Zeus And Hera
"BWISET!" Nabigla ako sa sigaw ni Prinsipe. sino kaya ang mga kasama niyang ito?. huwag mong sabihin na...
"Bakit ang tagal ng Zeus na iyan?...Kanina pa tayo naghihintay!.."
"Mukhang Gusto ata talagang mamatay itong si Hera!" Pamilyar ang boses...H-hindi...C-cenjie?? Huhuhuhu bakit?.
"Prinsipe" Bulong ko. Napatingin sila sa gawi ko at saka tinanggal ni Prinsipe ang mask niya.
"Exactly!...Nakilala mo na rin ako...Eto kayang mga kasama ko?" Tinaas pa niya ang isang kilay niya. Pagkatapos ay hinubad ng mga tao rito ang mga mask nila. Cenjie, Gian?, At clark. yung iba ay hindi ko kilala pero nasisiguro kong...Pare-pareho lang kami ng school.
"P-prinsipe, pano mo nagawa sa'kin to?...A-akala ko ba-Kaibigan kita?" Sabog na ang luha sa mukha ko. matalik kong kaibigan si Prinsipe at sila Cenjie. Ni hindi pumasok sa isip ko na gagawin nila ito. Kung iisiping prank lang ito ay, bakit naman nila ako sasaktan physically?.
"Gusto Mong malaman?" Tumawa siya ng malakas.
"Nakipagkaibigan lang naman ako sayo dahil gusto kong makapaghiganti!...Sa Pamilya mong pumatay sa mga magulang ko" Napa-iling ako. hindi ko alam ang sinasabi niya.
"P-prinsipe, wala akong alam sa sinasabi mo... Tigilan mo nga--"
"Ang lolo mo!, ang lolo mong nagtakwil sa inyo ang pumatay sa mga magulang ko...Ang dali mong mapaikot Hera!. Ang dali dali mong mapaniwala sa lahat ng mga kabaitan at kaplastikang ginawa ko" ngumiti siya ng mala
demonyo. "At ngayon...Oras na para magbayad ang lolo mo."
*BOGSHHHH*
Napalingon kaming lahat sa dumating......si Zeus
Sh*t bakit pa siya dumating?. siguradong mapapahamak siya!. Tinignan ko siya at nagtama ang Paningin namin.
Umiling-iling ako sakaniya, hinihiling na sana ay maintindihan niya ang pahiwatig ko.
please, umalis ka na!.
"Kamusta! Dating kaibigan, Mabuti naman at nakarating ka hahahahaha...Ah! reunion ba 'to?teka...Ayun yung skrypt-"
"Ano bang problema mo Prinsipe?, bakit mo ginagawa ito?" Seryosong seryoso siya. Ibang Zeus ang nakikita ko ngayon.
"Haha, hindi mo man lang ba ako kakamustahin? kahit nung mga panahong nagkikita tayo sa eskwelahan ay iniisnob mo lang kami. Bading HAHAHAHAHA" Pagkatapos ay nagtawanan ulit sila.
"Hindi ako nakikipaggaguhan dito Prinsipe!..Pakawalan mo na si Hera" Mainahon niyang sabi. Tumawa lamang sila Prinsipe, hindi pinansin si Zeus at saka kinuha ang Baseball bat. Hindi!!!.
"Nakikita mo itong hawak ko?." Winasiwas pa nito ang baseball bat na parang titirahin ang bola.
Hinila ng dalawa ang kamay ni Zeus. Nagpumiglas pa ito pero apat na ang may hawak sakaniya kaya hindi na siya makawala.
"Tsk tsk tsk.Ngayon Zeus! Mamili ka, sino ang patatamaan ko? Ikaw?...O si Hera?." Ngumisi ito. Tumingin sakin si Zeus. Inilingan ko siya.
"A-Ako!" sigaw ko " Ako nalang Prinsipe, huwag si Zeus"VNaluluha paring sahi ko. Hindi na ba talaga mawawala ang luha ko?...Ang sakit na ng nararamdaman ko. Family, at sa isang kaibigan.
"Hindi! Ako!, ako nalang Prinsipe" seryosong ani Zeus
"Hindi! Huwag...Ako!, ako nalang, Tutal ako naman ang may kasalanan hindi ba? kaya ako nalang!"
Pumalakpak pa ito at tinawanan kami. Tila isang baliw.
