What…The…Hell?
Napa tingin naman sila sa akin at agad na tinanong kung ayos lang daw ba ako.
Ayos lang ba ako? Hindi ko alam.. Hindi! Hindi ako ayos!
Dahil ang nasa video na ipinapakita ni k**i sa akin, ay yung video kung saan nadapa at natapunan ko, yung Andrew Basino na yun nang gravy sa mcdo!
At halos nasa 40,000 likes na ang meron!
“Ayos lang yan. Hindi naman big dea-” Napa tigil naman si k**i sa pag sasalita at agad na tumawa nang nakita niya ang isang picture ko na naging meme. Agad naman siyang kinurot ni Sandra na nag pa tahimik sa kanya.
“Sorry.”
Napa upo nalang ako sa upuan ko at iniyuko ang aking ulo sa arm chair nang upuan na ito.
Sabi ko na nga ba lahat may balik eh!
I mean, may mga kaibigan ana ko, nagagandahan na ang mga tao sa akin, pero minalas naman sa isang lalake! Hindi na nga lang ako nadapa sa harap niya, natapunan ko pa siya nang gravy!
At lahat nang iyon nakuhanan pa nang video at na ipost po sa f*******:!
Ano nang mukha ang ihaharap ko ngayon?
“Sana all nahawakan si Andrew… I’ll find you sabi ni Andrew, ako naalng hanapin mo!… Kawawa naman si ate!… Hindi ko alam kung matatawa ako o ma-aawa…. Grabe ang pogi ni Andre-”
“Tumigil nga na nga k**i, ipapakain ko yang selpon mo sa iyo.”
Naramdaman ko namang nilapitana ko ni Sandra at pinakalma. “Wag mo nang isipin yan Alexa. Hindi naman yan makaka apekto sa iyo o sa buhay mo. Tiyaka, hayaan mo yung Andrew na iyon, for sure wala din namang pake sa iyo yun. Ang pake nun, mag pa sikat. Hindi siya maapektuhan sa nangyayare sa inyo o sa video na iyan. Kaya in the end, kapag iniisip mo yan, for sure ikaw lang magiging talo.” Sabi niya sa akin. “Oo nga bes… Sorry na ha. Binabasa ko lang naman yung comments eh. Pero Sandra is right bebe ko. Ikaw lang din ma aapektuhan niyan kasi ikaw lang nag iisip. Next time ka na mag pa apekto kapag apektado din yung si Andrew na iyon.” Sambit niya.
Hindi ko din alam anong gagawin ko…
2 YEARS AGO…
“Hoi Soipao. Hindi ba sabi ko sa iyo, gusto ko nang Milktea, matcha with whip cream in 70 percent sugar level?” Sabi naman ni Kyla sa akin. “O-oo… Ayun nga yung sinabe ko.”
“Sinabi mo lang, pero hindi mo minake sure! Napaka tamis nang milktea na binigay mo sa akin! Gusto mo bang mag karoon ako nang diabetes?” Sigaw niya sa akin na nag pa lingon sa mga tao sa paligid. Agad naman akong nahiya sa sigaw niya. “S-sorry na. Akin na, bilhan nalang kita nang bago.” Agad ko namang ibinigay ang aking kamay sa aknya para bawiin ang milk tea pero agad naman niyang inilayo sa akin. “Ayoko.” Sagot niya.
“Bes. Parang amoy sunog… Na siopao noh?” Agad namang nag tawanan sila at ang ibang mga tao dito sa cafeteria. Agad ko namang ibinalik ang kamay ko sa akin. “Wag mo nang itaas yang braso mo, umaalingasaw yung amoy.” Agad naman akong napa tingin sa paligid ko nang napansin kong nag v-video na sila. “Ligo ligo din huh, siopao?” At sa oras na iyon, naramdaman ko ang malamig na milk tea sa katawan ko na itinapon sa akin.
Lahat naman ay nagulat sa nangyare, nugnit ni-isa walang tumulong, ni-isa, wala akong nakitang pag sisisi sa mukha nila. Pero lahat, nag si tawanan at nag si tulungan na tawagin akong sunog na siopao. Napa tingin naman ako sa gilid kung nasaan si Jeremy na naka tayo sa gilid, walang ginagawa, kundi naka titig lang.
Agad naman akong tumakbo palabas nang cafeteria.
“Hoy! Yung Milk tea ko! 70 percent sugar ah!” Pahabol na sigaw ni Kyla at agad naman silang nag tawanan muli.
Ikinulong ko yung sarili ko sa Janitor’s room at agad na inilabas ang aking iyak. Niyakap ko mga tuhod ko, ibinaon ang aking mukha sa aking braso at patuloy na umiyak.
Bakit ba kasi panget ako? Bakit ba kasi ang taba taba ko? Bakit ba kasi hindi ako pinanganak na maganda? Bakit ba kasi kailangan kong mamuhay nang ganito itsura! Kasuka suka! Ka taba taba at ka panget panget!
Nag vibrate naman yung phone ko na agad ko namang tiningnan.
Wala akong nagawa kundi napatigil at napa titig nalang sa screen nang phone ko. Kumakalat ngayon yung video ko na binuhusan ako ni Kyla nang Milk tea… Video ko na nakakahiya… ANo pang mukha ang mai haharap ko sa mga tao dito sa school? Ano pang mukha ang makikita nila, kundi ang mukha ko na tumutunog nang sunog na siopao.
“Wag mong pansinin yan.” Dahan dahan naman akong napa tingin pataas nang biglang may nag salitang lalake.
HIndi ko maaninag ang kaniyang mukha dahil naka against the light ang katawan niya.
“Wag mo nang isipin iyan. Wala ka na rin namang magagawa.” Dahan dahan naman itong nag lakad papalapit sa akin, at ang kaniyang maaninong mukha ay unti unti ko nang nakikita.
Si Jeremy.
Lumuhod naman ito sa harap ko at binigyan ako nang isang towel.
“Mag punas ko na. Baka hindi ka langmangamoy sunog na siopao. Baka mangamoy panis na milk tea ka ba.” Sambit niya na agad ko namang iki na offend. “Puta ka?” Sabi ko sa kanya na ikinatawa niya naman. “Sorry. Joke lang iyon. Pang pa gaan nang loob mo.”
Unti unti naman akong napa ngiti itinanggap ang towel.
“Wag mo na silang pansinin, dahil wala din naman silang pake diyans a video na iyan. Hindi ka din naman nila makikilala pag ka tapos nang araw na ito. It will just be a meme video everyone will forget.” Sabi niya at hinawakan ang kamay ko na ikinuha ko sa towel.
NAgulat ako sa sunod niyang ginawa at pinunasan niya ang katawan ko gamit ang towel, habang hawak niya ang kamay ko.
“Kilala kita Alexa, matapang ka. So wag kang mag papatalo sa kanila. Okay” Sambit niya at agad naman niyang hininto ang pag pupunas sa akin. Tumititig ito sa aking mata na agad ko namang iniwas.
“Ang cute naman nang siopao na ito.”
“Ah ganun!”
Sinipa ko naman siya na ikinatalsik niya sa dulo na agad ko anmang ikinagulat.
“Oh my God! Sorry!” Agad naman akong napatayo, actually, agad naman akong nahirapan patayo para tulungan siya, pero narinig ko naman ang pag tawa niya, at ang tawa niya ang nag pa hawa sa aking mag pa tawa.
Anong meron sa iyo Jeremy? Bakit ganiyan ka?
Bakit ang pogi mo minsan? Pero nakaka asar naman yang ugali mo.