Kabanata 5

1159 Words
“Te, ayos ka lang ba?” tanong ni k**i sa akin paglabas namin sa McDo. Kinakaway-kawayan niya yung mukha ko na para bang bulag ako. Pero at the same time, hindi ako makaimik, hindi ako makapagsalita, para bang nawala yung social at communication skills ko bigla. “Hello? Andiyan ka pa ba?” tanong sa akin ni k**i. “Nak, tingnan mo yung bago nating kaibigan, napipi at nabingi na ata,” sabi niya pa kay Sandra na agad naman siyang tinawanan. “Kung ako din naman mapahiya kay Andrew Basino, baka ngayon pa lang magkulong na ako sa kuwarto ko,” saad niya na agad ko namang ikinatigil. “Kung ganun, edi magtago na lang din kaya ako sa kuwarto? Uwi na ba ako?” sambit ko sa kanilang dalawa na agad naman nilang ikinagulat. Maya-maya pa bigla silang tumawa na ikinataka ko. “Anong nakakatawa doon?” “Bakit?” tanong ko sa kanila. “Alam mo Alexa, wag mong isipin yun. For sure wala yun. Tsaka hindi ka hahanapin ni Andrew noh. Wag mong isipin yung sinasabi niyang ‘I’ll find you.’ Ang sikat na influencer, hindi na nag-aaksaya ng oras para maghanap pa ng taong hindi mahalaga sa kanila,” sambit ni Sandra na ikinagaan ng loob ko. Tama. Tama si Sandra. Hindi naman niya ako hahanapin eh. Hindi naman siya mag-aaksaya ng oras para hanapin ako. I am just a nobody, trying to fit in again. Pero eto, imbes na mag–lay low ako according to my plan, literal na lay low naman ako sa harap ng Andrew Basino na iyon. Kahit hindi naman iyong influencer o hindi sikat, pero pag nangyari iyon sa akin kahit sa normal na tao, gusto ko pa ding kainin na lang ako ng lupa. Pero hindi — much worse! Sa harap pa mismo ng sikat na influencer! Wait, sikat? Kung sikat siya, dapat kilala ko siya. Pero since hindi ko siya kilala, hindi siya ganoon kasikat kahit na may 4 million follower pa siya! So it means, I should not care. Pagdating namin sa school ay agad naman kaming pumasok, kaming tatlo, sa loob ng classroom at nagsimula na muli ang klase at discussion. Ganito pala sa college. Wala nang introduce yourself, diretso lecture agad, diretso lecture agad. Pero ayos na rin naman yun, sabi nga nila, everything changes when you grow up. Pero first day pa lang, hindi na ako maka-catch up. Hindi dahil mahirap yung subject — actually madali lang naman siya, it is all about the SWOT Analysis — pero ang reason bakit hindi ako makafocus ay dahil hindi ko makalimutan yung nangyari kanina sa McDo. Feeling ko nakatatak na siya sa utak at diwa ko, like hindi na siya pwedeng mawala, kasi kahihiyan ko yun. I mean, ang dami ko namang kahihiyan na nangyari sa akin, simula pa noong mataba ako… Naalala ko nga noon nung nag-slide ako sa playground. Wala kasing nakikipaglaro sa akin noon dahil nga sa itsura ko, kaya nag-playground ako mag-isa. Kaso, nung nag-slide ako, nag-stuck ako sa slide. Hindi ako makababa, hindi ako dumudulas, hindi ako umaandar. Literally naka–stuck up lang ako to the point na napatawag sila Mama ng mga pulis, tas yung pulis hindi naman daw nila trabaho yun kaya tumawag sila ng firefighter. Tas ang nangyari, nilagare nila yung slide. Okay. Sige. Mas nakakahiya na yun kaysa sa nangyari sa akin kanina. So I guess I should not care more. “Yes, Miss?” Napatigil naman ako sa pag-iisip nang napansin kong nakatingin lahat ng classmates ko sa akin. “Po?” tanong ko sa teacher ko. Tinawag ba ako sa recitation? Ugh! Ayoko na nga mag-isip. “Why are you laughing?” tanong niya na ikinataka ko. Agad namang nanlaki mga mata ko nang narealize kong tumatawa pala ako habang iniisip ko yung nangyari sa akin noon sa slide. “Do you think our subject is funny?” “Hindi po. Sorry po.” “First day na first day, class, and you are showing disrespect to me. Kung hindi niyo kayang magseryoso sa subject ko, then you might just leave this room ngayon pa lang…” Agad naman akong naguilty sa nagawa ko at agad na umiwas ng tingin sa kaniya at sa iba kong kaklase. Feeling ko nakatitig sila sa akin ngayon. Hindi ko naman yun sinasadya. Napatingin naman ako kina k**i na palihim na ding tumatawa… kaya hindi ko rin mapigilang matawa nang mahina at mahinhin dahil baka marinig o makita na naman ako ng prof namin at mapagalitan niya ulit ako at idamay pa ang lahat. Pagkatapos ng klase, nag si-tayuan na ang lahat at nagpaalam. Namaalam naman ang iba kong kaklase sa akin na agad ko namang kinawayan. For the first time in two years, feeling ko nagiging makatao na ako ngayon. Feeling ko kaibigan ko ang lahat, feeling ko hindi sila nahihiya sa akin. Hindi tulad noon na wala man lang nagpapaalam sa akin, na iniiwan na lang nila ako mag-isa sa classroom, minsan nakakalimutan pa ako — hindi lang mga classmates ko, pati teachers at janitors. Parang hangin lang ako sa kanila. Pero ngayon, nararamdaman ko ang pagiging tao ko, na feeling ko deserve kong maramdaman. “Ayos ka lang?” Napatingin ako kay Sandra. “Ha?” tanong ko. “Ayos ka lang?” “Ah oo. Pasensya na.” sagot ko naman sa kanya. “Tara,” yaya niya sa akin na ipinagtaka ko. “Bakit?” “Saan?” tanong ko naman na ikinatawa niya. “Uuwi na. Pero feeling ko deserve natin kumain ng samgyup. Karaoke? First day naman natin, sulitin na natin habang hindi pa naghihirap sa college.” Na agad naman naming ikinatawa. Napatitig naman ako sa kanya habang tumatawa siya. Parang biglang bumagal yung mundo ko habang tumatawa siya. Napakaganda talaga niya — yung ngiti niya halatang totoo, yung dimples niya ang lalim, yung tangos ng ilong niya ay yung ilong na pinapangarap kong magkaroon. Sana ganyan din ako kaganda. Hindi peke, walang bahid ng ganda galing sa doctor… Makinis. Perfect na perfect talaga siya. Tapos inaaya niya akong lumabas? Parang sobrang ganda ng balik ng mundo sa akin. I mean, I was never invited to go hang out before. Walang gustong makipagkaibigan sa akin, walang gustong mag-aya sa akin — kahit sa friendship side. Wala talaga… Kaya kinakabahan ako kasi ngayon na lang ulit ako magkakaroon ng kaibigan, pero masaya ako! Alam ko sa sarili ko na hindi nila ako lolokohin. Hindi sila yung mga tao na gagaguhin ako, hindi tulad noon… At malakas ang feeling ko, kasi hindi na ako pangit at mataba… Kaya hindi rin ako sigurado kung tatagal ba sila, o hindi, paano kapag nalaman nila kung sino ako noon? “ALEXA DELA CRUZ!” Napatigil naman ako sa pag-iisip at napatingin kay k**i. “Look!” Agad naman kaming lumapit sa kaniya at may ipinakitang video sa amin. What… The… Hell?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD