Kabanata 9

1158 Words
“Andrew Basino started following you.” Iisa lang ang umiikot sa utak ko ngayon, iisa lang ang iniisip ko ngayong umaga—si Andrew Basino. Ang influencer na napahiya ako? O napahiya ko? Ugh! Mas nauna pa siyang i-follow ako kaysa kina k**i at Sandra na hanggang ngayon, hindi pa ako fina-follow sa IG. I mean, me? Bakit niya naman ako i-fa-follow? What are the reasons behind that thinking of his? Tiningnan ko ulit ang mga followers ko at hanggang ngayon, hindi pa rin siya nawawala sa listahan—meaning, may balak siyang gawin na alam kong hindi ko magugustuhan. “Kumain ka na, Alexa. Ma-late ka pa niyan mamaya,” sambit ni ate sa akin na agad ko namang sinunod. Pagkatapos kong kumain ay agad na akong isinabay ni Kuya Ben papuntang school dahil madadaanan din kasi ang school ko sa work niya, at wala akong magawa dahil si ate na rin mismo ang nagpumilit sa akin. “Binubully ka ba ulit nila?” Agad naman akong napatingin kay Kuya Ben sa sinabi niya. “Po?” Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Kanina ka pa kasi balisa sa hapag-kainan. Parang hindi ka maka-focus dahil ang lalim ng iniisip mo,” sambit niya sa akin. “Don’t worry, hindi ko sasabihin sa Ate Sheena mo. Sa atin-atin lang,” dagdag niya pa na agad ko namang ikinatawa. “Hindi po. May iniisip lang ako, pero hindi naman iyon dahil binubully nila ako.” Kung hindi si Ate Sheena ang nakakaintindi sa akin, si Kuya Ben naman. Pareho silang mabait ang pakikitungo sa akin. Hindi ko alam—ang sarap sa feeling na kahit against na ang buong mundo sa’yo, may mga taong andiyan pa rin para gabayan at tulungan ka. Kaya perfect match sila eh, at excited na akong ikasal sila… Parang sila na ’yung pumalit kina mama at papa. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa school na agad ko namang pinasalamatan si Kuya Ben sa paghatid. Bago pa man ako makapasok sa loob ay agad naman akong napahinto nang makita ko ang taong iniisip ko buong araw! Si Andrew Basino! Anong ginagawa ng gagong ito dito? Agad naman akong umiwas ng tingin at umiwas ng daan kung saan pwede niya akong makita. “Bestie!” Halos kumawala ang kaluluwa ko sa katawan nang may tumawag sa akin. Napatingin naman ako sa taong tumawag at walang iba kundi si k**i. “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin. “Ha?” na lang ang naisagot ko sa kaniya na agad niya namang ipinagtaka. Agad itong lumingon-lingon sa paligid na tila ba may hinahanap, at pagkatapos, bigla itong tumawa nang malakas na agad ko namang ikinagulat. “Nagtatago ka, ano?” sumbat nito na agad ko namang inilingan. “Te, hindi mo ’ko maloloko. Nagtatago ka kasi nasa likod mo si Andrew,” sambit nito na agad ko namang ikinagulat. Ha? Nasa likod ko? Ah… oo nga pala. Nasa likod ko, kasi tumalikod agad ako. “Hi…” bati ni k**i sa kaniyang malandi at maliit na boses sa kung sino man ang— Agad naman akong napatalikod at bumungad sa harap ko ang taong tinataguan ko. Si Andrew Basino. Nakasoot ito ng red vest at white na polo. Maayos ang kaniyang buhok at nakasuot ng black glasses na mas lalong nagpa-pogi sa itsura niya. OO NA, POGI KA NA! “Hi?” bati ko. Agad ko namang hinawakan ang kamay ni k**i at bago pa man kami makatakas palayo sa kaniya ay agad niya naman akong hinawakan sa kamay. Ramdam ko ang init ng kaniyang kamay sa braso ko. Agad naman akong napahinto at napakagat ng labi. Anong ginagawa mo, Alexa? “Just hi?” tanong nito sa akin na nagpabilis ng t***k ng puso ko. “Ano ba kailangan mong sabihin ko? Hello? Ganun?” sagot ko sa kaniya. “You can’t run from me… Miss. You have made a sin to me.” Bakit ba nag-e-English itong lalaking ito? Nasa Pinas naman tayo. May lahi kaya ’tong Amerikano? I mean, he can be. Mukha naman siyang hindi Pinoy na Pinoy eh. Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. “Okay, fine. I am sorry for what I did to you yesterday. Hindi ko sinasadya iyon. It was all an accident, and it is all because of your fangirls kaya ko natapon ang gravy sa damit mo. Is that what you want to hear?” sabi ko na ikinangiti niya lang, na mas lalong nagpakaba sa akin. Anong nginingiti-ngiti nito? May sayad ba utak nito? “Yes… and no,” sagot niya. May iniabot naman itong paper bag sa akin na agad ko namang kinuha. “Ano ’to?” tanong ko sa kaniya. “You stained my shirt. Apology isn’t enough.” Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya tiningnan ko ang laman ng paper bag na inabot niya sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko na ang laman nito ay ang damit niya kahapon—ang puting polo shirt na namantsahan ko ng gravy. “You have to clean it for me.” Halos nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko. Ha? Sira-ulo ba itong lalaking ’to? “Sira-ulo ka ba? Ako? I will clean this for you? Big no!” Agad ko namang binalik ang paper bag sa kaniya pero hindi niya tinanggap iyon. “Ang yaman-yaman mo, you are an influencer, a famous person, pero hindi kayang ma-afford ang laundry?” dagdag ko. Nawala naman ang ngiti sa kaniyang mga labi at nagsimula itong maglakad papalapit sa akin na ikinagulat ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa oras na naglakad ito papalapit sa akin. Para bang naka-glue ako sa semento. “Oh, but I can afford a laundry. Ang akin lang, you ruined it, you stained it, you clean it. Hindi ka ba tinuruan ng reciprocation ng mga magulang mo?” sambit nito pagkatapos niyang huminto sa harap ko. Sa sobrang lapit namin sa isa’t isa, naamoy ko na ang pabango niya na nagpasakit sa ilong ko. Agad ko naman siyang tinulak. “Neknek mo!” Agad ko namang inilapag ang paper bag na ibinigay niya sa akin at hinatak si k**i, sabay takbo palayo sa kaniya. Narinig ko pa siyang sumigaw pero hinayaan ko na lang at hindi pinansin. Gago pala iyong mokong na iyon eh. May sapak din sa utak. May nalalaman pang reciprocation. “Bes, sandali lang, naka-sandals ako! Teka, te!” sambit naman ni k**i at huminto na kami sa pagtakbo. Halos mamatay na ako sa hingal sa pagtakbo at pagpapawis. Buti na lang malayo na ako sa kaniya, at buti na lang hindi siya taga-rito. Kaya for sure, hindi ko na siya makikita at hindi niya na rin ako makikita. Ang importante, kailangan kong maging magaling sa pagtingin bago ako pumasok at lumabas ng university na ito, dahil for sure, baka mag-abang na naman sa akin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD