Kabanata 12

793 Words
Halos maiyak iya na ako habang naka upo sa kama ko at naka titig sa naka sampay na damit ni Andrew… Na ngayon nasira ko. “HAHAHHAHAHAHAHHAHA! Bakit ba kasi hindi mo tinitingnan na Dry Clean only lang yung damit?” “Eh malay ko ba! Pagod na ako at hindi ko naman alam na may mga ganung damit talaga, I mean, ganun yung damit ni Andrew! Sinabay ko na nga lahat nang damit ko para hindi sayang effort at oras tapos ganito pa mangyayare.” Halos sumakit naman ang tiyan ni k**i kakatawa… Halata sa boses niya. Ka call ko kasi si k**i at Sandra ngayon dahil nag tatanong ako kung ano ang puwedng gawin sa damit na ito. For sure, magagalit si Andrew sa akin, hindi pa nga ako tapos sa atraso ko sa kaniya, may panibago nanaman! Ugh! Bakit ba ang bobo mo Alexa. “Ayan. Sabi ko naman kasi sayo kanina, ako na mag lalaba. Hindi mo naman binigay, inagaw mo pa sa akin.” “Kung ikaw yung mag lalaba, ma fi-figured out mo ba na Dry Clean Only lang ang damit niya?” “Hindi.” Oh tamo. Etong si k**i, suggest nang suggest nang gagawin ko pero alam konaman sa sarili ko, na hindi niya rin naman kayang gawin yung mga suggestion niya. “Then maybe, buy him a new one?” Napa tingin naman ako Sandra. Buy him a new one? Ang mahal mahal nang damit na ito! Tapos buy him a new one? Wala na akong ipon! Wala nang ipon si ate, lahat nagastos sa pag papapayat ko. “Hindi ko keri ang presyo bes. Ang mahal masyado nang damit niya. Bakit ba kasi nag susuot ang lalaking to nang mamahalin na damit? Ganito ba kapag mayaman at sikat?” Sagot ko naman at narinig ko namang tumawa nanaman si k**i. “k**i stop laughing. Nahihirapan na nga si Alexa tas ikaw tawa ka lang nang tawa. Tumawa ka pag may matutulong ka na talaga.” Buti pa itong si Sandra, may empathy sa mga tao tao. Si k**i, wala. Minsan hindi ko alam kung tama bang choice na kaibigan ko tong si k**i eh kung makapang asar siya akala mo hindi nakaka offend. Pero kahit na ganiyan naman siya, masaya nagiging araw ko dahil sa kaniya. Yes offensive minsan jokes niya pero at the same time ma r-realize mo na wala talagang perfect na friend gorup at kailangan ko nalang din iaccept kasi ngayon lang may lumapit na tao sa akin para maging kaibigan ako and thankful ako sa kanila. “So ano nga? Ano ngang gagawin ko?” Tanong ko ulit sa kanila. “Okay, first of all, don’t blame Andrew for wearing an expensive and dry clean only shirt. Though, don’t blame yourself rin kasi hindi mo din naman kasalanan yung nangyare.” Alam ko. Pero lahat nang ito, isisisi ko kay Andrew! I hate him so much I just wanna punch his face! Bakit ba kasi niya pinipilit na ako yung mag laba. Hindi ba pwedeng iba nalang ipagawa niya sa akin? Pero sabagay, madaling gawain na nga lang ang pag lalaba, what if mas mahirap pa ipagawa niya sa akin if hindi ito ang binibgay niya? Pero madaling gawain na nga nasira ko pa. “You just have to say sorry then.” Wow. First time mag bigay ni k**i nang serious suggestion. “Actually. k**i is right, just apologize to him for making that mistake. For sure maiintindihan naman ni Andrew yung situation. Kung hindi, hayaan mo siya. Masyado na siyang pabigat sa iyo. And we didn’t even know him, hindi mo nga siya kilala pero kung utusan ka niya kala mo kung sino.” “Right! At least si Sandra alam niya yung pinang gagalingan ko. Eh Ikaw k**i?” “Luh. Edi sorry na bes. Alam mo naman na I just want everyone to be happy.” So Ano? Mag s-sorry nalang talaga ako? “Okay fine. Mag s-sorry ako sa kaniya. Bukas na bukas din.” Sambit ko sa kanila at nag paalam na ako at ganun din naamn yung ginawa nila. Pag katapos mag end yung call, nanlaki naman ang mata ko nung nakita kong nag message pala si Andrew sa akin. Are you done with my shirt yet? English english ka pang hayop ka. Pero anong I-rereply ko? What if, sa message ko nalang siya kausapin? I c-chat ko nalang sa kaniya yung sorry ko, tapos iiwasan ko siya! Tama! I ta-type ko na sana yung mga message ko nung na isip ko na classmate ko pala siya sa photography class. Mag kikita at mag kikita kami, hindi ko siya matatakasan! “Ugh! Alexa!” Pinapahirapan mo ako Andrew Basino! I hate you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD