Kabanata 7

1053 Words
PRESENT “Hoy, Alexa, umorder ka na. Wala kang choice,” utos ni k**i habang kinukuha ang tray ko. Nandito kami ngayon sa mall. Hinila na nila ako palabas ng classroom dahil hindi ko rin naman alam ang gagawin ko. Ayoko rin namang nakayuko lang at iniisip ’yung bwisit na video na iyon. Sabi nila, the best way to forget things is to be happy… Well, I might be. “Ay, ’wag—” “Ayaw mo?” tanong ni k**i sa akin. Napailing ako. Wala kasi akong gana kumain. May side effect kasi ’yung gamot na iniinom ko para sa pagpapapayat ko—ang mawalan nang ganang kumain. Actually, hindi lang naman iyon dahil sa gamot kung bakit wala akong gana kumain, dahil ’yun sa video. Hindi ako makakain nang maayos. Mamaya may matapunan na naman akong tao diyan sa tabi. “Libre ko.” “Ah sige. Gusto ko ’yung fries tapos sour and cream flavor. Pwede mo na rin ako ilibre ng buko juice.” Agad naman silang nagtawanan sa inasta ko. Eh bakit? Libre daw eh. Hindi ako tatanggi doon. Pinagmasdan ko silang tumatawa—si Sandra at k**i. Ang sarap pala sa feeling kung tumatawa sila, hindi dahil tinatawanan nila ako, kundi dahil natatawa sila sa akin, sa mga corny jokes and actions ko. Feeling ko I belong with them… belong with them? “Alexa, gusto mo ba fries or sundae?” tanong ni Sandra. “Gaga, sabi niya nga fries, ’di ba? With extra sour and cream powder,” sumbat naman ni k**i sa kaniya. “Pwede both?” pag-bawi ko. “YES! ’Yan ang gusto ko, inaabuso si Sandra!” sigaw ni k**i na para bang nanalo ako sa raffle. “Te, ikaw talaga nagsabi na lilibre mo si Alexa, bakit parang ako pa ata ang magbabayad,” sagot naman ni Sandra. “Add to tab mo na lang ’yan sa utang mo.” “You mean ’yung utang mo na last year mo pang hindi nababayaran?” “Oo… hehe.” Napangiti naman ako sa bangayan nilang dalawa. ’Yung totoong ngiti. ’Yung hindi pilit, hindi dahil para hindi sila ma-offend… kundi dahil masaya ako. Agad naman kaming umupo sa isang table sa may gitna kung saan nilalapag ni k**i ’yung tray namin. Kumpleto: fries, nuggets, sundae, coke float na agad naman niyang binanatan. “Teka lang… bakit parang pansarili mo lahat ’yan?” sambit naman ni Sandra. “Hindi ah! Para sa ating lahat ’yan. Sharing is giving,” sagot niya. “Tanga. Sharing is caring kamo,” sabi ni Sandra at nagsimula silang mag-asaran. Habang nagbabangayan sila, wala akong nagawa kundi tumingin sa kanila. Si k**i na maingay, sabog, drama queen. Si Sandra na parang ina naming lahat—calm, smart, pero savage. At ako… Eto tahimik lang. Ako na hindi ko alam kung paano napunta sa gitna nila. Buti na lang nilapitan nila ako kanina. Kung hindi, hindi ko mae-experience ’yung ganito. First day ko pa lang sila nakakasama, pero parang ang tagal ko na silang kakilala. Pero hindi ko ma-deny ang sarap sa feeling ng ganito. “By the way, te, okay ka na ba?” tanong naman ni k**i sa akin na agad namang siniko ni Sandra ang tagiliran niya. “Hmm?” Nilingon ko silang dalawa na parehong nag-aabang ng sagot ko. Parehong may konting worry sa mga mata nila. “Wala na akong pake. Hayaan mo na ’yung video na iyon. Mawawala din naman agad ’yan. At tama nga kayo, buti pa ako, nahawakan ko ’yung Andrew Basino na iyon. Eh sila?” sabi ko habang sumusubo ng fries. “Ay, na-offend ako doon, te,” sagot naman ni k**i na agad niya namang binawi sa pag-peace sign. “Like… oo nakakahiya, oo ang daming likes, pero… ewan. Ang sarap niyong kasama, so parang nabawasan ’yung bigat.” Napahinto sila. “Ate…” bulong ni k**i. “Ba’t parang kinikilig ako? Sinasabi mo ba na mahal mo kami?” “Umayos ka,” sagot ko pero natawa ako. “Ganiyan talaga pag mga single. Lovely person,” dagdag ni Sandra. At that moment, habang nagkukulitan sila, habang kumakain kami ng walang pakialam sa tao… bigla akong may naramdaman. Parang may kung anong lumuwag sa dibdib ko. Parang may natanggal na bigat na matagal ko nang bitbit. Kasi ngayon lang… Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng tunay na kaibigan. Hindi ’yung fake. Hindi ’yung sadyang nilalapitan lang ako dahil may kailangan sila. Hindi ’yung tatawa habang nasasaktan ako. Kundi ’yung tatabi sa akin kahit cringe ako, kahit viral ako, kahit nadapa ako sa harap ng pogi, kahit bumabagsak ang dignidad ko kanina, andiyan pa rin sila. God… ang sarap pala sa feeling na may kasama. Pero habang tumatawa sila, habang nagkukuwentuhan tungkol sa mga crush nila at sa professor naming laging galit… Pangako kong hindi ko ipapaalam sa kanila kung sino ako noon. Hindi nila kailangang malaman kung gaano kabaho ang last two years ko. Hindi nila kailangang malaman ’yung “sunog na siopao” na pangalan ko. Hindi nila kailangang makita ’yung Alexa na umiiyak mag-isa sa janitor’s room… at walang tumulong kahit isa. Ayoko. Hindi nila deserve ’yun. Ayoko rin na makita nila ’yung weakness ko. Ayoko na maawa sila. Ayoko na isipin nilang project lang nila ako dahil kawawa ako. At lalong-lalo, ayokong malaman nila na peke ang ganda ko, at layuan nila ako. Gusto ko… Gusto ko maging kaibigan nila dahil sa ngayon. Hindi dahil sa nakaraan ko. “Tara, picture tayo. Hashtag bestie of the day,” inilabas naman ni k**i ang kaniyang cellphone at nag-selfie naman kami agad. “Hoy, Alexa,” tawag ni Sandra. “Anong ngiti ’yan? Mukha kang natatae.” “Teka, ’wag mo i-upload—” “Hindi ko iuupload! Promise! For memories lang.” Tumabi sila sa akin. Nagyakap pa kami. Sabog ’yung posing pero masaya. At sa oras na narinig ko ’yung tunog ng pagkuha ng litrato… hindi ako nagtatago. Hindi ko tinatakpan ’yung mukha ko. Hindi ako nahihiya. Kasi for the first time… I finally belong. At kahit hindi ko sabihin… Kahit hindi ko aminin, Kahit hindi nila alam ang nakaraan ko… Isa lang ang sigurado ko— Ayoko nang pakawalan ang dalawang babaeng ’to. I mean, ’yung isa tunay, ’yung isa nagbibinabae. My first real friends.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD