Natapos na ang mentorship session para sa araw na ito at tapos na rin ang klase. Unti-unti na ring naglalabasan ang mga estudyante sa classroom habang ako, naka upo lang at inaayos pa ang sarili at gamit ko. Ang bawat isa ay tila mga anino na lang na gumagalaw, bitbit ang kani-kanilang mga mannequin na nakasuot ng mga hindi pa tapos na diseny nila, at mga sketchbook na tila ba pasan nila ang buong mundo sa bigat ng bawat pahina nito. Naiwan kaming tatlo nina k**i at Sandra sa aming station. Habang ang iba ay nagmamadaling makauwi para makapag pa hinga o ewan ko kung anong gagawin nila, makapag-dinner, o makapag-scroll sa t****k para takasan ang realidad ng fashion school, ako naman ay dahan-dahang nagliligpit. Maingat kong inilalagay ang aking mga pins sa loob ng aking magnetic case. Pinu

