Eto na ang simula nang panibagong bersyon nang buhay ko. Isang umaga na alam kong mag papabago sa magiigng takbo nang buhay ko.
“Ang ganda.” Bulong ko sa sarili ko habang naka tingalang binabasa ang pangalan nang University na papasukan ko. “Letran de Benilde Makati University.” Okay na to! Importante, maganda na ako. Wala nang man lalait sa akin, wala na ang mga taong nanlait sa akin, nasa isang university na ako, na alam kong malayo sa lugar kung saan ibinaon ko na ang dating ako.
Agad akong nag lakad papasok sa gate nang university namin. Napaptingin nalamang ako sa kapaligiran ko, unti unting minamasdan ang lugar at ang mga estudyanteng kagaya ko, ay mag sisimula na nang kanilang buhay kolehiyo.
Ang gaganda nang mga babae, madami ding mga poging lalake. May mga mag kakakilala na, may mga mag kaka-ibigan na, at ang iba, ay parang ako, mag isa, bago at nangangarap nang magandang kinabukasan dito sa university na ito.
“Hi po ate!” Napa tigil naman ako sa pag lalakad at nilingon ang dalawang ababeng estudyante. Ngumiti ako sa kanila at nakita ko na tila ba ang saya saya nila at natutuwa sila sa ngiti ko.
Anong meron? “Hi?”
“Artista po ba kayo?” Tanong nang isang babae. “Ay hindi po.” Sagot ko. “Influencer po?” Tanong muli nang isa pa niyang kasama. “Ay hindi din po.” Nagulat naman sila sa sagot ko na ipinag taka ko. Mukha ba akong artista o influencer? “Ganun po ba? Napaka ganda niyo po kasi ate! Pwede po ba kami mag pa picture?” Bago pa man ako makapag salita ay agad naman nilang inihanda ang kanilang phone at sabay nakipag selfie sa akin. “Salamat po ate!” Agad namang umalis ang dalawa at naiwan akong naka tungangang naka tayo dito.
Anong nangyare? Maganda na ba talaga ako para akalain nila na isa akong Influencer or Artista? Mahirap kasi paniwalaan eh, lalo na kung iba naman ang nakasanayan ko. Kinikilig tuloy ako sa nangyare!
Agad naman akong nag pa tuloy sa pag lalakad at napapansin ko na ang ibang estudyante ay napap tingin sa akin. Hindi ko alam kung assumera ba ako o talagang tinititigan nila ako. Sa hiya ay agad naman akong yumuko para hindi makita ang mga reaksyon nila. Dahil hindi ko alam kung bakit nila ako tinitingnan. May dumi ba sa mukha ko? May problema ba?
Kasi noon, ang alam ko lang na dahilan bakit tumitingin ang mga estudyante sa akin, ay dahil pinag tatawanan nila ako. Dahil mukha akong nakakatawa. Dahil panget ako at mataba, kakaiba sa ibang mga estudyante sa dati kong school.
Hindi na lang ako sigurado ngayon, kung bakit sila tumititig sa akin.
Napa tigil naman ako sa pag lakad nang naka bangga ako nang isang tao. Agad akong nag sorry sa kaniya at sa aking pag tingin, tila ba bumagal ang pag kilos nang mundo ko. Naririnig ko na unti unting lumalakas ang t***k nang puso ko. Bigla nalamang lumiliit ang paligid ko dahilan para mahirapan akong maka hinga.
“Sorry miss.” saad nang isang lalake na hindi ko makakalimutan. Si Jeremy. “Ayos ka lang ba?” Tanong nito at hindi ko mapigilang mag ka titigan kami sa mata nang isa’t-isa. Dali dali ko namang tinakpan ang aking mukha at nag lakad nang mabilis papalayo sa kanya. Wala na akong pake kung saan ako dadalhin nang aking paa, basta ang alam ko, gusto ko lang maka layo sa lugar kung nasaan siya. Kung saan kami muling nag kita.
At sa abwat hakbang nang aking mga paa, ay siyang pag sikip nang aking pag hinga. Tila ba nauubusan ako nang salita, nang hangin, gusto kong huminga nang malalim pero hindi ko kaya.
Agad naman akong pumasok sa loob nang cr at nag tago sa loob ng cubicle kung saan huminga ako nang malalim. “Hinga Alexa… Hinga...” Bulong ko sa sarili ko. “Huminga ka…” Pag kukumbinse ko sa sarili ko, na magiging ayos ang lahat.
Anong ginagawa ni Jeremy dito? Bakit sa lahat ng University na puwede niyang pasukan, ay dito pa? Bakit sa lugar kung saan inakala kong magiging okay ang lahat? Sa lugar kung saan akala ko malayo na ako sa nakaraan?
Agad akong pumasok sa loob nang classroom namin para sa unang subject. Naka hinga na ako nang maayos pag katapos kong makita si Jeremy. Ang gagawin ko nalang, iiwas ako sa kanya malayo pa lang pag nag tagpo ulit kami, tatakbo na ako. Importante, hindi ko siya classmate, hindi kmai mag kikita, at mas lalong-lalo na hindi niya ako kilala.
Pag ka pasok ko ay napa tingin ang karamihan sa kanila. Nag bubulungan.
“Grabe ang ganda niya.”
“Model ata siya.”
“Bagay na bagay siya sa fashion industry.”
“Ano kayang skin care ni ate?”
Ngumiti nalamang ako nang bahagya at nag simulang mag lakad papalapit sa mga uuan kung saan ako puwedeng umupo. Ang mga kalalakihan ay agad namang nag bigay daan, ang iba ay binibigay nila ang katabing upuan, tila ba nag aagawan sa puwesto kung saan ako uupo.
“Dito ka nalang miss!”
“Tabi tayo!”
“Eto oh, naka reserve sa iyo.”
Ganto pala maging maganda. May privilege ka kahit sa malihit na bagay. Hindi ko kasi to naranasan noon. Ang naranasan ko ay ang pag tatakwil sa akin nang mga classmate ko. Ayaw nila akong katabi, nandidiri sila sa bawat hakbang na ginagaw ako, pero ngayon, tila ba hayok na hayok silang maka tabi ako.
“Boys! Tigilan niyo na nga siya!” Agad na may humawak sa kamay ko at sa pag lingon ko, tila ba namangha ako sa natural at ganda nang itsura niya. Maliit na mukha, bilugan, may unting kaliitan, pero hindi naman ganoon kaliit. Mestisa at maliit ang kanyang mga mata. Kung tutuusin, mukha siyang koreana, korean star sa mga napapanood kong K-drama sa ganda nang itsura niya at postura!
“Dito ka nalang upo. Tabi tayo.” Saad niya at tinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya. “Salamat…” Sagot ko at agad na umupo sa upuang tinutukoy niya. “Ang Kj mo naman Sandra!” Sabi nang isang lalake. “Tanga! Ginanyan niyo din naman ako nung senior high tayo! Nakaka hilo kaya at nakka irita.” Sagot naman niya at tila ba aambahan niya ang mga lalake sa likod.
Naka tingin lang ako sa kanya, tila ba nahuhumaling sa natatanging ganda niya. Kung ganiyan lang din ako kaganda noon, siguro matagal ko nang naranasan matrato nang tama at parang tao.
“Pag pasensyahan mo na sila. Ganiyan talaga mga ugali niyan.” Agad naman siyang umupo sa upuan niya at agad na humarap sa akin. “Sandra nga pala. Ikaw?” Iniabot niya ang kanyang kamay sa akin na agad ko namang kinamayan.
Ang kinis ng kamay niya! Grabe!
“Alexa.” Sagot ko naman. “Ang ganda mo naman… Alam mo, bihira nalang ako makakita at makakilala nang mga may natural beauty ngayon. I mean, madami pa din naman, pero yung sa iyo kasi ang ganda!” Sabi niya at hinawakan niya ang buhok ko. Agad naman ako nailang sa ginawa niya at agad niya din naman itong itinigil. “Sorry… Minsan kasi nakakalimutan ko mag bigay nang personal space! If ever I did that to you, sabihan mo lang agad ako!”
Ngumiti naman ako sa kanya.
“Ayos lang. Hindi lang ako sanay…” Sagot ko naman. “Imposible! Sa ganda mong yan?”
Kung alam mo lang te! Kapag hahawakan nila ang buhok ko dati, ay hindi dahil nahuhumaling sila sa buhok ko, kundi dahil sasabunutan nila ako.
“Sandra, baka naman kunin mo siya sa amin ah! Andmai nang babaeng nakuha, mag tira ka namans a aming boys!” Agad na nag tawanan ang mga lalake kanina na agad naman pinakyuhan ni Sandra.
Ay wow.
Buti pa siya, ang tapang niya.
Tomboy kaya to?
Ang ganda niyang babae tas tomboy?
Ugh! Bat ko ba iniisip! Anong pake ko kung tomboy siya!
“Mag kakilala na kayo?” Tanong ko sa kaniya. “Ah! Oo. Karamihans a amin dito mag kaka-klase noong senior high. Dito an din kami nag college. Pero yung iba, transferee, tulad mo.”
Kaya pala parang hindi sila mga baguhan dito sa classroom na ito.
“Sandra!!!” Agad naman akong napa tingin sa taong sumigaw nang pangalan niya. Agad itong tumakbo papunta kay Sandra at agad silang nag beso dalawa.
Isa siyang lalake… Or, bakla?
Well, pakak kasi ang blush on niya. Tas yung foundation niya hindi pantay sa leeg, ang puti nang mukha, ang itim nang leeg. Tas sobrang pula nang labi niya. Pero maayos naman suot niya. Kulay pink. Cute.
“I miss you so much my bestie! Alam mo ba, habang nasa bakasyon ako, ikaw lang iniisip ko! Like, saan tayo pupunta next, paano magiging buhay natin sa college, paano ikaw, ako? Makakahanap ka na ba nang bagong bestie, tapos iiwan mo ako, tapos ako mag isa nalang, wala nang tutulong sa akin maka hanap nang poging lalake sa Espanya! Naiiyak ako!” Agad naman siyang sinampal ni Sandra na ikinagulat ko.
“Tanga.”
Natawa nalang ako nang bahagya sa paano nila tratuhin ang isa’t isa…
Kamusta na din kaya bestfriend ko? Hindi na ulit kami nag kita nun nang dalawang taon…
“Ay te, si Alexa nga pala.” Turo naman ni Sandra sa akin. “Sabi ko na nga ba nakakita ka na nang bago mong bestie eh!”
“Gusto mo sipain kita sa betlog para hindi kita maka c***a?” Piningot naman ni Sandra ang tainga nniya na agad naman niyang ikinatahimik.
Grabe si Sandra, ang gandang babae pero grabe mga choice of words niya! Sana ganyan din ako tulad niya.
“Hi bes! k**i nga pala.” Pakilala niya sa akin. “Alexa.” Banggit ko. “Grabe… Ang puti puti mo! Ang ganda mo pa! Ang tangos! Te Sandra, may mas maganda pala sa iyo noh? Parang whole academic life ko, ikaw ang standard ko sa babae, ngayon siya na! I like it!” Saad naman ni k**i sa akin ata agsd niya akong inapiran.
Agad namang tumunog ang bell, hudyat na simula na ang klase at pumasok na rin yung prof namin.