Zeus And Hera Chapter 7

722 Words
Zeus And Hera "Ano?" Gulat na gulat ang dalawa kong kaibigan sa kwento ko. "Ang sama naman ng mga kaklase mo!" "Oo nga!!...Pero, Hera hindi ka ba talaga sasali?, kasi kung ako yun? sasali ako" natawa naman si cristine sa sinabi ni sophia. "Kung ako ikaw ah? hahaha" Nagkibit balikat ako. "Ewan ko, para naman kasing hindi ako karapat-dapat na sumali diyan, ang pangit ko kaya! tapos hindi pa ako matalino" "Totoo yang sinabi mo." "True, hindi ka naman kagandahan." Tignan mo tong mga to. "Aishhh Sumali ka, huwag kang magpapatalo sa mga kaklase mong nambubully sayo! at saka...Maganda ka kaya Hera, tinatago mo lang kasi" Napatingin ako sa naglalakad na lalaki...Umiinom ng soda habang nakayuko. What if, sumali ako?...Kaya ko ba? at saka..10k yung premyo eh, kailangan din kasi ni ama yung pera...AHA! kinalampag ko yung lamesa, Nagulat pa ang dalawa.Napansin ko rin napatingin dito yung lalaki. Si Zeus "SASALI AKO!" Sigaw ko. Tumili naman yung dalawa kaya tinakpan ko yung mga bibig nila. Katulad ng sinabi ni sir, nagpunta ako sa Faculty niya. Natuwa naman siya at siya na rin ang tutustos sa Gown, makeup, etc. Tutal ay may share-share naman ang Classroom namin. ♡ "Go Heral..manalo, matalo, ayos lang ha?. Fighting!" natawa naman ako sakaniya. Nag Thank you muna ako bago umalis. Tuwang tuwa pa ako habang naglalakad. "Ouch!" "Sorry." napalingon ako sa bumangga sakin. Si Zeus. Umiwas lang siya sakin tapos ay nagtuloy na siya sa paglalakad. Ganun din ako. Pagkauwi ay kaagad kong sinabi kina Ama at Ate ang pagsali kosa buwan ng wika contest na sana hindi nalang pala. "Seryoso Hera?...Ha! nakakatawa ka! Ipapahiya mo lang ang pamilyang Ambrocio sa ginagaqa mo eh." napayuko ako. Ganun ba sila kawalang tiwala sakin?. Humiga ako sa kama ko. Sasali ako! kahit pang first runner up man lang ako para makuha ang 5k na ipambabayad sa utang ni ama kay lolo bugoy. ♡ Ngayon na ang araw ng Binibini ar ginoo 2017 Buwan ng wika. Parang ayokong pumasok ng school. Habang naglalakad ako ay nakita ko ulit si Zeus. Nagtama ang paningin namin, ngumiti siya sakin tapos nag Thumbs up. Para akong nabuhayan at hindi alam ang gagawin basta dinala ako ng mga paa ko sa Classroom namin at nandoon sina sir Ray kasama ang mga kaklase kong gumagawa ng mga banner at may dalawang hindi ko kilala na kasama ni sir. "Hera!" "Akala ko hindi ka na pupunta.. Halika sa Backstage, aayusan ka ng mga kasama ko. Si Circle, heart,at Square" eh? Grabe namang pangalan iyon? Hehehe. "Hello po"Ngumiti ako sakanila. "Hello, naku, Hera ang ganda ganda mo...siguradong ikaw na ang mananalo" natawa ako. "Hindi naman po" Pagkatapos nila akong ayusan ay tinawag na kami ng Emcees. Rarampa, magpapakilala, talent and question and answer. Isang Araw na gagampanan iyon at sigurado akong nakakapagod iyon. Ohhhh!! ako na pala. Dahan-dahan akong naglakad, hinihiling na sana ay hindi ako madapa. Pero, hindi ko inaasahan na maraming sumisigaw. Natawa ako ng makita ang banner na 'WE LOVE YOU HERA' tapos may mukha ko pa. Napailing ako. "Ako si Binibining Hera Kisses Ambrocio ng Labindalawa B May kasabihang Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng Mamon" nagsigawan ang mga kaklase ko. Si Steban ang nagturo kasi nun. Ang kaklase ko. Napangiwi ako sa sinabi ko. "Hahaha... Nako Hera ang galing" Sumunod naman ay sa talent. Pagkatapos ng Kapartner kong si Angelo umakyat na ako sa stage at kinuha ang micropono. Tumula ako. "Umagang kay ganda ang nasilayan Pagkamulat ng mata. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ng makita ang kay ganda. Sa tuwig magtititigan ay labis-labis ang kaba Ano pa ang hinihintay, mabulaklak na sinta Nagsigawan ang tupa, sa daang baku-bako. Nasan na, nasan na Ang iniirog ng puso. Nawalang bigla ang ngiti nawalan ng sigla ang ngiti Binuwis ang buhay ng disenyong palamuti. Nahanap ang sintang nakangiti. Hindi kumakailan Naubos ang oras namayapang nakangiti." Pagkatapos kong mag bow ay nakita ko ang dalawa kong kaibigan na sumisigaw at pumapalakpak. Nginitian ko sila at saka bumalik sa back stage. "Ang galing mo Hera" "Oo nga." "Hera, lapit ka dito Ireretouch muna kita" lumapit ako at nakita ang mukha ko sa salamin. Woah! Ako ba ito?. Kanina kasi ay hindi ko tinignan ang itsura ko sa salamin. Hindi ako makapaniwalang sa Makeup, puwede palang magbago ang buhay ng isang tao. < To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD