Nagising ako sa tunog ng banayad na pagtilaok ng manok sa malayo, isang tunog na dati ay nagbibigay sa akin ng pag-asa na panibagong araw na naman. Pero ngayon, ang liwanag na sumisilip sa pagitan ng mga kurtina ng kwarto ko ay tila mga karayom na tumutusok sa aking mga mata. Hindi ako naka tulog. Kahit gaano ko pa katagal ipikit mga mata ko, hindi ako maka tulog. Umuulit lang sa ulo ko, sa panaginip ko ang nangyare kagabi, kaya natatakot akong pumikit, kasi nakikita ko mukha niya, nararamdaman ko ang mga kamay niya sa akin, ang bigat niya, ang hindi ko pag hinga. Kahit na umaga na, nanatili pa rin akong nakahiga. Hindi ko magalaw ang katawan ko. Hindi dahil sa lason na ibinigay ni Marco kagabi kung dahil unti-unti nang nawawala ang pamamanhid ng aking mga kalamnan kundi dahil sa bigat na

