JEREMY’S POV Naka tingin ako sa picture sa phone ko. Picture nang unang taong minahal ko. Picture nang taong nasaktan ko din nang todo. Alexa Habang hawak hawak ko ang phone ko kung nasaan naka bukas ang picture nang Alexa na naalala ko, ikinukumpara ko naman ito sa bagong Alexa na nakikita ko ngayon gamit ang drawing na ipinagawa sa amin nang professor namin. Halos dalawang taon ko nang hindi nakikita si Alexa, dalawang taon na walang paramdam, dalawang taon kung saan nag iisip ako kung anong nangyare sa kaniya, dalawang taon kung saan nag aalala na ako. Curious ako kung nasaan siya ngayon, curious ako kung ano nang nangyare sa kaniya. Pero mas curious ako, kung si Alexa na kilala ko noon, ay ang Alexa na kaharap ko kanina. Pero parang imposible. Ang layo. Napaka layo nang itsura

