“Bes, saan ka naman nag punta. Sabi mo meet you at the cafeteria, pero wala ka naman.” Salubong na tanong sa akin ni k**i pag katapos kong maka balik sa classroom namin. “Ayos ka lang?” Tanong ni Sandra sa akin. Ngumiti lang ako at sumagot na oo.
Tinabihan naman ako ni Sandra at hinimas ang akin likod. “Hindi ka ayos. Dahil ba to sa Andrew na iyon?” Tanong niya sa akin.”Ah, hindi. Sumakit lang yung tiyan ko kaya kailangan kong mag cr.” Pag sisinungaling ko naman.
Ayokong malaman nila ang nakaraan ko. Ayokong makita nila ako sa kung sino man ako dati, dahil hindi ako sigurado kung baka tatanggapin nila ako bilang isang mataba at panget na Alexa.
“Sus. Karma mo yan te. Tinatakbuhan mo kasi si Andrew.” Sumbat naman ni k**i sabay tawa. Nagulat naaman ako sa inabot niya sa akin pag ka tapos niyang mag salita. “Ano to?” Tanong ko. “Binigay ni Andrew sa akin eh. You kow naman na I can’t resist his ka pogian diba? Kaya wala akong choice, kinuha ko nalang.” At nag asta pa siyang kinkikilig hbang inaalala ang interaction nila ni Andrew. “Sabi niya pa nga… ‘Take this to her and let her remember what we talked about.’” Ginaya niya pa talaga kung paano mag salita ang mokong na iyon.
“Para hindi ka ma-bad trip, just think about this way… Si Andrew Basino. Isang sikat na t****k Influencer and Media Content Creator, hinahabol ka, samantala, lahat nang babae o tao na gusto siyang maka sama o gusto nilang mapansin sila ni Andrew ay hindi pinapansin, samantalang ikaw… Hinahabol ka pa nang kupal. Diba?” Pakikibag lubag loob ni Sandra sa akin na akala mo naman ika tutuwa ko.
“Mabuti sana kung kilala ko siya o isa ako sa mga babaeng baliw na baliw sa kaniya, eh hindi! Hindi ko ng siya kilala eh.
“Alam ko na!” Nagulat naman ako sa lakas nang boses ni Kiki.” Kung ayaw mong I-accept itong damit ni Andrew, edi ako nalang ang mag lalaba nito para sa kaniya! Hindi ba? Gagawin ko ang lahat, kahit lumuhod pa sa harap niya at pag silbihan siya, basta mapansin lang ako nang Andrew na iyon!” Sambit niya at niyakap pa ang paper bag na bigay ni Andrew.
“Hindi! KAo na.” Bigla ko namang bawi at kinuha ang paper bag sa kamay niya. “Ha? Akala ko ba ayaw mo?” Tanong niya sa akin. “Ako na. Gusto ko nang matapos ang atraso ko sa kaniya. So… Ako na.” At para kapag natapos ko na ang atraso ko sa kaniya, hindi niya na ako hahabulin.
At ayoko na tong nangyayare sa akin. Ginugulo na nga ako ni Andrew, tapos malalaman ko pa na taga dito ang dating ex…. I mean, ex-crush ko at ang girlfriend niya na nag pahiya sa akin, nang bully sa akin, nag paramdam na maliit akong tao noon. So…
IT HAS BEEN TWO DAYS! Simula nung nag aral ako, at grabe…. Grabe na ang nararanasan kong internal problem. Hindi nga ako binubully, pero everything is coming back as it was. Siguro karma ko na ito sa pag tatago sa sarili ko sa buong mundo nang halos dalawang taon. Siguro sabi nang universe sa akin, ‘Experience everything you missed out for two years.’ Ugh!
Kinuha ko naman ang paper bag at tiningnan pa ito.
“Talagang naka lagay pa sa Lacoste Paper bag. Masyadong show off talaga ang lalaking to.” Sambit ko. Binuksan ko naman ang paper bag at doon nga bumungad ang damit niya kahapon. White na t-shirt. Hindi ko nga alam pero mukhang expensive talaga ang damit dahil sa texture. “Grabe maka titig ah. Aminin, gusto mo na din si Andrew.” Agad ko naman siyang tinitigan anng masama para manahimik na.
Ganito pala mag karoon anng kaibigan.
Pag ka tapos nang klase, agad naman na akong umuwi. Nag Commute lang ako dahil may work sila ate at Kuya Ben. Tiyaka ayoko din munang sumabay sa kanilang dalawa.
Pag ka uwi ko, agad naman akong nag palit nang pang bahay at napa tinign sa sulok nang kuwarto ko. Madami na pala akong used clothes na kailnagan labhan kaya I have no choice, mag lalaba nalang din ako since lalabhan ko din naman ang damit nang mokong na Andrew na iyon, edi isasabay ko na din ang mga damit ko at damit nila ate.
Bago ako maka labas nang kuwarto, nag ka roon naman nang notification ang phone ko na agad ko namang chineck.