"Hahahaha...ughh! nakakatouch naman! ang sweet! Ang Prince and Princess hahahaha...EHI KUNG KAYONG DALAWA NALANG KAYA?" Sigaw niya. Tumango ito sa mga kasama at nabigla ako ng bigla nilang pinagsusuntok si Zeus.
"Tama na! please! itigil niyo na yan!" kahit hinang hina na ay nagawa ko pang sumigaw.
Lumingon sa akin si Prinsipe at tsaka lumapit. Sinabunutan niya ako.
"Sa tingin mo ba papakinggan kita?...Pwes nagkakamali ka Hera!...Dahil kulang pa lahat ng ito sa mga ginawa ng pamilya niyo sa magulang ko" Napadaing ako ng sampalin niya muli ako.
"Itigil niyo na yan" Rinig kong sigaw ni Zeus na puro pasa na sa hindi kalayuan. Nagmamakaawa'ng nakatingin kay Prinsipe.
"Aaaargggghhhhhh! Alam nyo bang gustong gusto ko ng patayin kayo?. Lagi nalang kayo ang tama! lagi nalang!..Ikaw Zeus! Lagi nalang ikaw ang kompleto!kompletong pamilya at masayang pamilya! Ikaw Hera.." lumapit siya sakin at bumulong. sinakal niya ako kaya napaubo ako. " Manhid ka!...At walang puso!" Sinuntok niya ako.
Nakita ko pang nagkagulo ang lahat bago ako nawalan ng malay.
Puti, Kulay puti ang nakikita ko. Lumingon ako sa kaliwa...Puti, lumingon sa kanan....Itim?.
"My ghod Hera!...Hera?" dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Nakita ko si Crstine na nakatingin sakin. Nag-aalala.
"Anong pakiramdam mo?. Nakikita mo ba kami?"
"Ano ba Sophia!...Nawalan siya ng malay, hindi siya nabulag"
"Eto naman.. Malay natin diba? malay mo may bubog na nalagay sa mata niya--"
"HERA? WHAAAAA GISING KA NA NGA!!!!." Natawa ako ng bigla nila akong yakapin. Muntik pa akong hindi makahinga.
"N-nasaan si Zeus?" Natigilann sila..Nagkatinginan pa bago ako sagutin. May nangyaring masama ba sakaniya?.
"Uyyy! hinahanap!" Tsk! Echosin daw ba ako. Natawa ako.
"Maloko parin kayo!. Nasaan nga?"
"Nasa kabilang kwarto, nako ang daming pasa"
"Oo nga"
Naisip ko sila Prinsipe. Anong nangyari sakanila?
"S-sila Prinsipe?" Hanap ko.
"Nako! Naiinis ako girl ha!... Wag mong binabanggit ang pangalan ng demonyo!"
"Manahimik ka nga Sophia!. Nasa Police station sila, ayun sinampahan na ng kaso"
"Hayyyyst hindi talaga ako makapaniwala! All this years? niloloko na pala nila tayo? MG!"
"Mahal ko naman sila eh. Sana maging okay lang sila" nalulungkot ko paring saad. Kahit na ganon ang ginawa nila sakin ay hindi ako magagalit sakanila. Magagandang ala-ala lang ang puros kong maaalala.
"Huh? bakit naman eh bagay lang sakanila iyon!"
"Naging kaibigan din naman natin sila. At saka, sigurado akong balang araw. Magbabago rin sila"
"Hayy nako! basta ako, galit na ako sakanila" napahinga nalangbako at hindi na nagsalita. Kamusta kaya siya?
"Hera!. Alam namin ni Cristine na hinahanap mo siya'"
"At...inisip pa!" Dagdag ni Cristine.
"HAHAHAHA AYIEEEE" natawa nalang ako sa mga iniisip nila.
"Manahimik nga kayo!, mali ang iniisip niyo" napapailing silang kumain ng mga dinala rin nila para sakin.
"Sabi mo eh"
"Puwede na po ba siyang umalis ng hospital doc?. Sigurado akong yamot na yamot na si Hera dito sa hospital, eto ang pinaka-ayaw niyang place eh" Ang attitude naman nito ni Cristine.
"Maayos naman na ang lagay niya, nawalan lang siya ng malay dahil sa matinding pag-iyak...Pwede na siyang lumabas" Pagkaalis ng Doktor ay nagsigawan ang dalawa.
"Yes!"
"Yey! Mag ligpit na tayo!".
<
To be continued...