FOUR DAYS na akong hindi pumapasok sa office since nakipaghiwalay ako kay Debbie du'n sa beach resort na pinuntahan namin for a break sana. Napasapo nalang ako ng noo dahil hiyang-hiya ako sa kan'ya kaya naisip kong wag nang magpakita sa opisina at tuluyan nang mag-AWOL. Alam kong hindi magandang record 'yun sakaling maghanap ako ng susunod na trabaho at kailangan-kailangan ko talaga ng trabaho so wrong timing ang pag-re-resign ko pero wala na akong choice! Sige nga, ano na lang ang mukhang maihaharap ko kay Debbie sakaling magpakita pa ako sa kan'ya du'n pagkatapos ng lahat? Ngayon na hiwalay na kami, mas mabuti na rin na tuluyan ko nang tapusin ang koneksyon ko sa kan'ya. Gusto ko na lang magsimula ng panibagong buhay na hindi s'ya kasama. Kung curious kayo kung ano'ng ganap noong sin

