Zeus And Hera Chapter 17

817 Words
Zeus and Hera Pagpasok ko sa school nakita ko si Zeus, may kalandian. Napalo ko ang bibig ko sa umabas sa utak ko. kalandian agad Hera? hayss. Hindi ko lang pinansin yun tsaka ako nagtuloy sa Classroom namin. "Hera." Tawag ni Zeus. Nilingon ko lang siya at binati ng goodmorning tsaka umalis. "Hera teka lang--" "Sino siya babe?." napahinto ako "Aishhh Tumigil ka nga sa kakababe mo Liel" "Hera" napalingon ako. Gasp Bakit nasasaktan ka Hera?. "A-ahm.Bakit?" Hinihiling kong huwag akong mautal. "Who the hell are you?...Bakit mo kinakausap si Zeus?" nilingon siya ng masama ni Zeus. "Puwede ba Liel?...Please leave!" parang boss si Zeus na agad sinunod ni Liel pero inirapan muna ako. "S-sino yun?" hindi ko inaasahang lalabas sa bibig ko. Lumingon si Zeus sakin. "Si Liel" alam ko,stupid hayss. "F-fiance" hindi niya naituloy ang sasabihin niya. Ngumiti lang ako. "Congrats" Pero hindi ko inaasahan ang mangyayari sakin. Ang taksil kong luha, pumatak. Tumalikod ako sakaniya. "Kita nalang tayo sa lunch" Nasabi ko nalang pagkatapos ay umalis na ako. Bakit ganun? paano siya nagka fiance? kahapon lang magkausap pa kami diba? paano nangyari yun?. Tsaka bakit ganito ang pakiramdam ko? parang nawalan ako ng gana. Kaya buong lesson ay tahimik lang ako. Nagtataka na nga ang ibang mga teachers kasi hindi daw ako sumasagot sa mga tanong nila. "Hera, are you okay?" Tanong ni Bianca, naalala ko tuloy si prinsipe. Si Bianca yung pinakamamahal ni prinsipe bago si taylor. "Nabalitaan ko yung nangyari few months ago, hindi ko inaasahan na ganun ang ginawa ni prinsipe. Pero maniwala ka, mabuting tao si Prinsipe kaya huwag kang magagalit sakaniya" "Alam ko Bianca. Nakalimutan ko na iyon, kalimutan nalang natin. At saka napatawad ko naman na sila Prinsipe" nakakamiss din pala sila. Kung bakit kasi ginawa pa nila iyon?. Umiling lang ako at hinintay mag bell. "Class dismiss" Nung lunch ay hindi ko pinansin si Zeus. Tango at Iling lang ang ginawa ko. Gusto kong alamin kung ano itong nararamdaman ko. Bakit ako ganito? feeling ko nagkasakit ako. "So, its true Zeus?..Na, may fiance ka?" "O-00...pero hindi ko naman gusto iyon, hindi ko mahal si Liel...Arrange marriage lang iyon. Business partner ni papa yung family ni Liel sa china, but gagawa pa rin ako ng paraan para hindi matuloy yung kasal" "Aba dapat lang no!...Ayokong maging mistress yung kai--" "Manahimik ka nga Cristine!" "Sorry hehe" Pinakinggan ko lang sila. "Ahm..Cr lang ako" Tatayo na sana ako pero... "Ahh Hera" "Ano yun?" ngumiti ako pero halatang peke. feeling ko peke rin yung tawa niya. Nag thumbs up lang siya tsaka umupo. Pagdating ko sa cr, biglang may pumatak sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako na hindi ko alam. M-may gusto ba ako sakaniya?. Humarap ako sa salamin. "Sagutin mo Hera." tumingin ako sa sarili kong mata. Nanlumo ako. M-may gusto nga talaga ako sakaniya. Anong dapat kong gawin? liwas Magiging awkward naman kapag Lalapit pa ako diba?. Tsk, tapos may fiance pa siya. Hindi naman sigurado kung mapipigilan niya yun hindi ba? aishhh hindi ko na alam. Hinintay ko lang maubos ang oras ng lunch tsaka ako pumasok sa Classroom namin. "Itinuro naman sa inyo ito nung mga nasa level grades pa kayo- Blah blah blah" Nag ring ang bell ng wala akong naiintindihan. Pakiramdam ko nakalutang ako. Ganito ba ang sinasabi nilang love? feeling ko dapat hindi na ako pumasok.. Ano nang gagawin ko ngayon? Whaaaa. Ayoko na. Pagka-uwi, para akong krimen na may ginawang kasalanan huhuhu. Hindi ako dapat ganito eh, pero kasi...Anong gagawin ko, paano kapag nakita ko siya? tsk. "Hera?" "Ayy kabayo!" napatakip ako ng bibig, palabas na sana ako ng gate eh. "Anong ginagawa mo diyan?" "W-wala...ahm.Uuwi na ako bye" Shemay bakit ako nauutal?. Nagulat pa ako ng bigla niya akong hilain. "Okay ka lang ba? kanina pa kita napapansin na kakaiba ah?" Sh't baka malaman niya?. hindi puwede. Umubo ako ng peke. "Ahh..Kasi, ano" Bibig ko, makisama ka. "May problema ba?" seryoso na tuloy yung mukha niya. "Babe!!!" napalingon kami sa sumigaw at, ayun nanaman si Liel. "What the hell Liel?, hanggang sa pag-uwi ba naman ay nakabuntot ka?" "Si tito Lu chan kasi tumawag, bukas na yung announcement about sa marriage" Parang kumirot yung Dibdib ko. ayy wala pala ako nun. "Lets go?" "Wait...ah Hera--" "Pumunta ka na Zeus, ah uuwi na rin pala ako okay bye" Habang naglalakad ako palayo. Para akong sinasaksak. Napailing ako Ano bang dapat kong gawin?. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa bahay, nagpunta sa kwarto at humiga. *Phone Ringing* Napalingon ako sa cellphone ko. Si Zeus tumatawag, hinayaan ko lang na tumunog yun. Napasabunot ako sa sarili ko. Hindi pwedeng ganito nalang. Arghhh!. *ting* Napabangon ako sa kama na hindi malambot. Aamin ba ako? paano kung. "Hindi kita gusto Hera, I'm sorry." Eh kung.... "Simula ngayon hindi na tayo magkaibigan" Aishhhh nakakairita. Hindi ko na alam ang gagawin ko!. < To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD