Gangster 1
(Naya's POV)
Nakasandal lang ako sa pader na katapat ng poste ng ilaw sa tabi ng kalsada habang matyagang hinihintay ang pakay ko, hindi pa ganoon kalalim ang gabi pero tahimik na ang lugar, tamang tama lamang ito dahil hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong gabi.
Bahagya akong nakatungo at nakatingin lang sa semento na tinatapakan ko pero ramdam na ramdam ko naman ang mga nasa paligid, hindi din naman ako makikita dito dahil sa sobrang dilim ng lugar at mangilan-ngilan lang din ang poste ng ilaw, bukod pa doon ay naka-all black akong suot na humahalo sa kadiliman ng lugar kaya talagang hindi pansinin.
Naka-suot din ang hood ng jacket ko sa akin, at nakikita ko pa rin naman ang eskinita na dadaanan nila kahit na naka-kubli ako. May mga inaantay lang din naman akong dumaan bago ko gawin ang pakay ko dito at sila ang target ko ngayong gabi.
Hindi pa man nagtatagal na nakatayo ako dito, mayamaya lamang ay narinig ko na rin ang ingay nila, tuwang tuwa pa sila habang naglalakad sa kahabaan ng madilim na eskinitang ito. Tila hindi nila iniinda ang kadiliman ng lugar, sabagay, mga halang nga pala ang kaluluwa ng mga ito, hindi sila takot sa mga ganitong lugar at mas gusto pa nila iyon.
"Pst!” dinig kong sitsit ng kung sino na hindi ko makita kung nasaan.
Bullshit! am I not alone here? Hindi ko siya naramdaman. Kung sino man siya alam niya kayang nandito ako at nakaabang din sa kanila? Who is that? Hindi na nakalapit sa tapat ko ang limang lalaking hinihintay kong dumaan sa harapan ko, narinig ko ding may humiyaw bigla sa kanila.
Shit? Who was that? Hindi ito maganda, agad akong sumilip sa kanila at nakita kong tumakbo na yung apat pang natitira at saktong sakto naman na sa tapat ng poste ng ilaw sila bumagsak na katapat ko din, pero bago yun ay apat na putok muna ng b***l ang narinig ko.
Napayuko ako ng barilin ako ng papalapit na lalaking iyon sabay takbo. Sigurado akong lalaki siya, halata iyon sa pigura niya. Hinahabol niya ako, habang iwas lang ako ng iwas sa mga bala ng b***l niya. This is bullshit, I have never encountered such sa mga ganitong mission na ginagawa ko.
Mabilis akong nagtago sa kasunod na poste na nadaanan ko saka ako mabilis na naghagis ng knife sa kanya na alam kong hindi niya inaasahan, at pagbagsak niya na lang din ang narinig ko. Mabilis masyado ang mga pangyayari, hindi ko man lang natanong ang limang target ko tungkol sa pakay ko sa kanila.
I tumble down forward nung hindi ko inaasahan na may sumipa sa akin mula sa likuran ko, tumayo agad ako at sinalo ang sunod niyang sipa sabay hila ng paa niya at saka ko tinadyakan ang isa niyang paa. Iniwasan ko naman ng mabilis yung sumuntok sa akin na nasa gilid ko saka ko itinulak ang lalaking hawak ko ang paa ng buong lakas, sumugod naman ulit sa akin ang lalaking nasa tagiliran ko kaya sinapak ko din siya.
Pagbagsak nung dalawa ay may sumulpot naman na isa pang lalaki na mabilis na tumatakbo papalapit sa akin, he was aiming a flying kick pero masyado siyang mabagal kaya mas nauna pang tumama sa kanya ang flying kick ko saka ko sinapak yung sumulpot sa likod ko na nagtangkang humablot sa akin.
I stop when a flashlight pointed on me and raise my hand, saktong sakto na napabagsak ko narin ang mga kalaban. HinihingaI pa ako habang inaaninag ang mga dumating na sasakyan, I bet it was him. Hindi ko na sila pinansin at binalingan na lang ang mga nakahandusay na lalaki sa paligid ko, ang iba sa kanila ay tulog at ang iba ay iniinda parin ang sakit ng ginawa ko. Hindi narin naman na nakatayo ang ibang mga mokong na pinatumba ko.
"Get in the car," agad niyang utos sa akin ng matapos niyang lumapit sa akin.
Hindi nga ako nagkamali isa pa ay kilala ko na ang aura niya, kahit malayo ay alam na alam ko na kung sino siya. Sinunod ko na lang din naman ang sinabi niya, tutal naman ay wala na akong kaylangan dito. Yung mga tauhan niya naman na ang mga lumapit sa mga pinabagsak ko at sila narin ang maglilinis noon. Tsk.
