Nefel In fairness kay Akraim, a? Hindi lang katawan at hitsura ang pambato niya laban sa iba pang mga lalaki. Idagdag na rin ang abilidad niya sa pagluluto. Kahit kasi mga simpleng pagkain lang ang inihanda niya ngayon, malalaman at malalam mo na magaling ang pangangamay niya sa kusina. Ang pagkakaluto niya kasi ng itlog, bacon, at sinagang ay sapat lang. Hindi hilaw ang itlog, hindi sunog ang bacon, at hindi overwhelming ang ibang flavorings sa sinagang. Parang hindi talaga ako magsisisi na mapapasaakin ka, photogenic-s***h-chef Akraim! "Nga pala..." Parehong may mga laman ang mga bunganga, sabay kaming nagkatinginan ni Akraim. Napagtanto kasi namin na parehong mga kataga ang lumabas sa bibig namin nang sabay. Tiningnan ko ang gulat niyang ekspresyon, at ganoon din siya sa gulat kong e

