Zeus And Hera Chapter 14

928 Words
Zeus And Hera Pagkalabas sa hospital. Pinilit pa akong papuntahin nila Sophia sa kuwarto ni Zsus. Halata man sakin na gusto ko pero umayaw pa rin ako. Pero sa huli, tinulak na nila ako sa kwarto niya. "Aishh-" natigilan ako ng makita si Zeus na nakatingin sakin. Nandito ang mama niyang si tita Mary at...ate Winzy?. "OMG Kisses is that you?. Whaaaa" Nagulat pa ako ng bigla siyang tumakbo at niyakap ako. Close na close kasi kami ni ate Winzy dati ewan lang ngayon. "Whaaa OMG! kinwento na samin ni Zeus na ikaw daw si kisses and...Hera. I'm so sorry for what happened" "T-teka..bakit ka nagsosorry?" Tumingin siya kay Zeus, pati tuloy ako napalingon. "A-ahh...Dahil sa accidente, hindi kasi ako nakarating ng maaga" "Wait...Mama, come here, let's go outside muna hehehehe" hinila niya si tita Mary palabas Natatawa ko pa silang tinignan. Pagharap ko nagkatinginan kami ni Zeus. Pareho pa kaming nag-iwas ng tingin. Nakakahiya. "Wag mo nang pansinin si ate Winz...Namiss ka lang siguro niya" "Salamat!" Sabi ko tsaka ako lumapit. Mas luminaw tuloy sa paningin ko ang mga pasa sa mukha niya. "Pero..pinag-alala mo ako nuh! hindi ako makapaniwalang dumating ka talaga "Ano ka ba!. Friends tayo diba?. tsaka, kahit sino naman sigurong tatawagan ng mga ugok na yun ay pupunta pa rin para iligtas ka." Natahimik ako. Hindi ko alam pero parang nagka tape ang bibig ko. "Y-yun yung dahilan kung bakit ako umiiwas noon sayo...Dahil binalaan ako ni Prinsipe na papatayin niya ang crush k0-" natahimik siya. Napalingon ako. Bakit..Parang nasasaktan ako? aishh. "May crush ka?...sino?" "W-wala.. Ahm.ano...0o yun!. Kaya ako umiwas dahil binalaan niya ako" Napakunot naman ang noo ko kaya nagtaka siya. "Ang manhid mo naman Hera" "Ako?" napaturo pa ako sa sarili ko " Bakit naman?... Hindi ako manhid no!----" "May gusto sayo si Prinsipe" na shock ako. Literal na gulat. "N-Nagpapatawa ka ba?...Ako?gusto ni Prinsipe? hindi rin" "Ginamit niya si Taylor para pagselosin ka, Pero..Ang manhid mo eh." "Teka...teka...pero, kung may gusto siya sakin, bakit niya gagawin yung pagkidnap?. sumakit pa ang dalawa kong pisngi dahil sa pagsampal niya. sinakal pa niya ako at sinuntok. Anong gusto ang sinasabi mo diyan? hahaha kalokohan at saka isa pa!...Sinisisi niya si lolo sa pagkamatay ng magulang niya. at ako ang kabayaran". Napatungo Siya. "S-sorry talaga...Na late ako ng dating, sabi ko na, dapat sinundo kita sa school ehhh" "Ano ka ba!...ayos na yun, tapos na!...Ang gawin mo nalang ngayon ay magpahinga, arraso?" [Arraso= okay] "A-ano naman yan?" Ngumiti lang ako. Ngiting nang-aasar. "Tss...Xièxiè ni, hěn hăo" (Tss...Pasalamat ka maganda ka eh). "Ano?" Umiling-iling lang siya ♡ "Yeheyyy!" "Wuhoooo0" Sigawan ang maririnig sa mga kaibigan ko ngayon. Pito kami...isama pa ang mga half korean half filipino na kaibigan ni Zeus. Si James, Ion at Aaron. "Ang sarap naman ng food ng pilipino" Tango ni james. "Oo nga! Palaging masarap ang mga pagkain...Pero ayoko talaga ng balot" Muntik na akong magbuga ng tawang malakas dahil sa sinabi ni Aaron. Kagabi kasi habang nag n-noche buena kami ay pinakain ni Sophia ng balot ang dalawa. Si Ion ay nasarapan pero si Aaron ay nagsuka pa at parang na trauma. paulit-ulit na sinasahing. "Chicken is not my style" Joke syempre kay kris words yan haha. "Hahahahaha...kaw kasi Sophia, pakainin ba naman kami ng balot" Sigaw ni lon. "Pffft" nagtawanan lang sila habang naka dungaw ako dito sa balkonahe. Andito kami ngayon sa Bahay namin ni Zeus. Bakit bahay namin? Kasi bigay ito samin ng mama ni Zeus at ni ina noong mga bata pa kami. Pasko na ngayon at..namimiss ko si ama at ate. "Bakit naman nag-iisa ka diyan?" biglang may nagsalita sa likod ko. Si Zeus pala. "Wala. Bakit hindi ka makisama sakanila?" tanong ko pabalik. "Sungit..Alam mo, mas masaya kapag kasama ka...Hindi yung nag-iisa ka diyan" "Namimiss ko kasi yung dati kong pamilya...I mean dati, yung dating kompleto kami at masaya... Actually matagal na talagang galit si Ama sakin pero..masaya pa rin kami. Si ina pa ang pasimuno ng kasiyahan pero ngayon...Parang tumindi lang galit ni ama sakin" "Ano ka ba Hera!...Andito naman ako ehh. Kami" Ngumiti ako sakaniya. "Salamat" "Ayieeeee" sa gulat ko ay muntik pa akong mahulog, buti kaagad akong nasalo ni Zeus. "Tsk...Halika na nga" Hinila niya ako at saka kami kumain at nakisalo sakanila. ♡ Kagigising ko lang ng biglang may naramdaman akong ingay sa baba. Birthday ko pala ngayon January 12. Naalala ko yung new year. FLASHBACK "Ama--Ate...H-happy new year" biglang nilayo ni ama ang regalo ko kaya nahulog. "Walang kwenta ang new yeaar Hera kapag nandito ka!" "Ama...Hayaan nyo na si Hera!...Nung pasko nga ay hindi natin siya kasama-" "Palagi naman hindi natin kasama iyan. Parang nagtataka ka Heris?. mabuti pa ay isipin mo nalang iyang ipanggagatas mo sa anak mo at makapag hanap ng trabaho para sa pamumuhay" bigla kong nilingon si ate. Namutla siya bigla. B-buntis siya?. Ate. "Sorry Hera...Patawad. Umalis ka nalang, dun ka nalang sa bahay na tinitirhan mo ngayon, sa bahay kung saan walang magpapahirap sayo" napaiyak ako..Ate!! huhuhuhuhu Niyakap ko siya bago pinulot ang mga regalong nahulog at binigay sakaniya. "Mag-aaral ako ng mabuti ate... Tutulungan kita" huling sabi ko bago ako umalis. END OF FLASHBACK Umupo ako sa kama at pinunasan ang luha na tumulo mula sa aking mga mata. Pagbaba ko ay madilim. Ang alam ko ay umaga na...pero bakit parang gabi pa?...Napasigaw ako ng biglang may nagtakip ng mata ko at buhatin ako na parang isang sako ng palay. "Ahhhhh! bitawan mo ako! sino ka!" May Itinusok ito saakin kaya nawalan ako ng malay. To be continued... VOTE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD