Makalipas ang Dalawang Taon…
Malakas ang t***k ng dibdib ko. Dalawang taon akong nag pahinga. Dalawang taon akong nawala sa mundong reyalidad. Ngunit eto ako ngayon, susubok sa bagong mundo na ibinigay nang pangalawang pag kakataon.
Ako pala si Alexa Maine Dela Cruz, ang bagong babaeng makikita nang mundo.
Huminga ako nang malalim bago ako nag lakad palabas nang isang coffee shop. Ang sinag nang araw at ang init na dala nito ay agad na dumampi sa mga balat ko. Masarap pala muling mahawakan nang init ng araw. Feeling ko, buhay na buhay ako. Feeling ko may buhay ako.
“Alexa.” Napatingin naman ako kay ate na nag aantay sa akin sa kanyang sasakyan. Agad naman akong nag lakad papunta sa kanya at pumasok sa loob. “Good Morning Alexa!” Bati sa akin nang fiance ni Ate na si Ben. “Good Morning din po kuya Ben.” Sagot ko.
Buti pa ang kapatid, naka hanap na nang taong mapapangasawa niya at makaka sama niya sa buong buhay. Habang ako, ito, nag tatago parin sa anino nang nakaraan. Natatakot sa mga sasabihin nang tao, kapag nalaman nila, kung sino nga ba ako noong nakaraang taon.
“Wow. Sa akin walang good morning?” Pag susungit naman ni ate. “Good Morning din ate!” Sabi ko at agad namang ngumiti. “Nakapag enlist ka na ba nang subjects mo? Ano kamusta? May mga kakilala ka ba?” Sunod na tanong nito. Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Nakapag enlist na po ako nang subjects. Agad nga nang pasok ko bukas eh. 8 am.” Sagot ko naman.
Bukas, papasok na ako bilang isang first year college sa Letran de Benilde Makati University. Kinuha kong kurso ay fashion design. Mahilig talaga ako mag drawing nang mga dresses simula pa noon. Pero ngayon lang ako nag karoon nang lakas na loob para ibandara ang gusto ko. Naalala ko, na sa tuwing sinasabe ko na gusto ko maging isang model o fashion designer, pinag attawanan ako nang mga tao. Walang naniniwala sa akin na kaya ko, kasi una sa lahat, mataba ako, pangalwa sa lahat, hindi naman kagandahan ang itsura ko.
Hindi ko ba alam kung bakit mukha akong pinipig na binudburan nang asin noong teenage years ko. Tapos ang taba taba ko pa.
Buti nalang ngayon, ibang iba na ang itsura ko sa dati. Nakak panibago, kahit ako naninibago sa bagong anyo ko eh. Oo nag papayat ako, nag pa retoke, lahat ginawa ko para maging maganda. Para maging confident. Unti lang naman pina ayos ko, ilong ko lang. Tapos nag pa derma ako. At nag papayat. Hindi naman din kami ganun ka yaman para mag pa retoke nang mamahalin tulad nanag mga ginagawa nang ibang model o artista. Normal na tao pa rin naman kami. Buti nga supporter ko tong si ate eh, siya ang pinaka unang taong naniwala sa akin, sumuporta sa akin, simula palang noong una.
Habang bumibiyahe kami papunta sa bahay, hindi ko maiwasang sulyapan ang sarili ko sa side mirror ng kotse. Minsan, napapaisip ako kung ako pa rin ba ‘yung dating si Alexa na palaging niloloko, tinatawanan, at tinataboy. Kasi minsan, parang hindi na. Parang ibang tao na ang nakikita ko. Mas payat. Mas maganda. Mas matatag. Pero kahit gaano kalakai ang pinag bago nang pisikal kong anyo o itsura, ako pa rin ang dating matabang babae na kinamumuhian nang lahat, iba lang ang itusra.
“Bakit parang tahimik ka?” tanong ni Ate Sheena at tumingin sa akin. Katabi niya si Kuya Ben na nag d-drive nang kotse. Kahit papaano, makakapangasawa si ate nang mayaman, sana ako rin hihi.
“Wala naman po. Iniisip ko lang… kung anong mangyayari bukas.”
“Excited?”
Ngumiti ako ng pilit. “Oo, siguro.”
Pero hindi lang excitement ang nararamdaman ko. Halo-halong kaba, takot, at galit. Kasi alam kong hindi lang basta “college life” ang haharapin ko bukas kundi ang bagong ako. Makalipas ang dalawang taon, ngayon nalang muli ako lalabas sa reyalidad na buhay, hindi ko na alam ang galawan anng mga tao, hindi ko na alam ang galawan sa labas nang bahay. Nakakatakot kasi baka mamaya, makita ko ang mga taong nanlait sa akin noon…
Baka makita ko muli si Jeremy.
Pero alam kong mas malaki ang tyansa na hindi na. Malayo na ako sa lugar kung saan kami dati. Malaki ang mundo para muli kaming mag kita pa.
Pag karating nang bahay, agad akong nag bihis pang tulog upang mag pahinga... Muli akong nag lakad papalapit sa salamin at tumingin sa aking repleksyon.
“Kaya mo to Alexa. Kaya mo to.”
Pinilit ko muling ngumiti, at kahit na ito'y pilit, gusto ko na makikita nang mga tao ang ngiting ito bilang isang repleksyon nang masaya kong emosyon, hindi nila puwedeng makita na mahina ako, hindi nila puwedeng malaman na nang galing ako sa isang nakaraan na ikasisira ko muli. Kailngan ang ngiting ito ay maitatago lahat nang sugat na ginamot ko sa loob nang dalawang taon.
"Shit." Bulong ko sa sarili ko nang naramdaman kong tumulo ang mga luha sa mata ko. Agad ko naman itong pinunasan at hindi pinansin. "Okay lang ako. Masaya ako. Excited ako. Alexa Maine Dela Cruz, ay mag babalik bilang isang diyosa!". Huminga ako nang malalim bago nag lakad papalapit sa aking kama.
Humiga ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata. Ang malambot na unan, ang preskong hangin mula sa bintana, at ang kakaibang katahimikan na hindi ko naranasan sa loob ng dalawang taon ay tila ba nag papahiwatig na handa na muli akong humarap sa totoong mundo, sa reyalidad na tinakasan ko noon. Lahat nang nararamdaman ko ngayon ay nag sasabi sa akin na wala na ako sa dilim, na pwede na muli akong maka hinga nang malalim, magkamali, matuto, at magmahal muli.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari bukas. Pero handa na ako.
Handa na akong mag pakilala muli sa lumang mundo sa loob nang bagong ako.