Zeus And Hera
Parang ayaw ko pang umuwi.
"Hindi ka pa bababa?" tanong niya sakin. nakahinto kami ngayon sa tapat ng bahay namin.
"Ayaw ko pang umuwi" Bulong ko. Napabuntong hininga siya at saka hinarap ako.
"Kung ano mang problema mo...Harapin mo yan Hera, naniniwala ako na matatapos din iyan at isipin mo na huwag kang susuko. itatak mo sa isip mo iyan!" Pumatak nanaman ang luha ko dahil sa sinabi niya.
Huwag sumuko? parang ang hirap.
"Salamat ,Zeus...Bukas pala fiesta dito sa Baranggay namin...P-puwede bang...ano...ahmm..." Hindi ko man sinasabi pero parang alam na niya.
"Sige...pero magkekwento ka ha?" Ngumiti ako sakaniya at saka ako lumabas.
"Salamat".
Pagpasok ko ng bahay, walang tao...Asan sila?. Nakita ko pang nakalapag ang isang Mangkok ng spaghetti sa lamesa na galing siguro sa kapit bahay. Dumiretso ako sa CR at naligo bago matulog.
Kinabukasan, naligo na ako bago ako lumabas. Tinignan pa ako ni ate at mukhang magtatanong pero inunahan ko na.
"Fiesta ngayon. Aalis muna ako ate." Pagkalabas ko ay surmakay ako sa kotse ni Zeus na nasa harap na pala ng bahay namin.
"Aga mo ah!"
"Ayaw ko lang kasi muna makausap sila ama at ate."
Nagulat ako ng huminto kami sa isang bahay parang mansion second floor pero maganda. Hindi naman ito yung mansion nila. Iba pa ito, wow ang yaman talaga nila.
"Naalala mo?" Tama! dito kami lagi ni Zeus naglalaro noong mga bata pa kami.At yung puno.... Dito rin lumalabas ang mga alitaptap kapag gabi. Inipon ito ni Ina at Ang nanay ni Zeus.
"Oo..Hindi pa rin nagbabago". Ngumiti ako. Ngayon na lang ako ulit nakapunta rito.
Kung ganon, bakit siya galit sa litaptap?.
"Bakit pala nadissapoint ka sa mga alitaptap?. Eh diba ikaw ang nagturo sa akin ng mga iyon.?"
"Nung araw na umalis ka. Palagi akong humihiling sa mga iyon na dumating ka kaso...Hindi, kaya simula noon ay nagalit na ako sakanila. Pero parang mapaglaro ang tadhana. Pinagtagpo tayo ulit." tinulak ko siya sa braso niya at tatawa-tawang nagsalita.
"Ikaw ang nagsabi, na hindi totoo ang paghiling sakanila hindi ba?."
"uhm...pero ngayon totoo na."
Pumasok kami sa likod ng bahay at doon ay ma hangin at presko sa pakiramdam.
" Ano bang problema?" nginitian ko siya.
"Marami...Sobrang dami....Zeus, sa tingin mo...May nagmamahal ba sakin?"
"Oo naman" ngumiti siya sakin.
"Ako" Natigilan ako at sinuntok ko ang braso niya.
"Loko ka talaga"
"Haha..gwapo ako hindi loko" Tinawanan ko nalang. Nagluto kami dito sa bahay ng pancakes At favorite naming Graham ball.
"Ang sarap"
"Haha..syempre gawa ko eh'" Natawa ako. Hindi pa rin siya nagbabago.
Habang kumakain kami ay ikinwento ko mula pagkabata hanggang sa pagkamatay ni ina at yung kahapon sa bukid.
Kinwento rin naman niya yung nangyari sakaniya sa China.
"Marunong ka mag Marunong ka mag Chinese diba?...Turuan mo naman ako" sabi ko habang pinupunasan ang luha ko dahil sa kwento ko.
"Sige ahm...Ni zhēn piàoliang"
"Ano yan?" ngumiti siya.
"Maganda ka" Napailing ako at natawa.
"Ano naman yung Salamat?"
"Xièxiè la"
"Xie-xie la?" Ulit ko...parang ang hirap naman. "Ehhh yung Good morning?"
"Zãoshang hăo" Napatango ako...Ang galing niya mag Bigkas...pormal na pormal
"Gomawo--" natigilan ako ng magsalita ako ng korea...Ang bobo mo Hera.
"Magaling ka mag hangul?" Napatango ako ng dahan dahan.
"Konti lang..Nag-aral kasi ako hehe"
"Ano yung korean word ng Good morning?"
"joh-eun jeonyeog" napatango Siya.
"Ehh yung sinabi mo kanina?"
"Yung Gomawo? napatango siya.
"Salamat in Casual way...meron kasing two types of Hangul...In casual way and Formal way" napatango siya...Hindi ko napansin na Naubos na yung pagkain namin.
"Hera...WÕ xiăng yào ni, wõ bù zhīdào, dàn wõ xiăng yào nï" Ano daw?
"Alam mo....Kung ayaw mo munang umuwi sainyo, pwede ka dito...basta magpaalam ka lang" sabi niya sakin.
"Magpaalam? edi pumunta sila rito at dito na tumira, dahil mas maganda namang tirhan 'to kesa sa bahay namin" Natutuwa kong saad.
Kapag malungkot ako..dito ako pupuntaa
"Zeus...Kamsahamnida" ngumiti pa ako. Kumunot naman ang noo niya " It means thank you in Korean Formal way...oh ayan ha, pormal akong nagpasalamat" Natawa ako.
"Ayan...Wéixiào de shíhòu kàn qilái hăoduõle (Mas maganda ka kapag nakangiti ka)" May sinabi nananaman siya sa chinese word
pero hindi ko na pinansin yun.
"Hatid mo nalang ako samin...Salamat ha? pinagaan mo yung loob ko"
"Méi wèntí" Sabi nananaman niya...Pinalo ko siya sa braso0.
"Hindi ko naman naiintindihan sinasabi mo eh aishhh"
"ahhh Hahahaha.ang sabi ko, walang problema.. Tara hatid na kita"
Pagkauwi ko sa bahay ay parehong kumakain si Ama at Ate sa lamesa... Kami kaya? kailan kami magsasama-samang kumain sa hapag kainan.
"Kumain ka na'" alok ni ate.
"M-may dala akong pagkain"
"Sa'n ka galing?" tanong ni amna pero sa pagkain lang nakatingin.
"Geunyang eodinga-e. - (diyan lang sa tabi tabi)" Bulong ko
"Narinig ko yun" sabi ni ama at lumingon sakin...Napayuko ako.
"Sinamahan po ako ng kaibigan ko mamasyal--Pinasyal niya ako dahil matagal na po kaming hindi nagkikita" Totoo naman eh...Kaibigan ko naman si Zeus.
Nilagay ko ang Dala kong pagkain sa Lamesa at saka nagbihis sa kwarto. Tinignan ko ang cellphone ko ng tumunog ito.
From: Zeuskopo!
Dang fashēng wèntí shí, wö jiù zài zhèli (" v ')
(kapag may problema, nandito lang ako)
To: Zeuskopo!
Ano naman iyan?
From:Zeuskopo!
ingat!.
Nanlaki ang mata ko...Ingat? ganun yun? tapos ang haba haba. Haysst parang ang hirap pag aralan ng Chinese.
<
To be continued...