Nefel Kahit na nagkaroon na ako ng interview kay Akraim, hindi nakasama roon ang tungkol sa mga pamilya niya. Ngayon ko pa lang nalaman na adopted child pala siya. Truly a talk with George made me raise my interest into knowing this man even more. You are handsome yet has secrets, Akraim, when will you enlighten me? Hawak-hawak ko ang kamay ng lalaki na nakaangkin sa akin. Kasalukuyan naming tinutungo ang daang palabas sa kakahuyang napasok namin. Hindi ko alam na isang pribadong lugar pala itong pinasok ko. Kasi naman, walang-anumang karatola o bakod ang nagsasabi sa akin na ang papasukin ko ay maaari na akong makasuhan ng tresspasing. Naiwan kanina ni Akraim ang mga gamit niya sa arcade nang habulin ako. Kaya mukhang magagabihan pa kami sa pag-uwi dahil kukunin pa niya ito. Tamihik an

