Zeus And Hera
Hininto ni Zeus ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Hindi!. Mansion ata ito.
"A-anong ginagawa natin dito?" tanong ko pagkababa namin.
"Tsk! dito tayo gagawa ng Thesis" Habang papasok na kami ng sa mansion ay hindi ko maiwasang mamangha. Ang laki!, ang laki nitong Mansion. Malamang Hera hayss kaya nga Mansion eh ang tanga mo talaga.
"Dito tayo" Napalingon ako sa Waterfalls. Whaaaaa Ang ganda. Tapos sa isang puno may mga Aliitaptap. Gabi na pala hehe.. Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng paa ko dito. Ang ganda naman ng Tirahan ni Zeus. Sana all.
"Anong ginagawa mo?. Pumasok na tayo sa loob--" Tinignan ko siya tsaka nginitian.
"N-ngayon lang naman to..P-pwede mo muna ba akong samahan dito?"
"Anong gagawin mo riyan?. Tignan mo nga, basa tayong dalawa!. Baka magkasakit pa ako eh" Napasimangot ako.
"Sigenaaal ngayon lang naman!" Pilit ko pa. Sumang-ayon din naman hahaha. Inikot-ikot ko ang puno. Ang ganda talaga.
"At ano namang nakakamangha diyan?...Isa lang naman yang Alitaptap na walang kwenta" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Anong sabi mo?. Walang kwenta? hindi kayaa!..Alam mo ba, nung bata ako, may kalaro ako tapos palagi kaming nagw-wish kapag nakakakita kami ng alitaptap" Kwento ko sakaniya habang naghuhuli ako. Nakita ko naman siyang umupo sa upuan. Tumabi ako sakaniya at nakita ko ang malungkot niyang mga mata.
"Anong problema?"
"Wala na akong tiwala diyan sa mga yan simula nong bata ako. May hiniling kasi ako na hindi natupad" Mapait na saad niya. natawa naman ako ng bonggang bongga.
"HAHAHAHAHAHHAHAHA...Ano ka ba naman Zeus, Sana nag wish ka sa isang Wishing Star o kaya naman sa Mga perya haha" Sinimangutan niya lang ako.
"Tara na nga" Pagpasok namin sa loob ng mansion ni Zeus ay agad na may bumati saamin. Katulong siguro to rito.
"GoodEvening Master" Master? Si Zeuz master? Ooooookay.
"Nasan si Mama at Papa?"
"Ahh nasa taas po may inaasikaso"
"Hmm...Magandang gabi po" Bati ko rito. Nginitian lang ako nung tumawag kay Zeus na master.
"Aba't sino itong magandang binibini na ito?" Ayy wow binibini ka raw Hera haha.
"This is Hera..Partner ko sa Thesis, Akyat muna kami" Nginitian ko ulit yung tumawag kay Zeus na master.
"She's Nanay Nening"
"N-nanay nening?..So siya yung nanay mo?" tuwa kong sabi.
"Are you kidding me?." Inis na aniya. "Nah! she's not...Isa siya sa pinaka pinagkakatiwalaan na katulong dito sa mansion pero hindi namin siya itinuturing na katulong. She's different." Ahh. Pumasok kami sa isang kwarto. May mga Books. kwarto kaya ito ni Zeus? Mahilig pala siya sa mga libro? Wow nerd!.
"Kwarto mo to? Amazing--
"Hindi ito ang kwarto ko!" matigas niyang sabi. edi hindi.
"Pwede ba?...Sumunod ka nalang sakin, ang dami mo namang napapansin"
"Sungit" bulong ko bago nagtitingin.
"Woahh" May nakita kasi akong Mga Teddy bears. Cute!. Umupo si Zeus sa isang table. Sinundan ko siya at umupo rin sa tapat niya.
Nagsimula na kaming gumawa ng Thesis hanggang sa hindi ko na napansin ang oras. Alas onse na pala.
"Pwede na ba akong umuwi?...Inaantok na kasi ako ehh" Actually, kanina pa ako inaantok. nahihiya lang kasi ako dito sa kasama ko. Baka kasi magsungit nananaman.
"Uuwi ka ng hindi ka kumakain?. Mabuti pa, bago ka umuwi kain ka muna" Tumango-tango ako. Go ako diyan. kanina pa rin kasi kumukulo ang tiyan ko.
Pagkababa namin ay nadatnan namin ang Isang Babae. Ang ganda niya, nakasuot siya ng pulang Gown at ang puti pa niya.
"Ma" tawag ni Zeus rito.
"Oh, Zeus-wait...your girlfriend?" Turo niya sakin.
Ano? ako raw girlfriend?.
"A-ahh nako, nako hindi po ah.Kaklase lang po ako ni Zeus sa isang subject"
"Makatarnggi naman" narinig kong bumulong si Zeus pero hindi ko ito naintindihan.
"Oh!...Ahm nag dinner na ba kayo?. Katatapos lang namin ng papa mo. Hali kayo sa lamesa" umupo ako at Nakita ang mga pagkain. waaaw ang dami naman.
"Ahmm so, what's your name iha?"
"A-ako po si Hera Ambrocio"
"Nice name...May katulad pala namin na nagpapangalan sa mga God's and Goddess" Ngumiti ako sakaniya.
"Actually po, hindi dun kinuha ang name ko. Kinuha po ito sa Pangalan ng Nanay at ng tita ko. kapatid po niya. Hesillia at Racey" Napatango-tango ang mama ni Zeus kaya nagpatuloy ako sa pagkain. Nagkwentuhan rin kami ng mama ni Zeus. Ang saya pala niya kakwentuhan. Sana nandito pa si mama. Ang swerte ni Zeus kasi may mama at..Papa siya.
"Hahaha...Nako, Zeus ang galing mo naman pumili ng mga kaibigan-"
"Ma, shes not my friend, shes my classmate"
"Okay, okay...O pano? mauna na ako at maaga pa ako sa meeting bukas...Goodnight Hera nice meeting you."
"Nice meeting you din po Ma'am--"
"Naku, huwa mo akong tawaging Maam. Masyadong pormal. Just call me Tita Mary"
"Ma!" sigaw ni Zeus.
"A-ahh sige po Tita mary"
"Hehehe...Sige alis na ako bye" Hinarap ko si Zeus pagkaalis ni tita Mary.
"Alam mo Zeus?. Ang bait ng mama mo no?. Ang cute pa hehe parang teenager lang at saka...Chinese pala kayo?"
"Tss Seriously? Stop calling my mom 'Tita'. "Yan lang reaction niya kinnam. Ang layo ng ugali niya sa mama niya. Kanino kaya siya nagmana? Masyadong masungit.
"Si tita Mary ang nagrequest." Inirapan ko pa siya bago ako bumaba ng hagdan. Second floor kasi ang dining. O diba, kami nga isang kwarto lang Hahahaha.
"Dito..dito ang bahay namin" turo ko sa bahay namin.
"Ahm...sige, una na ako, salamat sa pagkain ah? hehe" bababa na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko.
"Sandali lang" parang may kuryenteng umagos sa buo kong katawan. Bakit parang nagslow mo ang paligid?. Pero agad din nawala yun ng ibaba ni Zeus ang kamay ko.
"Ingat, p-puwede ka nang lumabas"
"Hm" tumango ako at lumabas. Pagkaalis ng kotse niya tsaka palamang ako pumasok ng lubusan sa bahay.
"Ang sungit talaga ng isang Iyon haysss." Bulong ko bago ako tuluyang pumasok sa aming tirahan.
<
To be continued...
COMMENT