Kabanata 4

1397 Words
Kabanata 4 NAPAHINGA nang malalim si Skye habang nakatayo sa harap ng pintuan ng condo ni Cloud. Hindi niya kasi alam kung dapat na ba siyang mag-doorbell o ano. At aaminin niya, kinakabahan din kasi siya. Sino ba ang hindi kakabahan kapag pinapapunta ka sa condo ng isang lalaki nang mag-isa? Baka kung ano pa ang gawin nito sa kanya. Kinapa ni Skye ang pepper spray sa bag saka humugot ng hangin. Akmang pipindutin na niya ang doorbell nang biglang bumukas ang pinto. Ang bumungad sa kanya ay ang matipuno nitong dibdib at malapad nitong balikat. Naka-sando lang ang lalaki at fitted pa! Hakab na hakab sa sando nito ang katawan nito. He looked so sexy. Shit. Agad na tinakpan ni Skye ang mga mata saka pumikit nang mariin. "Oh, my God! Bakit naka-sando ka lang? Magpalit ka nga ng damit! Now na! Bilis!" sigaw niya kay Cloud. Wala siyang narinig na tugon mula sa lalaki kaya dahan-dahan niyang inalis ang kamay mula sa pagkakatakip sa mga mata niya. Ang buwisit na lalaki, pinagtatawanan na pala siya! Kaagad na ibinaba ni Skye ang kamay na nakatakip kanina lang sa mga mata at pilit ipinokus ang tingin sa mukha nito. Hindi siya mate-tempt na tingnan ang katawan nito. Yeah, right. Mahirap na at baka kapag nag-lower siya ay iba ang makita niya. Tiningnan niya nang matalim si Cloud at walang sali-salitang pumasok sa loob ng condo nito. Pasimple pa nga niyang binangga ang lalaki nang mapadaan siya sa tabi nito. Umupo si Skye sa pang-isahang sofa saka inilibot ang tingin sa condo. It was bland. Halatang lalaki ang nakatira. Itinutok na niya ulit ang tingin kay Cloud na ngayon ay nakatayo na sa harapan niya. Nakahalukipkip ito habang titig na titig sa kanya. Gusto na niyang mailang sa tingin nito. Was he planning her slow death? "You're so cute, Skyeisha. Naka-sando na nga ako't lahat, na-shock ka pa?" nakangising ani Cloud saka umupo sa sofa na katapat nang inupuan niya. "Pakialam mo ba? Masama bang ma-shock? Mukha ba akong mahilig tumingin sa katawan ng lalaki? Saka ayokong masuka kapag nakita ko 'yang katawan mo. 'Itsura mo," pagtataray ni Skye. Imbes na magalit ay tumawa lang si Cloud. "Ibig sabihin hindi mo pa nakikita nang malapit ang katawan ni Charlie?" Ramdam ni Skye ang pamumula ng mukha dahil sa sinabi nito. Hindi siya palagay na alam nito ang tungkol sa pagkagusto niya kay Charlie. "Bakit naman gugustuhin kong makita ang katawan ni Charlie? Wala akong gusto sa kanya," pagde-deny niya. Iniwas niya ang tingin dito sa pagbabaka-sakaling maitago ang pamumula ng mukha. "Wala? May ebidensya ako—" "Argh! You are so annoying! Fine. May gusto nga ako kay Charlie. Ano namang paki mo? Sa 'yo kasi walang nagkakagusto," sigaw niya sa lalaki na dahilan ng lalong pagkapula ng kanyang mukha. "You look so cute when you're blushing, Skyeisha," biglang sabi nito. "I know, right. Stop calling me that. It's Skye!" pagtatama niya sa lalaki. Hindi kasi siya sanay na tinatawag sa buo niyang pangalan. "I like Skyeisha. Or do you prefer I call you sweetheart?" nakangising wika ni Cloud sa kanya. His eyes were dancing with amusement. "Heh!" "Heh? Para kang bata, Skyeisha." "Ewan ko sa 'yo!" sikmat niya sa lalaki at muli itong tiningnan nang matalim pero mukhang wala iyong epekto rito. Siguro'y dahil alam nitong hawak siya nito ngayon sa kanyang leeg. Tinitigan ni Skye si Cloud. Guwapo naman talaga si Cloud (pero hindi niya ito type). Kaya siguro nagalit ito nang tinarayan niya ito dahil sanay siguro itong sinasamba ng mga babae. Sa pagkakatanda ni Skye, puro guwapo ang miyembro ng Tennis Knights—iyan 'yong grupo ng mga elite tennis player sa club na kinabibilangan ni Cloud. Katamtaman lang ang haba ng buhok nito. Straight iyon at itim na itim. Matangos ang ilong nito na binagayan ng mapupulang mga labi. Ang mga mata nito ang masasabi niyang best asset nito na parang nang-aakit palagi. Light brown ang kulay ng mga mata nito na contrast sa itim na itim na pilik-matang nakapalibot doon. It seemed as if his eyes were always sparkling with mischief. He looked so playful every time he was smiling. And his smile would always reach his eyes. Parang may kahawig nga itong Koreano pero hindi naman niya maalala kung sino. Hindi naman kasi siya mahilig sa mga Koreano. Si Gail ang may hilig sa mga ganoon. Sino nga 'yon? Think, Skye. Think. "Why not take a picture? It will last longer," buong pagyayabang na wika ni Cloud sa kanya nang marahil ay napansin ang pagtitig niya dito. Kaagad ang pagbalot ng init sa mukha ni Skye dahil sa kayabangan ng lalaking ito. "Ang yabang mo talaga! Iniisip ko lang kung sinong artista ang kamukha—" "Si Ji Hoo ng Boys Over Flowers?" putol nito sa sinasabi niya. Nanlaki ang mga mata niya nang maisip ang Korean actor na binanggit nito. Tama ito! Si Kim Hyun Joong nga ang kahawig nito! "Kahawig mo nga siya. Pero mga one percent lang at di hamak na mas guwapo si Kim Hyun Joong kesa sa 'yo." Sumimangot si Cloud at bahagya siyang pinandilatan. "Mas guwapo ako doon." "Ilusyon mo, unggoy," bulong niya saka umayos ng upo. "Bakit mo ako pinapunta dito?" Napansin niya ang biglang pagseryoso ni Cloud. Pero hindi siya naniniwala na seryoso ito dahil nangingislap ang mga mata nito—dahil siguro sa kalokohang naiisip. "You said you'll do anything, right? Para hindi ko iparinig kay Les 'yong mga narinig ko sa kanina?" Tumango si Skye. "Yeah." "Hindi ko iparirinig kay Les 'yong recording kung..." pambibitin nito na nagpainit sa ulo niya. "If?" "If you'll become my slave," nakangising pagtatapos ni Cloud. He was looking so proud of himself as if he found the cure for cancer. This prick! Nanigas siya sa kinauupuan. Hindi nga niya alam kung nagkamali lang siya ng dinig o kung humina lang talaga ang pandinig niya. Parang iba kasi ang narinig niya. Slave? Siya? "Did I hear it right? Slave?" paniniyak niya kay Cloud na sinagot nito ng tango at ngiti. "I object! Anong akala mo sa 'kin? For your information, hindi ako kagaya ng ibang babae mo na handang magpakamatay para lang maikama mo! Hindi porket guwapo ka ay hahayaan na lang kitang bastusin ako! Gusto mong ipakulong kita? At excuse me. Virgin pa ako," proud na sabi niya. Iningusan pa niya ito para may effect. Walang narinig na tugon si Skye. Minutes passed by pero wala pa rin. Parang tangang nakatingin lang sa kanya si Cloud. Shock. He was shocked. It was the expression in his face. But it slowly disappeared and the expression that remained was amusement. A grin was slowly forming in his lips before laughing out loud. As in he was LOL-ing. That f*****g prick. "Ano ang nakakatawa?!" asik niya sa lalaki. Sapo-sapo ni Cloud ang tiyan nito. Hindi pa rin ito humihinto sa pagtawa. "Iniisip mong gagawin kitang s*x slave ko?" tanong nito sa pagitan ng pagtawa. "Hindi ba?" Lalong lumakas ang pagtawa nito nang marahil ay napansin ang pagtataka sa mukha niya at ang pagkagimbal na hindi pa rin mawala-wala sa sistema niya. "Sorry to disappoint you, Skyeisha, but I'm not interested. Ang ibig kong sabihin doon sa slave comment ko ay gagawin kitang katulong. Maid. Alalay," paglilinaw nito. Hindi pa rin mapuknat-puknat ang pagkakangisi ng buwisit na lalaking ito. Namula naman ang mukha ni Skye dahil sa katangahang sinabi. Wala na siyang mukhang maihaharap pa sa lalaking ito. Masyado kasi itong misleading. Dapat ay maid na lang ang sinabi nito. Bakit slave pa? Kaasar! "Sorry naman! I thought... Kasi... Basta! Epal ka!" "Don't worry. Hindi ko kukuhanin ang virginity mo," pang-aasar nito sa kanya. Gusto na niyang dukutin ang mga mata nito ngayon din. Inirapan ni Skye si Cloud at pilit nilalabanan ang pamumula ng magkabilang pisngi. Pero ramdam pa rin niya ang pag-iinit niyon. Nakakainis! "Ewan ko sa 'yo! Humanap ka ng kausap mo. Abnormal!" sigaw niya kay Cloud. Hindi na niya napigilan ang sarili at ginawa ang isang bagay na hindi niya naisip na gagawin niya sa tanang-buhay niya. Nag-about face siya at nag-walk out. - - Note: I was totally in crush with KHJ when I was writing this one seven years ago kaya ganyan ang kinalabasan. Pero mas naging crush ko si KHJ sa Playful Kiss. Please don't kill me lul Please leave a comment and vote. Thanks! x
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD