ALEXA’S POV Pag ka tapos nang halos isang buwan nang project namin sa Fashion Industry, ito na ang araw nang photoshoot nang mga model namin. Hindi pa ito ang mga damit na ginagawa namin para sa pageant, kung tutuusin, pag ka tapos ng photoshoot na ito, one week na lang at Mr and Ms. Letran na nang mga seniors namin. Asa loob na kami ng studio kung saan gaganapin ang photoshoot nila. Ang mga silya at lamesang madalas tambayan ng mga estudyanteng nagka-cramming ay pinalitan na ng mga itim na tela, naglalakihang softbox, at mga silver reflector na sumasalo sa bawat anggulo ng liwanag. Ang amoy dito sa loob nang classroom ay halo-halong bango ng mamahaling pabango, spray-on tan, at ang tuyong amoy ng mga hair curler na kanina pa naka bukas. Nakatayo ako sa gilid, pilit na inaayos ang stra

