Kinabukasan, ang tunog ng alarm clock ko ay tila hudyat ng isang digmaan. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko, pilit na hinahanap ang antok na mabilis ding lumayas sa isipan ko. Ito na 'yon. Pagkatapos ng dalawang araw na pagkukulong, kailangan ko nang pumasok. Kailangan ko nang harapin ang mundong alam kong nakamasid at naghihintay sa bawat maling galaw ko. Bumangon ako at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ang buhok ko, nilagyan ng concealer ang bahagyang pangingitim sa ilalim ng mga mata ko, at nagsuot ng simpleng white blouse at jeans. Simple, pero malinis. Hindi na para maging echosera pa at mag ganda gandahan pa diyan sa hallway. "Alexa, hindi kita muna ma hahatid sa school niyo ah, may puuntahan kasi kami nang ate mo, may aasikasuhin pa kasi kaming mga papeles, sa

