Kabanata 10

1500 Words
“Ano nga ulit sabi mo sa akin kahapon? Ang taong sikat hindi nag aaksayang hanapin ang hindi importante sa kanila?” Sarkastiko kong tanong kay k**i habang nag lalakad kami papuntang classroom. “Sorry bes ah, lahat naman talaga ng influencer ganun. Mga sikat na artista nga nga ganun eh, kaya akala ko ganun din si Andrew.” Sagot niya sa akin at nag ‘peace’ sign pa siya. Huminga ako nang malalim at iniiwasang alalahanin ang nangyare kanina. “Pero grabe. Ang pogi talaga ni Andrew. Sana pala ako na lang yung naka bangga sa kaniya para ako yung hinahanap niya. Edi sana kami pa yung merong interaction sa isa’t-isa.” Kinikilig na sambit niya sa akin na iki sira nang mukha ko. “Edi sana ikaw na lang talaga.” Banat ko. Bigla niya namang ginaya yung sinasabi ni Andrew kanina na halatang inaasar ako. Pangalawang araw pa lang namin mag kasama ni k**i, pero parang hindi ko na ata kaya energy at attitude niya, kunti na lang masasapak ko ito… Ay…. Shit, why are you thinking like that Alexa. This is your first time na mag karoon anng kaibigan, so please be chill… Sana naging ganto ako nung mga oras na binubully nila ako. Hindi yung tumatakbo at nag tatago ako sa takot. Kung kelan naman maganda at sexy na ako, doon pa ako natutong lumaban para sa sarili ko… Pag ka rating namin sa room agad namang tumakbo si k**i kay Sandra at nag beso ang dalawa. Hanggang ngaon, hidni pa rin ako sanay sa mga tinginan nang mga kaklase ko sa akin. Parang matutunaw ako sa mga titig nila sa akin. Nginitian ko nalang sila na agad namang nag pa kilig sa mga lalakeng naka tingin sa akin. “Guess sinong naka hanap sa ating magandang kaibigan!” Pang aasar ni k**i sa akin na kaniyang itinanong kay Sandra. “Ha?” Pag tatakang sagot ni Sandra. “Si Andrew Basino!” Sigaw naman ni k**i dahilan para agad kong takpan ang kaniyang bibig. Napa lingon naman ang mga kaklase namin sa amin nung narinig nila ang pangalan ni Andrew Basino. Halatang kilala nga siya nang mga ito, maliban sa akin na walang pakeialam sa existing life niya. “Si Andrew Basino? Nakita niyo?” Tanong nang ilan. Nag si dumugan naman sila sa amin at nag tatanong nang mga tanong na ineentertain din naman ni k**i. Ang iba nag tatanong sa akin pero wala akong sinasagot dahil hindi ko din naman alam anong isasagot ko, or wala din naman dapat akong sasabihin, dahil ayokong I-entertaing mga tanong nila. “Alexa, ayos ka lang ba kahpon? Nakita namin yung video mo with Andrew, medyo nakakahiya, pero siyempre, concern naman kami.” Tanong naman nang iba na ang sinasagot ko lang ay ang maganda kong pag ngiti. Ugh! Bakit ba ganito ang mga tao ngayon? Mga chismosa? Nanahimik naman ang lahat nang dumating na ang prof namin. Agad ko namang tiningnan si k**i at binigyan nang ‘Tama na. Wag mo nang I-entertain.’ look. “Good Morning Everyone. I am Mr. Jonathan Miles, your photography professor for this class.” Pakilala nang professor namin. Nag simula naman itong mag lecture at mag banggit nang mga class rules niya. Basta ang na intindihan ko lang sa lahat nang sinabe niya, a good photo comes is captured when it came from your heart. Oh diba? Habang nag di-disscuss siya, biglang bumukas ang pinto nang classroom na nag pa tigil sa kaniya. Biglang pumasok ang isang estudyante na agad ko naamng ikinagulat, at ikinagulat nang lahat. “Sorry I am late. I couldn’t find our classroom po kasi.” Nag simula namang mag bulungan ang mga tao tao dito sa loob habang ako naka titig lang sa kaniya. Napa tingin naman ako kay k**i nang bigla siyang nang aasar sa pamamagitan nang ‘finger heart’. Agad naman siyang napa tingin sa akin na agad ko namang iniwasan. What the hell? Anong ginagawa niya rito? Bakit siya andito? “Sorry What is your surname?” Tanong ni Sir Jonathan sa kaniya. “Basino sir… Andrew Basino.” Taga dito, si Andrew Basino? Sa school na ito? Halos matulala ako sa narinig ko at naiisip ko. All this time, I thought I can run away from him? Pero ang ending, hindi lang siya taga dito sa university na to, kaklase ko pa talaga, sa Photography Class ko! “You may sit now Mr. Basino.” Sambit nang professor namin. Agad naman itong nag lakad pa likod para siya’t maka upo at hindi nag tagal, dumapo ang kaniyang mga titig sa aking mga mata, dahilan para agad ko itong itingin sa iba. Bakit naman kailangan mo akong titigan Mr. Basino? Pag ka tapos nang klase ay mindali ko na sina k**i at Sandra para maka alis nang room, nang maiwasan ko si Andrew at matakbuhan ko, pero ang dalawa, ang babagal kung kumilos! Akala mo mga pagong sa bagal nang pag galaw nila. Si k**i naman, tinatawanan pa ang pag ka taranta ko na para bang sinasadiya na ang pag bagal bagal na kilos niya. “Mauuna na ako ah. Kitain ko nalang kayo sa Cafeteria!” Paalam ko sa kanila pero bago pa man ako maka talikod agad akong napa hinto sa narinig ko. “How about me? No plan to see me after class?” Pigilan mo sarili mo Alexa… Pigilan mo please. Narinig ko ang mga hakbang nang kaniyang paa papunta sa akin. Alam ko sa sarili kong lalapitan niya ako kaya tumakbo na agad ako palayo sa kaniya na para layuan siya. Hindi ko alam kung bakit ba ayaw na ayaw ko sa taong iyon! Ang laki kasi nang ego eh! I mean, ewan ko, ang lakas nang loob niya para lapitan ako at sabihan ba namang mag laba? I mean, who is he? Wala akong paki kung million pa followers niya sa t****k or sa i********:. Hindi ako tulad nang ibang babaeng baliw na baliw sa ka-guwapuhan niya. Dahil in the first place, hindi naman siya ganun ka pogi, at hindi ko din naman siya type. Habang tumatakbo ako, hindi ko sinasadyang makabangga nang isang tao dahilan para parehas kaming matumba sa lapag. Narinig ko ang tili niya at galit sa boses. “Sorry po. Hindi ko po sinasadya!” Tutulungan ko sana siyang maka tayo pero halos manlumo ako sa nakita ko. “Ano ba? Pwede bang tumingin tingin ka sa dinadaanan mo? College ka na, pero isip bata ka parin at immature kung kumilos. Sinong matinong college student ang tumatakbo sa hallway at hindi tumitingin sa dinadaanan nila!” Sagot niya naman. Tinulungan siya nang isang lalake, dahilan para mas lalong hindi ako maka tayo o maka galaw. Pinag pagan naman niya ang suot niyang skirt at tumingin nang masama sa akin. Unti unti naman akong tumayo at mabilis na tumalikod pero pinigilan ako nang babae. “Hindi ka ba mag s-sorry? Ano? Deadma ka lang? Bingi?” Sambit nito… Ang mga boses niya, hindi pa rin nag babago, pati angg itsura niya. Mas lalo lang siyang nag mukhang matured.. Mas lalo lang siyang gumanda. Unti unti akong humarap sa kanil at humingi nang tawad. “Pasensya na… May hinahabol kasi ako.” Agad naman akong tumalikod ulit pero bago ako maka alis, nag salita muna siya. “Kilala ba kita?” Sambit niya. “Puwede bang humarap ka sa akin pag kinakausap ka!” “Althea, we can just go na. She already apologizes.” sambit niya… Hanggang ngayon, sunod sunuran parin pala to sa babaeng to. “No. Hindi mo ako kilala.” Agad ko nang tinanggal ang pag kakahawak niya sa braso ko at nag simulang mag lakad nang mabilis papalayo sa kanilang dalawa… Habang pa bilis nang pa bilis ang pag lalakad ko at habang papalayo ako sa kanila, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko na agad ko namang pinunasan. Agad akong pumaosk sa cr at nag kulong sa isang cubicle roon, at doon… Doon tuluyang bumuhos ang mga luha ko nang patahimik . Doon sumikip angdibdib ko na agad ko namang sinolusyunan… Ang pag hinga nang malalim at pag papakawala agad rito. Bakit… Bakit kailangan dito pa talaga sila? Akala ko si Jeremy lang ang nandito sa university na ito. Bakit kailangan kasama niya din dito si Althea? At sila pa rin, hanggang ngayon “Akala mo ba magugutuhan ka ni Jeremy, Alexa? Hindi! It is all just a plan or a prank para naman magising ka sa sarili mo na hindi ka magugustuhan nang kahit na sinong lalake dahil sa itsura mo! Umasa ka ba talaga? Naniwala?” “Come on. Wake up babe. You’re fat. You’re ugly. And you still think may gustong bumahay sa iyo? Look at me, ako ang type ni Jeremy. Not you.” Hanggang ngayon, pa ulit ulit ko pa rin naririnig ang boses niya… Hanggang ngayon, sinisira niya pa rin ako, kahit wala na ako sa nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD