Zeus And Hera Chapter 9

778 Words
Zeus And Hera Pagkatapos akong pagtulungan ni Ama at ate ay hindi ko na alam kung mabubuhay pa ba ako. "Nagsisisi ako Hera!..Nagsisisi akong Isinilang ka pa sa mundo!"-Ama "Ang tamad mo!...Pangit ka na nga, wala ka pang kwenta! Sana hindi ka nalang nabuhay! Edi sana Buhay pa si Ina" Ikipinagtataka ko lang. Bakit ako ang sinisisi nila sa pagkamatay kay Ina?. Umiiyak ako habang ang dami kong tanong sa aking isip. Mabuti nalamang ay may natitirang bente sa bulsa ko kaya't kahit lumuluha ay bumili ako ng tinapay kay aling lulia. "Ang hindi ko naman maintindihan! Bakit kailangang ipagkalandakan ni Lando na demonyo daw ang asawa niya" "Nako! pareng Bugoy, hindi bat sinabi ko na sayong huwag kang magtitiwala sa pamilyang Ambrocio na iyan?." "Mga kumare at kumpare, eto pa ang mas nakakapagtaka. Ni hindi man lang magkasakit ang anak nila Hesillia at Bugoy." "Pabili po aling lulia" Nakita ko sa Gilid ng mata ko ang pagtitinginan ng mga tsismoso at tsismosang kapit bahay. "Ano iyon Hera?" Kahit nanginginig ay nagsalita pa rin ako... Umupo ako sa upuan sa tapat ng tindahan habang kumakain. "Hera, totoo ba?" napalingon ako kay aling lulia. Gayon din ang mga nagtsitsismisan kanina. "Totoo bang Hindi ka nagkasakit mula pagkabata?" Tumango ako. Huminga ako ng malalim at may tumulo nanamang luha sa mata ko. "Eh..Yung tungkol sa Ina mo?.Totoo kaya yun?."Nagtaka ako. "Yung alin po?" Tanong ko. Lumapit naman sila sakin. "Kahapon kasi ay nag-inuman sila bugoy at tatay mo. Tapos ay bigla nalang sinabi ang tungkol sayo at sa iyong ina" "Ang sabi pa ng iyong Ama ay Isang Anghel na makasalanan si Hesillia, totoo ba?" "At ayon pa sa iyong Ama ay...kaw ang dahilan kung bakit namatay ang iyong ina" Napatayo ako. Nagagalit ako. Anong karapatan nilang magsabi ng ganiyan? "Hindi po iyon totoo...Aling lulia, alam nyo naman po kapag lasing hindi ba? kung ano-ano nang mga pinagsasabi at Naliliyo--" "Pero, Hera.. Nagtataka lang kasi kami. Bakit hindi ka pa nagkakasakit?" "May sinabi pa ang ama mo...Ano nga ba yon?' pilit nilang inaalala habang ako ay hindi makapaniwala. totoo man o hindi na sinabi iyon ni ama ay bakit sila nagiisip ng mga iyon?. " Tama!..Sinabi pa ng iyong ama na May demonyo raw na--" Tumayo ako at saka umalis. Walang kwenta ang mga sasabihin nila. Pinuntahan ko si ama at ginising siya kahit tulog. "AMA!...t-totoo ba?...ama, narinig ko po sa mga kapit bahay na...sinabi nyong nagkasalang Anghel si ina at...Ako ang may kasalanan kung bakit siya nawala!." Pagod na akong umiyak. Pagod na pagod na ako. Napaupo ako ng sampalin ako ni ama. Masakit. sobrang sakit. "O0!..." tinignan niya ako ng masama. Tinitigan ko siya. "Ama..M-mahal mo ba ako?...0 kahit minsan lang ay...minahal mo ako?" "Hindi" napayuko ako. Natawa ako sa isip. Bakit nga ba itinanong ko pa iyon, samantalang alam ko na ang sagot. "Bakit?...bakit? anong kasalanan ko?" "P tang"na Hera!" nagulat ako sa sigaw niya. Natatakot at nasasaktan. "Kasalanan ito ng Diyos!...Kinuha niya sakin si Hesillia!..PINAKITA KO SAYO HERA! NA HINDI KO MAHAL ANG IYONG INA!. HERA LAHAT NG ITO AY MAY SUMPA! SUMPA SIMULA NG IPINANGANAK KA!" "AMAI WALANG KASALANAN ANG DIYOS, AMA--" "MERON HERA! MERON Makasalanan ang iyong ina nang magpunta siya rito sa lupa!...si Hacob! siya ang nagdala ng sumpa!...Wala ka nang magagawa Hera! Kasalanan mo kung bakit nawala ang iyong ina! kasalanan na nabuhay ka pa sa mundo. Kasalanan na ipinanganak ka! iyon ang kasalanang nagawa at iyon ang kaparusahan!" "AMA, HUWAG NIYONG SABIHIN IYAN!. TAMA NA PO HUHUHUHU." Napahagulgol ako..Hindi ko man maintindihan Pero isa lang..Isa lang sinisigurado ko. Kasalanan na nabuhay ako sa mundo. Naglakad-lakad ako sa kalsada. alas kwatro na pala. "AHHHHHHHHHH!" sigaw ko "N-naniniwala ako Sayo..Sigurado namang...May dahilan ang lahat ng ito hindi ba?" tanong ko sakaniya. Napaluhod ako. Naalala kong binilin saakin noon ni Ina na magtitiwala lang ako sa iyo. "Patawarin niyo ako!.. Kung ano man ang kasalanan ko, patawad!...Sukong suko na po ako..Please, please Kunin niyo nalang ako" Napahagulgol ako dito sa bukid, ako lang ang tao. "Masama akong tao!.. Wala akong kwenta!.. Tanggap ko na, tanggap ko ng hindi dapat ako nabuhay. tanggap ko ng..Isa lang akong kasalanan, kasalanan ng isang tao, kasalanan na may hatid na sumpa sa mundo" napahagulgol ako..Hindi ako makahinga. Tulala na patuloy na lumuluha ang mga mata. Sa Ilalim ng araw, Nababalot na makapal na ulap at sa masariwang hangin sa bukid ay naroon ako. Tulala at hindi na makapag-isip. Magpapakamatay? kalokohan!. Dito nalang ako habang buhay. at tatanggapin ang kasalanan. Ang kaparusahan. Nagdadasal ako. Na sanay pakinggan niya. Na mawala nalamang ako sa mundo. Ngunit tumigil ang pag-isip ko dahil bigla siyang dumating. "Hera!" < To be continued... Vote
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD