Pagbaba ko sa tricycle sa kanto ng subdivision namin, ang tanging nasa isip ko lang ay ang malambot kong kama, ang lamig ng aircon ko na bubuksan ko, ang oras nang magiging tulog ko. Ramdam ko ang bawat hibla ng pagod na nanunuot sa aking mga kalamnan kaya na eexcite na akong bumagsak sa kama ko. Ang bigat din ng bag ko dahil sa puno ng mga sketch at tela na bitbit ko feeling ko tuloy need ko nang hilot. Ewan ko ba, antagal tagal ko nang nag aaral pero parang ngayon lang ako nag reklamo sa pagod na nararadman at binibigay nang tadhana sa akin eh. Pagod na pagod ako ’yung tipo ng pagod na kahit ang pagpikit ng mata ko, parang isang malaking trabaho na agad na kailangang tapusin ko agad. Pero parang binuhusan ako ng isang balde ng yelo nang mamataan ko ang isang pamilyar na itim na SUV na n

