Tahimik lang na nakikinig si Pj sa mga kapatid. Tama ang mga ito, dapat na nga nilang pag pahingahin ang mga magulang nila. Napaka tagal na rin nanilbihan sa bayan ang kanilang ina. Ito na ang namulatan nya na trabaho ng Mommy nya, simula magka isip sya. "Mom, tama ang mga kapatid ko. Bakit hindi na lang kayo mag enjoy na dalawa ni Daddy. Habang kaya pa ninyo na maka pag travel na dalawa, ngayon na ninyo gawin Mommy, Daddy. Malapit na rin ang birthday mo Mom, at magsi Celebrate na rin kayo ng silver wedding anniversary ng kasal nyo ni Dad. Ngayon na ang panahon para ang mga sarili din ninyo ang isipin ninyo. Malalaki na kaming lahat, hindi na dapat kami ang inaalala nyo. Mommy, mahal na mahal kita. Kayong dalawa ni Dad, kaya gusto ko rin maranasan ninyo ang mabuhay na wala nang iniisip
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


