"A-ANO 'ka mo?" Natawa ako nang bumuntong-hininga si Cara sa kabilang linya. Kausap ko kasi s'ya sa phone right now dahil miss na raw n'ya ako. Kahapon ay nagpasa ako ng resignation letter sa opisina ni Debbie pero hindi ko s'ya naabutan du'n. Sabi lang ni Cara, may lunch out meeting with the client si Debbie kaya wala s'ya doon. Hindi ko na rin s'ya hinintay sa halip ay iniwan ko na lang sa table n'ya ang resignation letter ko. Tapos umalis na ako't umuwi sa 'min. "Paulit-ulit, Eli? Ano, nabinggi ka na salagay na 'yan?" Anya dahilan para matawa ulit ako. Napasapo ako sa 'king pisngi na bahagyang nag-iinit at alam kong namumula na. "Hindi lang kasi ako makapaniwala sa sinabi mo." "Alin ba? Yung pinunit ng amo natin ang papel na iniwan mo 'pagkakita n'ya du'n sa desk n'ya kahapon? Maniwa

