Bagong umaga, bagong buwan, welcome September! Huminga ako nang malalim habang tinitingnan ang sarili ko sa full-length mirror ng kwarto ko. September na. Unang araw ng buwan. Ang hangin sa labas ay nagsisimula nang lumamig, amoy "Ber months" na, pero ang loob ng dibdib ko, mainit pa rin sa alaala kagabi dahil sa ginawa namin ni Andrew kahapon. I mean! Wala kaming ginawa ah! Yung nangyare lang sa amin! Yung car date daw hihi. Naka titig lang ako ngayon sa repleksyon ko. Wala na ang singkit na matang laging namumugto. Wala na ang mga tigyawat na pilit kong tinatabunan ng makapal na foundation noon. Ang ilong ko, matangos na. Ang katawan ko, malayo na sa "pinipig na binudburan ng asin" na itsura ko noong high school. Kaya siguro na inlove si Andrew sa akin. CHARIZ! Wag kang assumera g

