Zeus And Hera
"At ngayon ay aalamin na natin ang Top 5!" sigaw ng Emcee sa Mic. Nagsigawan naman ang mga Estudyante sa kani-kanilang boto.
"Amber!"
"Woooahhh"
"Amber! Amber!" Sigaw ng mga Fans nung amber.
"Angelo!!."
Natuwa naman si sir ng masama sa top ang partner kong si Angelo.
"Hera!" Hera daw hehe... TEK...HERA?? ako?.
"WE LOVE YOU HERA!" Sigaw ng mga Kaklase kong Kinareer ang pagsisigaw. Napangiti ako
"Princess"
"Clare" Eto naman ay yung number 1 bully sa school at Queen daw ng school. Buti at hindi ako napapansin.
Nagpunta na kami ng backstage para magpahinga para sa Question and Answer.
"Ginoo sa tingin mo ay sino ang mananalo,ngayong buwan ng wika?"Tanong ng babaeng Emcee sa partner niya.
"Nako, hindi ko alam Binibini mabuti pa at tanungin na natin sila."
Maya-maya pa ay tinawag na
kaming lahat para sa Question and answer. Pinagsuot kami ng mga headphone dito sa stage. Napapasayaw pa ako sa tugtog na New face ni psy..Maya maya lang ay may nagtanggal na ng headphorne ko hudyat na ako na ang sasagot sa tanong.
"Si binibining Hera ng baitang labindalawa B" naghiyawan ang mga kaklase ko.
"Binibini, gaano mo kamahal ang iyong Ama?" tanong ng Emcee, sila kasi ang magbubunot ng mga Questions.
Napalunok ako at parang naistatwa, paano ko masasagot ito?.. Matagal pa akong nakatayo dito nang magsimula ng magbulung-bulungan ang mga tao.
"Booohhhh"
"Go HERAAA"
Huminga ako ng malalim bago kinuha ang mic at sinagot ito. Muli ko pang nakita ang medyo nanginginig kong mga kamay, pero hinayaan ko ito at sumagot nalang.
"Gaano ko kamahal ang aking...Ama?.
Kahit na minsan kung pagtaasan ako ng boses ng aking ama ay...mahal ko siya. Kahit na hindi ko na maintindihan kung bakit lagi akong sinisigawan at pagtabuyan ay mahal ko siya.... Kung wala siya, ay wala rin ako..Sabi nga nila, Ama ang Haligi ng tahanan, ang haligi na kahit madaganan O bumagsak ay tatayo at tatayo pa rin para sa pamilya...Ang pagmamahal ko sakaniya ay parang Tubig, hindi mawawala." Wala akong ingay na narinig. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mata ko at ibinigay sa Emcee ang Mic. Tulala lang sila, parang naiilang bigla.
"WOAHHHHHH"
"GALING MO HERA!."
*Clap* *Clap* *Clap*
Natigilan pa akong napatingin sa crowd. Yumuko ako at saka umalis. A-ako kaya? mahal kaya ako ni Ama?. Sana may magtanong din sakaniya kung gaano niya ako kamahal. Pero ayaw ko namang pakinggan. Baka negative lang ang marinig ko. Pero wala namang Ama na hindi mahal ang kaniyang anak hindi ba?.
Sa huli ay Naging first place ako. Ang nanalo ay si Princess. Mabait din kasi ito at maganda. Maganda rin ang pananalita niya ng tagalog at maintindihan kaagad. Sa talent naman ay ako ang nanalo. Si Clare ay hindi makapaniwala kaya nagwala siya ng nagwala.
"Congrats" Bati saakin ng mga kaklase ko at ni sir Ray.
"Naku, Hera ang galing mo."
"Oo nga Hera, sorry nagkamali kami ito kasing si Allen eh."
"Bat ako?." Sinapok siya ni Coleas.
"Bugok! Kasalanan mo kaya."
"OO NGA." Sigaw ng mga kaklase ko. Hindi naman kasalanan ni Allen ah?. Haysst. Napakamot nalang tuloy sa ulo si Allen at pinangatawaran ang pagbibintang sakaniya.
Pagkauwi ko ay kaagad akong naligo at nagpunta sa bukid Nakaupo ako sa bukid at nilalasap ang sariwang hangin. Ngunit nawala ang lahat ng iniisip ko ng may tumawag sakin.
"Hera!."
"Zeus?" Gulat na saad ko..Akala ko ba?...
"May gusto lang akong sabihin sayo" Tumayo ako at lumapit sakaniya. Mukang seryoso ah.
"Babalik ako ng China, isang linggo ako doon"
"So?" Hindi ko naman gustong maging masama, pero bakit siya andito?. At bakit niya sinasabi sakin 'to.
"Sorry, dahil naging unfair ako!. hindi man lang ako nagpaliwanag kung bakit ako umiiwas pero..balang araw ay malalaman mo rin kung bakit." paalis na siya pero pinigilan ko.
"Bakit?...bakit hindi mo pa sabihin ngayon?" humarap lang siya sakit at saka ngumiti.0-kay? ano yun?.
Nagpaalam sakin si Zeus para bumalik siyang china?. Eh ano namang paki ko?. Hindi naman kami friends, iiwas daw ako diba? tapos siya yung lalapit? huwaaaw!.
Wala siyang sinabi, ngumiti lang siya ng ganon at iniwan ako ditong mag-isa.
♡
*BLOGSSSSHHH*
Nako, si ama. Matutuwa kaya siya? nakuha ko kasi ang cash na 5,000 sa pagent.
"Ama!" Masiglang sigaw ko...Aish amoy alak nanaman siya at ang tapang pa.
"Eto, may pangbayad ka na kay Lolo bugoy hehehe.." Nawala ang tawa ko ng tumingin lang ito sa perang binigay ko sakaniya at saka hinagis ito sa ere.
"HINDI KA BA NAKAKAINTINDI?...HINDI KO KAILANGAN NG PERA MO!...BABAYARAN KO IYON!. Mabuti pa, ipunin mo nalang yan para sa pag-aaral mo dahil wala akong maitutulong sa tuiton mo sa kolehiyo." Nagpagewang-gewang si Ama at saka pabagsak na isinara ang pintuan sa loob ng kuwarto niya.
B-bakit Ama?. Umiyak ako na parang pinipilas ang puso ko. Para akorng bata na naghahanap ng pagmamahal sa isang Ama. Pinulot ko ang perang limanglibo bago pa maabutan ni ate at saka ako nagtungo sa bahay ni lolo Bugoy.
<
To be continued...