "Tama na yan, kayo na lang ang hinihintay ng groupo." wika naman ni Sam sa kanyang mag-iina. "Mag-iingat kayo, naka monitor lang kami dito sa bawat galaw nyo." paalala pa nya sa dalawa. "Yes sir!" magkasabay pang sagot n

