Kabanata 8

1416 Words
Pag-uwi ko, agad naman akong tinanong ng kapatid ko kung kamusta ako. “Ayos lang, ate. Masaya.” “Wala kang kakilala roon?” “Wal—” Napahinto ako sa pagsagot nang maalala ko na naman ang nangyari kanina, kung saan nag banggaan kami ni Jeremy. Pero sure ako, hindi niya ako naalala… Hindi niya ako nakilala. Kasi bakit? Wala naman siyang pakialam sa akin in the first place, so paano niya ako maalala, hindi ba? “Wala po.” Tinuloy ko ang sagot ko kay ate. “Wala namang masamang nangyari sa’yo?” Tanong niya na agad kong iniling. “Kumain ka na diyan. Bumili si Kuya Ben mo ng Jollibee bucket. May natira pang chicken sa lamesa. Hindi ba favorite mo ’yan?” Agad naman siyang lumapit sa lamesa at ipinakita ang tatlong pirasong chicken na natira. “Busog na po ako, ate. Kumain na po ako sa labas eh.” Napahinto naman ito at napatingin sa akin. “Kumain ka na? Sino kasama mo?” Agad niya namang tanong. “Mga kaibigan ko po!” Masaya kong isinambit sa kaniya na agad niya namang ikinatahimik. “Promise, ate. Totoong kaibigan na po ito! I mean, hindi naman na po nila ako lolokohin. Hindi na naman po ako panget at mataba, wala silang dahilan kung bakit nila ako lolokohin bilang kaibigan nila.” Agad ko namang nilapitan si ate at hinawakan ang kamay niya. “Promise po. Magtiwala ka sa akin, ate. Totoong kaibigan na ito.” Agad naman siyang ngumiti at hinawakan niya rin ang kamay ko. “Wala naman akong sinasabi ah. Masyado ka namang defensive.” Pabiro niyang sagot sa akin na ikinatawa ko. “Sorry po.” Agad niya naman akong tinapik sa braso. “Basta, kung may problema ka, sabihan mo ako agad… Hindi ’yung… hindi ’yung gagawin mo ulit ’yung ginawa mo dati, okay?” Agad naman akong napayuko at nahiya siyang tingnan sa mata. “May tiwala ako sa’yo. At kung may kaibigan ka na talaga, edi masaya ako para sa’yo!” sambit niya. Protektado talaga ako ni ate simula bata pa ako. Simula nang iwan kami ni mama. Hindi ko nakilala ang tatay ko dahil magkaiba kami ng tatay ni ate, pero kahit na ganoon, hindi naging hadlang iyon para hindi niya ako mahalin nang sobra at hindi niya ako itakwil bilang kapatid. Noong namatay si mama, si ate na lang talaga ang nag-alaga sa akin. Alam niya na binubully ako noon, kaya simula noong nangyari iyong gabing iyon, siya na rin ang nag-udyok sa akin para maging maganda at payat… TWO YEARS AGO… Hindi ko na maalala kung paano ako naka-uwi. Para akong naglalakad pero hindi gumagalaw ang mundo. Para akong humihinga pero walang hangin na pumapasok. Para akong buhay… pero patay. Pagkasara ko ng pinto ng bahay namin, doon ako tuluyang bumagsak. Valentine’s Day, araw ng mga puso, pero parang feeling ko, wala na akong puso sa nangyari. Dare? Dare lang lahat ng iyon? Sa lahat ng napagsamahan namin ni Jeremy? Dare lang? Bakit kailangan niyang gawin iyon? Bakit kailangan niya pa akong gaguhin! Parang biglang bumigat lahat—damit ko, bag ko, katawan ko, puso ko. Lahat. Humawak ako sa dingding, nanginginig ang kamay ko. Hindi ko ramdam ang paa ko. Hindi ko ramdam ang oras. Ang naririnig ko lang ay paulit-ulit na boses nila. “Yuck.” “Fat.” “Ugly.” “Dare lang.” “Hindi kita gusto.” Para silang mga kutsilyong pinupunit ang balat ko mula loob. Tumingin ako sa sahig. Basang-basa na pala ng luha ko. Hindi ko man lang namalayan. “Alexa?” Narinig ko ang boses ni Ate Sheena mula sa kusina. Mabilis siyang napahinto sa ginagawa niya, nag-aalala, parang alam niya na naman. Pero hindi ko siya masagot. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang sabihin ang nangyari. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na mali siya—hindi ako safe, hindi ako naging masaya, at hindi ako pinahalagahan. Dahan-dahan siyang lumapit. “Alexa? Bakit… bakit ganyan ka? Ano’ng nangyari?” Ayokong magsalita. Ayokong marinig ang boses ko na basag na. Ayokong marinig ang sarili kong umiiyak dahil mas lalo lang akong magiging totoo. Pero tinanong niya ulit. “A-anong ginawa nila?” At doon… doon na sumabog lahat. Napahagulgol ako. Hindi basta iyak. ’Yung iyak na parang may hinuhugot sa loob ng tiyan ko. ’Yung iyak na sakit na hindi na kayang itago ng dibdib ko. Napaupo ako sa sahig, yakap ang tuhod, parang batang nawalan ng mundo. Si ate? Mabilis niya akong nilapitan at niyakap na parang hindi niya ako bibitawan kahit kailan. Pero kahit yakap niya ako… hindi ko maramdaman ang init. Ang lamig-lamig ng loob ko. “B-bakit, ate…” bulong ko. “Bakit nila ginawa ’to sa akin?” Hindi siya nakasagot. Wala naman talagang sagot. Wala. Na ako lang ang masakit na biro, na ako lang ang pinagtripan, na ako lang talaga ang hindi karapat-dapat mahalin. Huminga ako nang malalim, pero mas sumikip ang dibdib ko. Para akong nilulunod. Ayoko nang maramdaman ’to. Ayoko nang huminga. Ayoko nang magising bukas. Pag-akyat ko sa kwarto ko, isinara ko ang pinto. Hindi ko na narinig si ate. Hindi ko na narinig ang mundo. Ang naririnig ko lang ay t***k ng puso kong sobrang lakas pero sobrang wasak. Tumingin ako sa salamin. Ang panget ko. Ang laki ko. Ang dumi ko tingnan. Ang dami kong tigyawat. Ang dami kong kulang. “Walang magmamahal sa’yo,” bulong ng utak ko. “Wala.” Dahan-dahan akong naupo sa gilid ng kama. Tumingin sa pulso ko. Sa mga gamit sa drawer. Sa sintas ng sapatos. Sa gunting. Sa belt. Hindi naman ako iyakin… pero ngayon, parang ayoko nang mabuhay pa bukas. Hinawakan ko ang sarili kong kamay. Nanginginig. Mahina. Pagod. “Siguro… mas okay kung mawala na lang ako,” bulong ko. Walang sumagot. Ni Diyos, hindi ko ramdam. Agad naman akong nakakita ng cutter at agad na kinuha. “Sorry, ate…” mahinang bulong ko. “Pagod na ako.” Itinutok ko ang cutter sa pulso ko at agad na tinusok. Pero kahit na gaano kasakit iyon, wala akong naramdaman. Wala akong naramdaman na sakit, lahat lang ng nararamdaman ko ay pawang manhid lang. At doon… doon ko sinubukan. Doon ko tinapos ang lahat. O akala ko kaya ko. Pero hindi ako natuloy. Hindi ko alam kung bakit—kung natakot ba ako, kung napagod ba ako, o kung umaasa pa ako kahit kaunti. Tumumba ako sa sahig dahil sa sobrang hilo at pag-iyak. Bago ako mawalan ng malay, naramdaman ko ang pagpasok ni ate sa kwarto ko—hindi ko alam paano niya nabuksan ang pinto, pero naramdaman ko ang pag-iyak niya, ang pag-alog niya sa akin, ang sigaw niya ng pangalan ko. At ’yun ang huling natatandaan ko… Bago naging madilim ang lahat. PRESENT TIME Umakyat ako sa taas at agad kong isinara ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti habang isinasandal ko ang likod ko sa pinto—siguro dahil sa sinabi ko kay ate, o dahil masaya siya ngayon para sa akin, o dahil umuwi ako na, for the first time, masaya ako at walang masamang nangyari… except sa pesteng Andrew na iyon. O siguro dahil sa mga kaibigan ko, o siguro dahil… dahil feeling ko, may bago na akong simula. Hinubad ko ang suot ko, nilapag sa gilid, at agad akong nagpalit ng pambahay—maluwag na t-shirt at shorts na comfy. Hindi tulad noon na halos ramdam ko ang sikip ng t-shirt na suot ko dahil sa laki ko. Pagkatapos noon, humarap ako sa salamin. At hindi ko inaasahan ang makita ko. Ang ganda ko. As in… maganda talaga. Nagulat ako kasi hindi ako sanay. Tumingin ako nang mas matagal, sa mukha kong hindi na sobrang bilog, sa mata kong mas buhay na kaysa dati, sa buhok kong mas maayos at mas bagay sa mukha ko. “Ang ganda ko ngayon…” bulong ko, halos hindi ko ma-process. Napangiti ako. Totoong ngiti. Hindi pilit. Hindi ’yung tipong nagpapanggap para lang hindi ako kaawaan. Totoo—masaya siya. Pero ilang segundo lang, biglang nag-vibrate ang phone ko sa ibabaw ng table. Ah, baka finollow back na ako nina k**i at Sandra. Kinuha ko naman ang phone ko at agad na binuksan ang notification. At halos nahulog ko ang phone ko nang mabasa ko kung bakit nag-notify ang phone ko. “Andrew Basino started following you.” Nanlaki ang mata ko. Ha?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD