Ang puso ko ay tila gustong tumalon palabas ng dibdib ko. Ang lapit niya. Masyado siyang malapit sa akin. Nakita ko ang bawat detalye ng kaniyang mga mata, ang talim ng kaniyang titig na tila ba hinihiwa ang lahat ng pader na itinayo ko para hindi niya makita ang kahinaan ko. Sa loob ng ilang segundo, nawala ang ingay ng laboratory. Nawala ang inis ko kay Althea. Nawala ang multo ni Jeremy. May kung anong kuryente ang dumaan sa pagitan namin habang magkatitigan kami dahilan para tumahimik at mawala lahat nang pag aalinlangan ko. Biglang nabulabog ang sandali nang tumunog ang phone ni Andrew. Napitlag ako at agad na lumayo, mabilis na binalik ang atensyon sa tela kahit na ang buong katawan ko ay nanginginig pa rin. Andrew sighed, looking frustrated as he pulled out his phone. "Excuse me,"