“What the heck?”
Pumikit pa ako nang matagal para ma make sure ko na hindi ako nananaginip sa nakita ko.
Pero hindi. Totoo ang nakikita ko.
Agad ko anamng pinindot ang message niya at binasa.
“I saw you walking out the school with my clothes. I hope you considered cleaning it well… Blah blah blah. Utot mong mukha mo!”
Wala namang ibang mag m-message sa akin nang ganun kung hindi si Andrew lang. Tangina mo Andrew! To the 17 pro max!
Agad naman akong nag laba na at inopen ang washing machine namin. Pinag hiwalay ko ang mga colored at white kong damit. Pag ka tapos, ay binabad ko muna sa zonroz ang mga putting damit. Tinitigan ko pa ang damit ni Andrew, at Lacoste na Silk nga ang damit niya. Kitang kita pa ang manstya nang Gravy sa damit niya.
“Kung hindi kasi baliw na baliw mga tao sa iyo sa mcdo, edi hindi sana kita natapunan. Wala namang ka baliw baliw sa iyo pero grabe mga fans mo.” Bulong ko sa sarili ko. Bago ko siya ibabad sa zonroz, na amoy ko pa ang perfume niya.
What? Ang bango!
Ngayong lang ako naka amoy nang ganito kabangong pabango!
Inilapit ko pa siya sa ilong ko at inamoy amoy…. Ganito pala amoy niya… Ang sarap- I mean! Ang bango!
Ano pa kaya yung mismong katawan niya?
UGH1 BAKIT MO BA NAISIP IYON ALEXA! ERASE ERASE ERASE!
Kadiri!
“So you’re obssessing over my odor ha?” Bigla namang nanlaki ang mata ko anng narinig ko ang boses niya. Napa tingin naman ako sa likod ko at halos manlumo ang katawan ko nang nakita ko siyang naka tayos a likod kong…. Naka Topless!
“Andrew?” Tanong ko pero hindi ito sumagot. Nag lakad naman ito dahan dahan papalapit sa akin. “That’s your kink isn’t it?”Sambit niya habang papalapit nang papalapit sa akin. “Come on… Smell me… Sniff me… Amuyin mo lang ako hanggang sa gusto mo.” Sambit niya at tumigil ito sa harap ko. Napa atras naman ako pero washing machine na ang nasa likod ko kaya wala na akong magagalawan pa.
Tumitig naman ito s mga mata ko at ngumiti.
“Tell me… Do I smell good?”
Halos tumalon naman ang pusoko sa gulat nang mag simulang mag ingay ang washing machine sa likod ko, dahilan para magising ako sa katotohanan.
Wala si Andrew sa harap ko. Hallucination ko lang iyon!
What the hell?
Napa tingin naman ako sa paligid ko at sinisiguradong panaginip lang ang lahat at wala talaga si Andrew sa loob nang bahay. At nang naka sigurado ako, napa hinga naman ako nang maluwag.
“Okay clear…”
Wag ka na aksi mag isip nang kung ano ano Alexa. Tingnan mo, binabagabag ka na ni Andrew pati sa utak mo.
Huminga namana ko nangg malalim at winashing na ang mga putting damit kasama ang damit ni Andrew. Nilagyan ko pa nang whitening soap at zonrox.
Narinig ko namang bumukas ang gate namin, hudyat na naka uwi na sila ate at Kuya ben. Iniwan ko naman ang nilalabhan ko at sinalubong sila. “Hi ate. Kumain na po kayo? Sorry hindi pa po ako nag luluto eh.” Sambit ko. “Okay lang. Bumili kami ni Benedict nang chicken pang dinner natin kaya mag sasaing nalang ako.” Sagot naman ni ate. “Nag laba ka?” Tanong niya na agad ko anamng sinagot sa pag tanggo.
Bumalik anamna ko sa nilalabhan ko at sinampay na ang mga nunang nilabhan ko.
Nag notify naman ulit ang phone ko na inirapan ko agad nang makita ko ang message ni Andrew na
“???”
Question Mark mo mukha mo.
“Oo nilabhan ko na.”
“Thanks. See you tomorrow.”
“Ayoko nga. Pwede bang lalamove nalang?”
“No. I don’t want anyone knowing my address.”
“Hindi ko nalang kaya to balik?”
“Then I’ll sue you.”
“Sue sue mo mukha mo.”
“Ew.”
“?”
“?”
Ang kulit naman nang lalakeng to. Bwisit.
Pag katapos malabhan ang mga putting damit, agad ko namang sinampay isa isa…
Hanggang sa nanlaki ang mata ko sa nakita ko sa kung anong nangyare sa damit ni Adrew.
“What the…”
Ang kulay puitng damit niya ang naging…. Beige? Brown? BASTA HINDI PUMUTI AT…
Nag shrink.
Agad ko anamng tingnan ang damit niya at halos sumabog ang dibdib ko nang nabasa ko kung anong naka labeled sa damit niya
Dry Clean Only