Hindi ko namalayang nakatulog pala ako pag uwi ko kanina. Akala ko saglit lang akong pumikit para magpahinga ng mata, pero nang magising ako, iba na ang pakiramdam ng paligid. Tahimik pa rin ang kwarto pero mas mabigat ang hangin. Mas madilim ang paligid, mas malamig ngayon ang simoy nang hangin. Alam mo yung feeling nang nostalgia? Parang ganun te! Ang tahimik pa rin nang paligid, kung gaano katahimik kanina pag uwi ko, ganun pa rin katahimik pag gising ko. Walang tunog ng TV sa labas, walang boses nina ate, at ramdam ko rin na medyo naninigas ang likod ko sa kakaibang posisyon ng pagkakahiga ko. Agad ko namang kinapa ang kama para hanapin ang phone ko dahil hindi ko alam kung anong oras na, at sa oras na pag bukas ko nang phone ko. Doon ako tuluyang nagising. Sunod-sunod ang vibrati

