Zeus And Hera Chapter 6

1344 Words
Zeus And Hera Kinaumagahan ay niyugyog ako ni Ate para lang magising "Hoy, Hera bakit hindi ka umuwi kagabi ha?...Kung may boypren ka o nakikipaglandian ka lang kung saan-saan... Wag ka ng mag-aral, mag asawa ka nalang!..Maglinis ka ng Bahay." Sigaw ni Ate saakin bago siya lumabas ng kwarto ko. Napahinga ako ng malalim bago sinunod ang utos iya. Naghilamos muna ako bago kumilos, mamaya kakain. Dapat linis muna bago kumain. Hayssst Nakakapagod. Naghalukat ako sa Ref naming luma, na pwede kong iluto para sa tanghalian. Hindi na kami nag-uumagahan eh. Biskwit lang at kape ay ayos na. Tinolang manok!!. Nagluto ako habang sumasayaw, normal lang naman to diba?. Hehehe. Hahaha syempre dapat masaya kapag nagluluto para masarap. kapag kasi nakasimangot ka lang..Walang kwenta ang pagluluto mo. "Hoy, Lando yung utang mo kailan mo babayaran!" Sino kaya yung mga nagsisigawan sa labas?. Hininaan ko ang apoy at tsaka lumabas. "Ha-ha-ha-ha...Baka bukas pareng bugoy-." "Isang buwan pa yun ahhh" Naabutan ko si Ama habang may mga nagt-tsismisan na mga magkumare. "S-sandali lang po, ano pong problema?" tanong ko. "Ayan kasing Ama mo!..Isang buwan ng hindi binabayaran ang utang..eh syempre kami ang wala! Eh kailangan na namin ang pera!" "M-magkano ho ba ang utang niya?" "5k, babayaran mo ba?" Nagulat ako. Bakit nagkaroon ng utang si ama ng ganun kalaki?. "A-hahaha...Hayaan nyo po tatang bugoy, mababayaran din po iyon" ngumiti pa ako at nagsign ng fighting. tumango lang ito a tinitigan pa ng masama si Ama. ♡ "Hindi ka na dapat nakikisulsol sa away namin ni Bugoy" napalingon ako kay Ama nang magsalita siya. Hindi naman away iyon hindi ba?. May hindi lang pagkakaintindihan. "G-gusto ko lang pong tumulong Ama...Hayaan nyo, mag-iipon po ako para mabayaran ang utang niyo kay--" "Huwag na!...Wala ka ngang kwenta tapos ikaw pa magbabayad?" medyo pa gewang-gewang pang sambit niya. "Wala kang kwenta Hera, Kaya ang dapat mo lang gawin ay magkulong sa bahay, maglinis at magtrabaho para sa sarili mo, Wag mo kaming isipin ng ate mo dahil hindi mo kaya...Dahil wala kang kwenta" Umiyak pa si Ama at parang may mapait na naalala. Nakatitig lang ako. Para akong batang hindi maintindihan ang sinasabi ng Ama. Parang batang hinfi maintindihan ng isipan pero ang puso ay duguan. "Alam mo ba nung ipinanganak ka?... Muntik ng mamatay ang iyong Ina, hindi dahil sa lindol noon, kundi sa panganganak niya sayo" Naiwan akong tulala. Naikwento nga saakin noon ni ina na lumilindol daw noong ipinanganak ako. Pero bakit ganito si Ama?. bakit kasuklam-suklam ako para sakaniya?. Wala ba talaga akong kwenta?. Huminga ako ng malalim. Hayaan nyo, ama papatunayan ko na may kwenta ako!. "Asan ang Ate mo?" "H---." Hindi ko pa man nabubuo ang isang salita ay pinutol na ni Ama iyon. "Huwag mo ng sagutin" Putol niya sa sasabihin ko. Ang lungkot-lungkot ng buhay ko. Para akong nakakulong sa impyerno, bakit hindi pa ako mamatay?. wala naman akong kwenta sabi ni Ama. Naglalakad-lakad ako dito sa may parke, pinapanood ang mga batang naglalaro, mga batang inosente at walang alam sa nangyayari. Kailan kaya ako sasaya?. Pakiramdam ko hindi naman ako mahal ni ama at ate..Ampon kaya ako?. o malas sa buhay nila? Bakit pa ako ipinanganak?. Dapat nung lindol ay iniwan nalang nung lindol ay iniwan nalang nila ako para madaganan ng mga bakal. Pinunasan ko ang luha ko sa dami ng iniisip ko. "I-ina!...Kahit na ayoko ng mabuhay ay...Nagpapasalamat pa rin ako kasi binuhay nyo ako, na naranasan kong mabuhay" Habang naglalakad ako ay may nakabangga ako. "T-tita?" Yung nanayni Zeus. tumalikod ako para punasan ang mga luha sa mata ko. "Hera?...wait, umiiyak ka ba?" humarap ako. "N-napuwing po kasi ako, bakit po parang balisa kayo?" "Ahh...S-si Zeus kasi ehh" parang nahihirapan siya. "Ano pong nangyari kay Zeus?" "N-nilalagnat siya and...i don't know what to do!" Natatarantang sabi niya. Ang cute ng mama ni Zeus. Natawa ako ng bahagya. "Nasan po siya?" "Nasa bahay, p-pwede bang alagaan mo siya? I think, hindi naman magiging dragon si Zeus niyan. He needs a nurse." Kinindatan pa niya ako. "Nurse? eh hindi naman po ako nurse eh.pero,sige po aalagaan ko siya" Siguro dahil sa Naulanan kami kagabi. Pagpasok ko ng mansion nila ay nakita ko si nanay Nening. "Magandang gabi po" pinaakyat ako sa kwarto ni Zeus. Madilim at simple lang ang kwarto niya. "I-it-told you...G-gusto kong Mapag isa" Kahit pala nilalagnat ang sungit pa rin. "Zeus anak, Andito si Hera'" Pagkita ko sakaniya ay nagulat ako ng namumula ang buong mukha niya at medyo nanginginig din siya. "Lalabas muna ako para kumuha ng towel" Tinignan ko si tita na lumabas bago tinignan ulit si Zeus. "Zeus" bigkas ko sa pangalan niya. "H-hera..." Parang may kumuryente sa huong katawan ko ng tawagin niya ang pangalan ko. "Anong..anong ginagawa mo rito?" Umupo ako sa bandang tabi niya. "Nabalitaan ko kasing nilagnat ka kaya...Ako nalang ang mag-aalaga sayo. Siguro dahil nabasa ka ng ulan kagabi, kaya ka nilagnat" Hinawakan ko ang noo niya at ang init nga niya. Tahimik lang na natutulog si Zeus pagkatapos niyang kumain. "Siguro po ay kasalanan ko kung bakit po siya nilagnat" Wika ko kay tita. "Ha?. bakit naman Hera?" "N-naabutan po kasi kami ng ulan kagabi eh" Pag-amin ko "Naku, edi hindi mo naman kasalanan hahahaha" tumawa lang siya. Lumingon ako kay Zeus na mahimbing ang pagkakatulog. Nagpaalam na ako kay tita Mary na umuwi na at baka hinahanap na ako ni Ama at Ate. Baka mamaya'y masigawan nanaman ako, mahirap na. "Ama!, ate!?" bakit wala sila?." Nanlaki ang mga mata ko ng may marinig akong parang ungol?...Napadpad ako sa kwarto ni...Ate!?. "i love you Tommy!" "Love i you hehe" "Hayy nako, Tommy wrong graham ka pa!" "Hayaan mo na. Becuse aynm your love as olweys" napasilip ako sa kwarto niya at.OMG MY INNOCENT EYes!. "A-ate?..." Gulat na gulat ako...paano kasi ay nakahubot-h***d silang dalawa ng jowa niya. "Anak ng..ano ba Hera?, hindi ka ba marunong kumatok?" natatarantang tanong niya. lumabas ako at kumatok. "A-ate? gulat kunwari kong tanong. inirapan lang ako nito at saka linalabas ako. Bakit ganun?...kahit pilit akong nagpapatawa or...nagbibiro ako ay hindi man lang sila natutuwa saakin. Pumasok nalang ako sa kuwarto ko at nagbasa-basa. *TokTok* *Toktok* Maya-maya ay pumasok si Ate sa kwarto ko. "May naghahanap sayo sa labas!" sigaw niya pagkatapos ay isinara na niya ang pinto. "Huh?" tanong ko sa sarili ko. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay tumambad sakin si Zeus. Ang gwapo niya--ayyyyss ano ba tong nasasabi ko?. ANONG GINAGAWA NIYA RITO?. Nakasuot siya ng polo at black pants. "Magaling ka na ba?. bakit ka lumabas?" Tanong ko. "Wag ka nang pumunta sa bahay namin. At sa thesis, ako na ang gagawa, Hera ayoko na kitang makita, lubayan mo ako at si Mama...And please?... Don't act like you care for me!" Pagkaalis niya ay may lumuha sa mata ko. Bakit siya ganun?, may nagawa ba ako?, haha...bakit ba ako ganito? nababaliw na ba ako?. Pinunasan ko ang luha ko bago pumasok sa loob pero nakita ko si Ate na nakasilip sa pintuan. "Mabuti naman at break na kayo ng boypren mo! naku, kay bata ang landi-landi" Napabuntong hininga nalang ako at saka nagtuloy papasok sa kwarto ko. ♡ Pagpasok ko palang sa School ay may mga mata nang nakatingin sakin. "Shes s**t" "Feelingera!" "True!" Hinayaan ko nalang at tsaka ako tumuloy sa Classroom. "Goodmorning, may idea ba kayo kung anong meron ngayong August?" Nagtaas ng kamay yung isa kong kaklase. "Buwan ng wika Sir?" "Yes, and magkakaroon tayo ng binibini at ginoo 2017" Nagbulong-bulungan ang mga kaklase ko. Wala naman akong pakialam diyan dahil hindi naman ako sanay at sumasali sa mga ganiyan. "Sir, I nominate Hera Ambrocio!" "Oo nga po sir siya nalang po" "Hahaha" "Oo nga haha" Napalingon ako ng masama sa mga kaklase kong nagtuturo sakin. Mga Walang magawa sa buhay. "So...Hera, ikaw na?" "Hala, si Hera chooy pa oh" "Wooooo0" "Tumigil na kayo Class!" sigaw ng teacher. Nagumpisa nanamang gumilid ang luha ko. "Hera, Punta ka lang sa Faculty kung gusto mo ha?". Hindi ako nakapagsalita at nag-isip tungkol doon. < To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD