Chapter 28 Vinson's POV Lumipas ang mga araw at mas nakilala ko si Jade. Hindi naman pala siya ganoon kaarte gaya ng iniisip ko. At masasabi ko na girlfriend material siya. Siya iyong tipo ng babae na maaari mong maipakilala sa pamilya mo at iyon ang ginawa ko noong nagkaroon kami ng family dinner sa bahay. Siyempre nandoon na naman si Tito Rudy, ininvite rin kasi siya ni Mommy. Ipinakilala ko si Jade bilang friend ko. Bigla ba namang hinanap ni Mommy si Andrea sa akin, napatingin ako kay Jade kasi naramdaman ko na parang naging uneasy siya ng marinig niya ang pangalan ni Andrea. Sabado kasi iyon at nagpaalam ako kay Andrea na ipagpaliban muna namin ang review ngayon week kasi nga, inilaan ko ang araw na ito para sa amin ni Mommy. Sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ni Andrea ka

