Zeus And Hera
Pagkagising ko ay nasa ibang lugar ako...Hindi nakatali ang mga paa at kamay ko. Kidnap 'to hindi ba?. Bakit nakabukas ang pintuan?. Maaliwalas ang kwarto at...Parang nasa hotel pa ako? Whaahahha Irerape ako? huhuhu ang bata ko pa. 19 palang ako.
"Nasan ako?"bulong ko sa sarili ko. Napadungaw ako sa bintana at napatakip ako ng bibig. Dagat?... Teka...Huwag mong sabihin na...Nasa barko akooo????
"Hello?...Sinong tao diyan?" Napalukso ako ng biglang nagsulputan sina Cristine, Sophia, Zeus at iba pa.
"Happy birthday!" Napatigil ako. Legit.
"A-asan tayo?..Bakit...Bakit tayo nandito?" "Kaming lahat except ikaw at si Zeus ay pupuntang Seoul..Nilibre kami nina Ion, James at Aaron." kumunot ang noo ko.
"Bakit?...Bakit hindi kami kasama ni Zeus? umiling sila at ngumiti. Napalingon ako kay Zeus. Nangangati pa ang ulo may kuto?
"A-ahhh Diba...pangarap mong makakita ng snow?" Huwahahahaha Oo.pero Bakit?
"O0...at?"
"Pupunta tayo sa korea, Birthday mo ngayon kaya bilang bestfriend...Magbobonding tayo"
"Ng.. Tayong dalawa?." Eh pupunta rin silang Seoul ah?. Korea naman iyon. Dahan dahan siyang tumango. Napaatras ako.
"Bakit hindi sila kasama?"
"Hayy girl? bingi much lang?."
"Kasi nga pupunta kaming Seoul...Dun sa goryeo huwahahahahah" tinakpan naman ni Cristine ang bibig niya
"Ingay mo"
"Eh teka..Eh pwede namang sumama tayo sakanila, tapos sumama sila satin diba?... sa maraming snow!"
"Hahahahahah"
"Pfftt"
Pagtawanan daw ba ako.
"Ang manhid mo talaga Heral"
"hayyy nako, Hera hahahaha"
"Una sa lahat...I hate surprising!" sabi ko kay Zeus. Magkausap kami ngayon dito sa Dulo ng barko at nilalanghap ang malamig na hangin tangay ng tubig. Hindi naman sa maarte ako pero, nakakailang kasi.
"Bakit naman?"
"Basta...I hate Surprising" Pagkaratirng namin sa Jeju island. Ng kaming dalawa lang hinila niya ako dala ang Bag at isang maleta na may mga lamang damit.
"Zeus...Bakit kasi hindi nalang tayo sumama sakanila?" Ang totoo ay mas gusto kong panoorin ang snow pero, nakakailang kasi kapag kaming dalawa lang.
"Birthday mo ngayon Hera. Naalala mo ba nung mga bata tayo? Umiiyak ka kasi kinuha ng mga batang nang-aaway sayo yung snowball" natawa ako. Hindi pa rin pala niya nakakalimutan iyon.
"At binili mo ako ng bago, sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sayo kaya binulyaw tayo ni ni ama at napagalitan." Nagtawanan kami pareho.
"Iba ang meaning sa iyong ama noong araw na iyon, kaya niya tayo binulyaw, pero Hera may isa akong sasabihin sa iyo." seryoso Siyang humarap saakin.
"Huwag kang magkakaroon ng sama ng loob sa iyong ama at kapatid, mahal ka nila Hera...magtiwala ka sakin, mahalaga ka at naniniwala ako na... Ikaw ang salitang kahalagahan ng mundo" Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Parang, alam niya talaga kung sino talaga ako.
"Close kami ng mama mo noon at may sinabi siya sakin habang naglalaro kayo ni ate winzy, sinabi niyang--."
Natigil sa pagsasalita si Zeus ng magsigawan ang mga tao.
"Whaaa"
"Aleumdaeun" (Beautiful)
"gwiyeobda" (cute)
Nagsigawan ang mga tao dahil biglang nag snow. Para akong na stock sa kinatatayuan ko. at
biglang nagslow mo ang paligid.
PLAY (YOU BY JONA)
Hindi ko matanggal ang ngiti sa aking nga labi, napalingonn ako kay Zeus na nakangiti at nakatingin din saakin.
"Bakit ka naman nakatingin diyan? Tanong ko ng magseryoso ang mukha niya. Umiling lang siya. Kung saan-saan pa ang pinuntahan namin, nilalamig na nga ako pero di ko lang pinapahalata. Actually niyan ay pabalik na kami. Halos wala ng mga tao dito at parang kagubatan pa ata itong napuntahan namin.
"Sht" napalingon ako sa kasama ko.
"B-bakit?"
"Hindi ko na alam ang pabalik"
Nagsimula na akong kinabahan.
"Tsk, sorry" Sabi nalang niya at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Frustrated ata siya?. Kanina pa siya nagbubuntong-hininga at parang balisa.
"N-nilalamig ka ba?" sabi niya, nakita ko pang may usok sa bibig niya. Kahit na manigas na ako sa lamig ay umiling lang ako at hindi pinahalata.
"Ikaw ba?"
"O-00... Tara" Ang layo na ng nilakad namin. Ni hindi ko na alam kung ako pa ba ito, dahil sa manhid na nararamdaman ko.
"M-may apoy dun...halika" Sinundan ko lang siya at tama nga siya, may apoy sa isang maliit na bahay na iyon. Muntik pa akong madulas dahil sa pagmamadali pero buti nalang at nasalo niya ako.Ang lamig na ng mga kamay niya. Pagpasok namin sa loob, walang katao-tao. wala ring ilaw. Ang dilim...Buti nalang may apoy ang chimney dito kaya medyo nabawasan na ang lamig ko.
Tumapat si Zeus sa chimney at pinanood ang apoy.
"Ang apoy ay parang ahas, inaakit ka nito sa kamatayan" Napailing ako at natawa.
"Sa lahat ng narinig kong Kasabihan ay sayo lang ang hindi ko naintindihan" Kumamot siya sa ulo at napapatawang tumingin sakin. Tumabi ako sakaniya at hinampas sa braso.
"Bakit mo ginawa iyon?" Nagugulat na aniya.
"Akala ko kasi talaga masungit ka!. Pero mabait ka naman, tapos gwapo ka pa" hininaan ko nalang yung panghuli kong sinabi. ayoko ngang purihin siya, baka masanay.
"Anong sabi mo?"
"Bingi ka ba? ang sabi ko Akala ko masungit ka---"
"Hindi..Yung huli mong sinabi" Napa-ngiwi ako. Narinig pala niya.
"Somebody told me you were leaving i didn't know" Habang nakatingin kaming dalawa sa nag-aalab na apoy ay sinimulan ko ang kanta'ng 'Let me be the one' kay Julie ann San Jose version.
"Somebody told me you're unhappy But it doesn't show"
"Somebody told me that you don't want me no more So you're walkin' out the door"
Ni hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit ko kinanta ito. Basta gusto ko lang.
"Nobody told me you've been cryin' Every night.
Nobody told me you'd been dyin'
But didn't want to fight.
Nobody told me that you fell out of love from me, So I'm settin' you free" Nagulat ako ng bigla siyang sumabay sakin sa pagkanta, pagdating sa Chorus.
"Let me be the one to break it up So you don't have to make excuses. We don't need to find a set up where. Someone wins and someone loses" Nagkatinginan kami at nagsabay sa pagkanta.
"We just have to say our love was true. But has now become a lie So I'm tellin' you I love you one last time....and goodbye." Pareho naming tinapos ang kanta ng nakatingin kami sa isa't isa. Para akong inaakit ng mga mata niya. Kita ko doon ang repleksiyon ng apoy sa harapan namin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatitig sa mga labi niya. Ang pupula. At huli na ng..Huwaaa!.
To be continued...