Chapter 27 Andrea's POV Sumunod na sabado, nakikita ko na ang laki na nang pinagbago ni Vinson. Bukod sa nakakahabol na siya sa mga pinagaaralan namin, nasasagot na rin niya ang mga recitations at nakakapasa sa exams. Mabilis niyang nasagot ang exam na ibinigay ko sa kaniya. Almost 30mins lang natapos niya, dati inaabot kami ng halos isang oras matapos niya lang ang exams na ginagawa ko. Tapos parang walang ganang inabot niya sa akin ito. Tapos bumalik sa paghiga sa kama niya sabay kuha ng phone nito at marahil ng laro. Usapan kasi namin pupwede na siyang maglaro o gawin ang gusto niya after niyang makasagot at kapag mataas ang scores niya. Habang tsinitsek ko ang exams niya ay napapatingin ako rito, tapos kapag gumagalaw siya umiiwas ako at bumabalik sa ginagawa ko. Maya-maya ay ma

