Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Halos buong madaling araw, nakamulat lang mata ko. Paano, andaming nangyare kagabi. First week of school palang pero parang sumugod na ako sa six weeks sa daming nangyare, what more pa kaya kung totoong six months o weeks na akong nag aaral? Ano na kayang mang yayare?
Paulit-ulit akong napapadilat sa gitna ng gabi, dahil sa tuwing pipikit ako, dalawang mukha ang bumabagabag sa isip ko.
si Althea, na may mapanirang ngiti, kahapon. Ang taong nang wasak ng pag ka tao ko. Sila ni jeremy na hanggang ngayon pala ay sila pa rin. Grabe sa love team nilang dalawa, stay strong. But I hate Jeremy for staying with her, hindi dahil bitter ako pero alam akong nag papa uto nalang siya kay Althea. Alam kong sunod sunuran na lang si Jeremy kay Althea. Nakaka awa… Pero at the same time, deserve.
At si Andrew, na nakaka pikon. Hindi ko ba alam sa lalakeng yun. Ganun ba talaga mayayaman? May sapak lagi sa utak? Naiinis ako sa kaniya at sa damit niyang pinapalaba niya sa akin, na nasira ko… Ayokong aminin pero yup. Kasalanan ko kung bakit niya sa akin pinapalaba, at kung bakit siya nasira.
Bwisiiiit!!
Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras 5:17 AM. Ang aga aga kong nagising kasi hindi naman ak naka tulog nang maayos.
Hindi ko pa rin siya nigre-replyan hanggang ngayon.
Are you done with my shirt yet?
Inirapan ko ang screen. Anong isasagot ko dito?
“Done na, oo. Sira nga lang,” bulong ko sa sarili ko.
Pero hindi ko kayang i-type. Hindi ko kayang sabihin agad. Hindi ko kayang makita kung paano siya magre-react. Iniisip ko palang lahat nang possible reaction niya alam kong yare talaga ako.
Huminga ako nang malalim at humiga ulit. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko kahit alam kong hindi na ulit ako makakatulog dahil 8 am ang pasok ko.
Maya maya pa pag katapos kong umidlip, ramdam ko ang bigat nang katawan ko na tila ba binugbog ako ng mundo.
Habang nagbibihis ako, paulit-ulit kong tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Maayos ang itsura ko, simple lang, pero presentable. Hindi na ‘yung dating Alexa na magtatago sa likod ng oversized hoodie.
Pero kahit anong ayos ko sa labas, magulo pa rin ang loob ko.
Bago ako lumabas ng bahay, napatingin ako sa paper bag na nasa gilid ng kwarto ko.
Nandoon pa rin ang labadong damit ni Andrew.
Labado nga, sira naman.
At kasalanan ko.
“Kaya mo ‘to,” bulong ko sa sarili ko. “Isang sorry lang ‘to. Hindi ka mamamatay.”
Pero iba pa rin kapag kaharap mo na ang taong kinaiinisan mo.
Pagdating ko sa university, ramdam ko agad ang bigat ng hangin. Hindi ko alam kung dahil ba kulang ako sa tulog o dahil alam kong makikita ko siya.
Photography class ulit. I thought one subject lang sa isang week, two times pala ang photography class na ito. Means, dalawang beses ko din siyang makikita sa isang linggo. Lord please, sana hanggang dalawang beses lang huhuhuhu.
Umupo ako sa pwesto ko, tahimik, pinipilit mag-focus. Dumating na sina k**i at Sandra.. “Bes, mukhang zombie ka na ah,” bungad naman ni k**i. “Hindi ka natulog no?” dagdag ni Sandra.
Umiling lang ako.
At doon ko siya nakita. Wow first time hindi siya late hindi katulad kahapon na may pa english english pa pag pasok. Ugh.
Pumasok si Andrew sa room na parang wala lang relaxed, confident, parang walang iniisip. Nakasuot siya ng black shirt, fitted, simple, pero nakakairita kung gaano siya kaayos tingnan.
Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya pero umupo din siya sa likod.
Sa likod ko.
Of all places…
Habang nagle-lecture si Sir Jonathan, ramdam kong may naka titig sa akin. Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung kanino galing, dahil kahit hindi ko siya nakikita, ramdam na ramdam ko ang maligno sa likod ko.
“Miss Dela Cruz.”
Nanlaki ang mata ko. Akala ko si Andrew na tumawag sa akin.
“Yes, sir?”
“Can you explain why composition matters in storytelling?”
Napatigil ang utak ko saglit, because what the f**k is composition? Pero huminga ako nang malalim at nagsalita.
“Because sir… a photo isn’t just about what you see. It’s about what you feel and how you feel. Kung paano mo aayusin ang subject, ilaw, at angle nang kukuhanan mo, nang camera, doon nagsisimula kung paano mo ikukuwento ang nararamdaman o gustong iparamdam nang photo mo. ”
Kahit ako hindi ko na din alam ang pinag sasabi ko dahil it is just an instinct. Kung ano sinabe nang utak ko ayun lang din lumabas sa bibig ko.
“Very good,” sabi ni Sir.
“Huh?” Bulong ko at unti unting napa upo sa upuan ko.
Hindi ko napigilang ngumiti ng konti dahil… Tumpak ang sagot nang utak ko?
At naka rinig naman ako nang mahinang palakpak galing sa likod ko.
Si Andrew.
Napapikit ako sandali.
Bwisit na lalake to. Sapukin ko kaya to.
Pagkatapos ng klase, hindi na ako nagpatumpik-tumpik. Hindi na ako tumakbo, hindi na ako nagtago pa sa kaniya.
Kung haharapin ko siya, ngayon na.
Hinintay ko siyang lumabas ng room bago ako humarang sa kaniya.
“Andrew.”
Tumigil siya. Lumingon. At ngumiti, ‘yung ngiting hindi ko alam kung pang-aasar o pang-aasar talaga.
“Finally,” sabi niya. “You stopped running. You haven’t replied back to me. So I am expecting you didn’t wash it. “
“Don’t flatter yourself,” sagot ko. “May sasabihin lang ako.”
Tumingin siya sa kamay ko.
Sa paper bag na hawak hawak ko.
Nanlaki ang mata niya nang bahagya. “So you was-”
“Nasira ko,” putol ko agad. “I didn’t know it was dry clean only. I’m sorry. Pero hindi ko naman siya kasalanan dahil in the first place hindi mo sa akin sinabe na dry clean lang siya, and second, ikaw yung nag palaba sa akin at hindi mo sa akin sinabe na dry clean lang siya, pangatlo winashing ko not knowing na dry clean siya and then nag message ka ero hindi mo sianbe sa akin na dry clean lang siya…”
Tahimik lang siya.
Shet galit to.
Hindi siya ngumiti.
Hindi siya nagsalita agad.
At doon ako kinabahan.
“Kaya kung gusto mo—” nilunok ko ang kaba ko, “—magbabayad ako. Hindi man ngayon, pero—”
“Tss,” react niya.
Napatingin ako sa kaniya. Tss lang? Talaga?
“Huh?” Tanong ko dahil nalito ako sa sagot niya.
“You could’ve just told me,” sabi niya. “Sinasabe ko na nga sayo ngayon diba?” Panatang ko sa kaniya. Kinuha niya yung paper bag at tinginan niya ang loob. Kinuha niya naman yung shirt at kitang kita ko paano ito nag shrink at medyo… nagitim.
“Do you even know how to do laundry?”
Aba. Abuso tong lalakeng to ah! Eh kung sapakin ko kaya ito?
“hoy! Unang una sa lahat, ikaw nag pumilit sa akin na labhan ko yung shirt mo! And yes! Alam ko paano mag laba.”
“You surely dind’t know how to spot on a dry clean only clothes.”
“Well hindi ko naman kasi career ang pagiging labandera.”
“You were the one who destroyed this expensive shirt of mine, pero ikaw pa ang may ganang magalit.”
Ay wow tagalog. Marunong naman pala mag tagalog ang mokong na ito.
Ibinalik niya naman sa loob nang paper bag yung damit niya tyaka niya ako nilapitan nang bahagya dahilan para ma pa atras ako.
Tinitigan niya lang ako sa mata. At sa pag titig niya, doon ko naaninagan ang dark brown na matang naka titig sa akin. Ang makapal at mahaba niyang pilik mata, at kung paano lumiliit ang mga balintataw niya na nakaka humaling kung paano ito mag dialate.
Naramdaman kong tumitibok nang ka unti ang puso ko.
Pero alam kong dahil sa kaba iyon.
Huminga ako nang malalim at pumikit. Ayokong makita ang mukha niyang malapit sa akin. Masyado akong na d-distract.
“Miss runner or whatever your name is… When are you going to pay me up?” Tanong niya dahilan para mapa mulat muli ako nang aking mga mata. Tamo, mang uutos nang kung ano ano tpos hindi din pala ako kilala. Walang hiya to ah.
“Soon?”
“Hindi mo ba ako tatanungin kung mag kano ito?”
Itinaas niya naman ang paper bag para makita ko.
“500?”
Nagulat anamn ako sa bahagyang pag tawa niya dahilan para lumabas an kaniyang dimple sa mukha. Bagay naman pala sa lalakeng to ang pag tawa o pag ngiti eh. Sana ganiyan nalang siya haang buhay at hindi nag susungit.
“5 thousand.” Nanlumo naman ang katawan ko nang narinig ko kung mag kano yung t-shirt niya. “Ha? Ayan? 5k na?’ Sure ba siya? Niloloko niya ba ako? Ang panget… I mean, ang simple lang nang dmait niya tapos 5k na?
“It’s from Los Angeles. My mama bought it for me for my birthday. I am not a sentimental person but I do care about this shirt. So I don’t care how much this is… So paying me up with your money is not enough.”
Nanlaki naman ang mata ko. Tumingin pa siya sa akin, from bottom to my forehead at ngumiti.
“p*****t!” Agad ko naman siyang tinulak papalayo sa akin. “Sorry na. Hindi ko anamn alam na sentimental sa iyo yung t-shirt.” I mean, kahit hindi niya aminin na sentimental yung t-shirt, kung regalo pala nang mama niya, edi importante sa kaniya yun. Kasi kung ako din, ma reregaluhan nang parent ko, for sure importante sa akin yun, at ayokong mawala o masira iyon.
Pero kasalanan niya dahil pinalaba niya sa iba.
“I’ll come back for you, when I decided how will you pay me.” Sambit nito at nag lakad na papalayo sa akin. Sinundan ko naman siya nang tingin hanggang sa mag laho na siya sa paningin ko.
Huminga naman ako nang malalim bago mag lakad na papunta sa cafeteria para kitain sina k**i at Sandra, nang nakita ko si Jeremy mag isa sa hallway. Naka upo ito sa waiting area sa labas nang clinic at halatang may inaantay siya…
Napa hinga naman ako nang malalim.
At sa pag titig ko sa kaniya, tila ba sumikip ang dibdib ko. Hindi dahil kinakabhan ako… Kundi dahil naaalala ko yung mga panahon na mag kasama kami.
Alam mo yung feeling na parang nauubusan ka nang hangin sa dibdib mo? Yung mabilis t***k nang puso mo pero hindi dahil ni nenerbyos ka?
Hindi ko alam, pero… Ganitong ganito yung nararamdaman ko palagi, noong mag kasama kami ni Jeremy… Panahong mataba at panget pa ako.
Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin siya. Pero bakit? Gusto ko nang burahin yung mga ala-ala na iyon sa utak ko, pero kahit anong pilit na kalimutan ko siya, yung puso ko, ayaw maka limot.
Gusto ko pa rin ba si Jeremy hanggang ngayon?