Zeus And Hera Chapter 16

1153 Words
Zeus And Hera Nagkiss kamiii!. H-hinalikan ko siya, at ganun din siya. Ang inosente ko ba para rito??. Nanlaki ang mata ko at saka itinulak siya. Napabangon ako tsaka napapasok sa kwarto. "Shocks! bakit ba nangyari yun?nakakahiya huhuhuhu!" Bulong ko sa sarili ko. Maya-maya ay lumabas ako ng kuwarto kahit nakakahiya. Nakaayos na ang kumot at natutulog na siya ng mahimbing na parang walang nangyari. Hayss mabuti naman. Bakit parang wala lang sakaniya?. Humiga nalang din ako, tapos nagulat ako dahil mabilis siyang bumangon at umupo. Ganun din ako. "A-anong problema?"Tanong ko sakaling gising siya, or lakad-tulog. "Hindi ako mapakali eh..Kasalanan ko ito. Dapat hindi tayo lumayo sa may mga maraming tao. Tapos, wala pang signal, Haishhhh kainis!" "Ano ka ba!. Wala kang kasalanan no! hindi natin ito inaasahan" Mapikit-pikit pa ang mata niya. Inaantok pero parang hindi inaantok ang katawan. Ang g**o ko ba?. Sorry naman. Tahimik lang kami, hindi alam kung sino ang unang magsasalita. Nakatitig lang siya sa apoy, sana all natititigan ng gwapo. "Sinong gwapo?" ay syet napalakas ata ang pagkakasabi ko sa utak ko. "Yung apoy" natatawa pang tugon ko. Inaantok na nga yata talaga ako. "Alam mo ba kung saan tayo unang nagkita?" tanong niya pero nakatingin pa rin sa apoy. Nag-isip muna ako kung sasagutin ko, i mean...Oo alam mo kung saan kami unang nagkita pero kasj eh inaantok nako. "Sa park." Nakangiti kong sagot. "Tss, sa simbahan" Napalingon ako sakaniya, para akong nabuhayan at nagising ang natutulog kong diwa. "Naalala ko pa nung sinabi mong "Lord, bakit niyo kinuha si lolo?... Bakit hindi nalang ako?" Ilang taon palang tayo nung araw na yun pero parang ang laki na ng isip mo" Natahimik ako at napalunok. Tama siya. Noon ay kahit itinakwil kami ni lolo. Syempre mahal ko pa rin siya. Lolo ko siya eh. "Kaya nagtangka akong lapitan ka at bigyan ng ice cream na kakainin ko sana" Natawa ako. Parang ayokong balikan ang ala-alang iyon. Pero,siguro oras na para mag sabi. "Hindi ko alam pero...Feeling ko ako ang, ang...Sisira ng mundo?" napapatanong na sabi ko. "Simula ng ipinanganak ako, kada may namamatay sa pamilya namin ay nasa akin ang sisi..Kesyo ako ang pumatay, ako ang may kasalanan, hindi ko na maintindihan kung...May maniniwala pa ba saakin o may kakampi pa ba ako?". Bigla niyang kinuha ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko. Iniharap niya ako sakaniya. "Naniniwala ako sayo" Parang lumambot ang puso ko sa sinabi niya. Tama lang para kumalma. "Naniniwala ako sayong hindi mo kasalanan, at walang may kasalanan...huwag kang sumuko Hera, kung hindi ka makapagisip...Isipin mo lang ng dahan-dahan at unti-untiin." Para akong inaakit ng mga mata niya. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko at..H-hinalikan ba niya ako? Iyon ang huling nakita ko bago sumara ang mata ko. Nagising ako, akala ko panaginip lang iyon pero... Totoo palang nandito pa rin ako sa bahay na pinagstayin namin ni Zeus. Asan kaya siya? Nagising akong wala na siya sa tabi ko. "Zeus?.Zeus-" natigilan ako ng makita diyang nakatanaw sa labas at seryoso. Nawala na rin ang snow. "E-ehem.." kunwari akong umubo "Ahm...Y-yung kagabi...Ahm ano.. Yung-" "Yung hinalikan mo ako?" nakangii niyang sabi, nang-aasar. Nanlaki ang mata ko at napailing ng todo. "Hindi..hindi ako ang humalik sayo no! ikaw kaya!" Yung kaba ko parang sasabog na. "Sus! hindi daw" "Ahm...ano..K-kalimutan nalang natin yung kagabi" "Ikaw nga itong pinapaalala mo eh...Naghihintay na yung mga rescue sa malapit, halika na" rescue talaga?. Hinawakan niya ang kamay ko, parang nakuryente ako. pero hindi yun ang naka-agaw ng pansin ko. "Bakit ang init mo?" bigla kong hinawakan ang leeg niya, kaagad niya itong inilayo. "Ayos lang iyan tara na" Habang nasa sasakyan kami ay hindi ako mapakali. May sakit itong katabi ko, tapos ako wala--sabagay hindi pala ako nagkakasakit. Isang malaking himala kapag nagkasakit ako. Nag search pa si Zeus para lang maka-usap ang mga taga rescue dito sa korea..Binigyan lang kami nito ng babala bago umalis. "da-eum-el, dolbwaya hae" (Sa susunod, mag ingat na kayo) "ye, kamsahamnida" (Yes, thank you). tumango kaming dalawa ni Zeus bago umalis. "Ahh, Hera." "Hmm?" lumingon ako sakaniya tapos ngumiti siya at nagkamot nanaman ulit sa ulo. "May kuto ka?" Inosente kong tanong. "H-ha?" "Lagi mo nalang kasing kinakamot yang ulo mo, tinatanong ko kung may kuto ka. Ahh magpunta tayong manila zoo, ipakuto mo sa Monkey" biro ko pero ngumiti lang siya...Sabi ko na nga ba hindi ako marunong magjoke hayss. "Ahm...Happy birthday again'" ngumiti ako. "Ano ka ba, palagi mo nalang akong binabati. Malaking Thank you" nginitian ko siya tsaka kami- *Pikachu-pika -* Kinuha niya ang cellphone niya. Muntik pa nga akong matawa dahil sa ringtone niya. "Oh?" Ang sungit niya kahit kailan. "What?...Teka, nasan kayo?...Sige...Okay" binaba niya ang phone at lumingon saakin "Pauwi na daw sila James" nanlaki ang mata ko. "Akala ko ba, nasa seoul sila?" "May gusto ka pa bang puntahan?..Habang nandito tayo" Bigla akong nahiya. "Alam mo Zeus, mas mabuti na umuwi nalang tayo. Nakakahiya na rin kasi sayo, ikaw ang gumastos nito---" "No, wala kang dapat ikahiya..Pero lang yan. Walang kwenta yan sakin..." may ibinulong pa siya pero hindi ko narinig. "Sa eroplano nalang tayo sumakay" tumango ako. February Nakaupo kaming apat ni Cristine, Sophia at Zeus dito sa park malapit sa manila bay. "Ang dumi ng dagat no?." "Oo nga, kahit na anong linis ng nila ay hindi mawala-wala'" "Ikaw talaga Cristine...masyado mong mahal ang kalikasan" "Aba, syempre no!, dapat talagang mahalin natin ang kalikasan" "Tama si Cristine" sabat ko "Hindi dapat napapabayaan ang kalikasan. Dapat mahalin natin ito at huwag magkalat O magtapon ng basura kung saan-saan." "O-kiee. Tara review na tayo" Napalingon ako sa Dagat. Kailan kaya ito lilinis?. "Sigurado akong balang araw ay lilinis din iyan, kaya huwag moo nang isipin. Mag review tayo?" napalingon ako kay Zeus na nakatingin sakin. Tumango ako at binalingan ang notebook kong parang manok ang sulat. Exam na namin sa First week ng March kaya naman todo review kami. "Bakit kasi hindi ka pa umamin?" "Oo nga, ang torpe mo Zeus. akala ko pa naman ikaw yung tipo na matinik sa pag-ibig at---" "Anong aaminin?" kunot noo ko silang nilingon. Nagbubulungan kasi sila at pinapaamin nila si Zeus. Bakit hindi ako kasama sa topic nila?. "A-ahh..wala yun" "Oo nga hehehehe" "Pinapaamin lang namin siya tungkol sa...sa ahm...Tinago niya kasi yung ballpen ni Cristine, ayun tama! hehehe" napapailing nalamang ako sa sitwasyon nila. "Zeus. Ibigay mo na kasi" "Ahh. Oo" Pagkauwi ko ng bahay ay katulad ng nakaraan. Si ama ay umiinom nalang palagi at nagsusugal sa kanto. Si ate naman ay nagt-trabaho para sa anak na 2 months na at yung boyfriend niyang si Tommy ay iniwan siya kaya ayun. Mag-isa nalang siya. Kung ako ang matutulad kay ate? Siguro katapusan ko na. Mabubuntis ako ng walang tatayong ama ng magiging anak ko. Hindi ko kaya. Naligo lang ako at nagpahinga. Matatapos din siguro ito Hera. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD