Nakalabas na ako ng pinto, pero ang lakas pa rin ng kabog sa dibdib ko, abot hanggang lalamunan ko dahilan para hindi ako masyadong maka hinga. Hindi ko na alam anong nangyayare sa akin, basta bawat hakbang ko sa tiles ng hallway nang university na to, parang sasabog ang sapatos ko sa bilis ng lakad ko. Hindi na nga ata to lakad, takbo na yata ang ginagawa ko. Ramdam ko ang malalamig na butil ng pawis na namumuo sa noo ko, kahit na ang lakas ng hangin sa building. Hinga, Alexa. Hinga. Malayo na siya. Wala na siya sa harap mo. Pilit kong binubuksan ang kamao ko na kanina pa nakakuyom nang mahigpit, hanggang sa bumaon na ang mga kuko ko sa palad ko. Mahapdi. Pero mas mahapdi ’yung drawing niya. Mas mahapdi ’yung katotohanang sa loob ng isang oras, parang binalatan niya ang bago kong anyo g

