Zeus And Hera
Pagpasok ko palang sa school ay parang gusto ko nalang umuwi. Ngayon nga pala ang engagement party ni Zeus at Liel. Para nanaman tuloy akong malamyang uod dito.
"Pupunta ba kayo?"
"Yes naman"
"Uyy ikakasal na pala si Zeus huhu"
"Hera" tawag sakin nila Cristine at Sophia.
"Huh?."
"Bakit hindi ka na bumalik kahapon, nung nagpunta ka sa Cr?"
"Oo nga..nag-alala kami sayo"
"Ahmm..wala, wala" nagtaka ako ng ngumisi sila.
"Ano yang mga iniisip niyo?"
"Huh?...wala--"
"Hera!..Pupunta ka nga pala sa engagement party nila Zeus and Liel?"
Bigla akong namutla sa tanong ni Cristine.
"Ayos ka lang Hera?"
"Bakit namumutla ka?..May sakit ka ba?"
"Ahh hindi w-wala ito. Ahm balik na ako sa room" kaagad akong tumakbo papuntang Classroom. Nang dumating ang guro ay wala akong naintindihan, hindi ko nga alam kung may assignment ba or quiz dahil lutang lang ang isip ko sa engagement mamaya.
"T'm so excited"
"Pero iyak talaga ako mamaya, Huwaaahh ikakasal na si Zeus My loves"
"Huhuhuhuhu"
Parang nawawasak ang puso ko sa mga naririnig ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay bagsak ang buong sistema ko. Nung lunch ay nagtungo ako sa pwesto nina Cristine at Sophia na nakangiting kumakain. Paano kaya nakamoveon si Sophia kay Loey?.
"Hera!, join us"
"Saan ka natuto mag english?" tanong ni Cristine habang nanlalaki ang mata dahil sa pag eenglish ni Sophia.
"Wala, hinulaan ko lang hehehe." Umupo ako sa tapat nila ng tahimik.
"May susuotin ka na ba para mamaya Hera?"
"Nako, ang bilis ng panahon no?. ngayon lang ako naka encounter ng isang arrange marriage" Sa hindi kalayuan ay nakita
namin si Zeus. Mas lalo akong nanlumo.
"Zeus, halika" Ngiting ngiti pa ito habang naglalakad patungo sa table namin. Ang mga mahahabang leeg ng schoolmates at ang nagsititirikan nilang mga mata ay nasa amin. Tahimik lang ako. Umupo siya sa tabi ko.
"Congrats nga pala Zeus, ikakasal ka na"
"Kapag nagka anak kayo, sigurado kamukha ko yan'" at nagtawanan sila ni Cristine.
"Hindi naman matutuloy yun" sumulyap siya sakin.
"Ha?. bakit hindi?" insenteng ani Cristine at Sophia. Tumawa lang si Zeus. Pinagkekwentuhan lang nila ay puro tungkol sa Engagement mamaya. Ako naman ay parang bawang na paunti-unting dudurugin at mamaya ay isasalang na. Hindi ko na kaya. Nakatingin lang ako kay Zeus pero iiwas din kapag titignan ako.
"C-cr lang ako". Pagkasabi ko bago umalis pero hinila ni Zeus ang braso ko.
"I-iniiwasan mo ba ako?" Tanong ni Zeus. Parang may kuryenteng dumaloy mula sa braso ko hanggang sa kabuuan ko.
"H-hindi". Halos napipiyok kong saad.
Nasasaktan lang ako.
Habang nasa Restroom ako ay hindi na naawat pa ang mga luha'ng kanina pa gustong lumabas.
Bullsh't! Paano ako nagkagusto sa lalaking iyon?.
Humarap ako sa salamin at tinanong ang sarili ko. Pero Sh't lang!.Ikakasal na siya!. Hindi ko alam ang gagawin ko sa nalaman ko iyon kahapon.. Mahal ko siya pero may iba na siya, hindi ko alam kung mahal din niya si Liel... Haha! Ang tanga mo talaga Hera kahit kailan!.Ang tanga ko, sobrang tatanga-tanga. Ni hindi ko man lang namalayan... Bat ba ako nahulog? Bakit wala man lang sumalo? Bakit tanging ako lang ang nasasaktan?. Aamin ba ako?
Humarap ako sa salamin at tinanong ang sarili ko.
"Mahal mno na ba si Zeus?" Sh't.
♡
Papauwi na ako ng maabutan ko si Ama na papasok ng bahay.
"A-ama!".
"A-anonggginagawa mo!" Sigaw niya ng alalayan ko siya
"PUMASOK KA SA LOOB. " Dahil sa gulat ko sa sigaw ni ama ay napapasok ako ng wala sa oras. Huminga muna ako ng malalim bago bumagsak sa kama ko.
Napatingin ako sa picture frame namin ni Ina Nung 18 ako. Kinuha ko ito.
"I-ina!.kamusta?. Ako? ayos lang ako Hehehehe. Huwag nyo po akong alalahanin. Alagaan niyo ang sarili niyo diyan ha?. Gabayan niyo si Ate, ang anak niya...Pati na rin si Ama." Pinunasan ko ang luhang tuluyan ng pumatak.
"Hera!" Nagulat ako at napalingon sa pintuan ng makita ko si ama na nakasilip sa pinto.
"Matutulog ako. Ikaw, maglinis ka ng bahay bago pa dumating ang ate mo". Eh naglinis na ako kanina ah?
Bago pumasok ng school. Bahagyang may kumiliti sa puso ko.
Napalingon ako sa picture frame.
"Balang araw mamahalin din ako ni ama'" bulong ko. Lumabas ako at nagligpit nalang ng mga kalat.
<
To Be continued...