Sumakay na ako sa likuran ng kotse niya saka ako sumandal sa sandalan, hindi ako naupo sa tabi ng drivers seat, sa likod ako naupo dahil hindi ko gusto ang presensya niya. Tiningnan ko lang naman siya habang nasa loob na ako, kinausap niya sandali ang mga tauhan niya saka siya naglakad palapit sa sasakyan niya at sumakay, nag-iwas naman agad ako ng tingin dahil doon and he drive going home.
He caught me again, very good Naya. Siguro talagang naka-watch list ako sa kanya, this was not the first time, tinotoo talaga niya ang banta niya sa akin na babantayan niya ako kahit na anumang mangyari. Tumanaw na lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan at hindi na siya pinansin, hindi ko narin namalayan na mabilis lang kaming nakauwi, I guess mom is still awake.
Mabilis akong bumaba sa kotse ng hindi nagsasalita matapos niyang igarahe ang sasakyan niya, pumasok narin kaagad ako para makita si mommy.
"Stay there Naya," he said.
Napatigil ako sa pag-akyat sa hagdan ng magsalita siya, I was about to go in my room. Wala din naman kasi si mom sa sala, siguro ay nasa kwarto na siya.
"We need to talk," he said again.
I look at him matapos niyang sabihin iyon, its a serious matter I guess. Bumalik naman na ako kaagad sa sala at naupo sa paborito kong single couch sa living room, sakto namang baba din ni mom mula sa taas. She kiss my forehead gaya ng dati niya ng ginagawa saka siya naupo sa tabi ni dad na nasa katapat kong couch.
Mom knows what I'm doing, and she never get mad at me. Si dad lang naman ang nagagalit sa ginagawa ko. She understands me, unlike him. Hindi na niya yata ako maiintindihan. Sabagay, pulis siya hindi niya talaga ako maiintindihan.
"We transferred you into another school, you were staying there and will live in a dorm, till you graduated, If I cant stop you from doing such things, I will do everything to make you realize that what you were doing was all wrong," he started.
Malungkot ang mga mata ni mom na nakatingin sa akin dahil sa sinabi ni dad, siguro this time wala na siyang magawa, ngunit si dad ay wala lang, hindi siya kakikitaan ng emosyon, this is why everyone was afraid of him, he’s no ordinary in their eyes.
My dad is a police, and my mom is a lawyer, great right? How could a righteous and lawful parents have a gangster daughter? Hindi ko rin alam kung bakit, hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito.
"You should realize what I'm doing too," tanging sagot ko sa kanya.
Dad stares coldly at me after I said that and I did the same, my voice was also flat.
"Sa ginagawa mo, wala ka naring pinagkaiba sa mga pumatay sa mga kuya mo Naya, yun ba ang gusto mong ipaintindi sa akin? Gusto mo bang maintindihan ko na inilalagay mo sa mga kamay mo ang batas? Sa tingin mo ba gusto ng mga kapatid mo ang ginagawa mo?" he said again.
Silence ate our surroundings after dad say that. Walang pinagkaiba? Sa mga halang ang bituka na ‘yon? Papaano nangyari na wala akong pinagkaiba sa kanila? Hindi na lang ako sumagot sa sinabi ni Dad, alam ko din naman na hindi ako mananalo sa kanya. Pero hindi ibig sabihin non ay titigil na ako, kahit kaylan ay hindi ako titigil, hindi ako titigil hanggat hindi ko nakakamit ang hustisya.
"Rest, Tomorrow you are leaving," he said again.
Tumayo na lang din ako at agad na umakyat sa kwarto ko, I just take a bath first pagpasok ko saka ko sinimulang ayusin ang mga damit ko. Hanggang ngayon palagi kong naiisip kung bakit hindi niya ako maintindihan. Kahit na pulis siya at lawyer si mom ay wala iyong nagawa sa paghahanap namin ng hustisya, alam niya iyon kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya ako pinipigilan.
Alagad siya ng batas, pero pinatay lang ng kung sino ang mga kapatid ko, alagad siya ng batas pero wala iyong nagawa at iniisip nila na dahil doon ay hindi na namin makukuha ang hustisya na gusto naming lahat.
But I refused, inilagay ko sa mga kamay ko ang batas para makuha ang hustisya na yun na sinukuan na nila. Kung hindi makukuha sa batas ang hustisya, kukunin ko yun sa dahas.
Sa totoo lang ay matagal na akong nagmamakaawa sa kanya, matagal na akong nakikiusap na pakinggan niya ako pero hindi niya ginawa, hindi nila ginawa, kung noon pa man hinayaan na nila akong mag-imbestiga tungkol doon ng malaya hindi ko ito gagawin, baka kahit papaano ay may kaunti na kaming impormasyon sa totoong nangyari, pero wala, wala silang ginawa, walang nagawa ang pagiging alagad nila ng batas.
"Did he caught you again?"
Napalingon ako sa pumasok sa kwarto ko at nagsalita, ngumiti sa akin si mom pero bumalik lang ako sa ginagawa ko.
"Yeah," simple kong sagot sa kanya.
Naramdaman ko naman na lumapit siya sa akin saka niya ako tinulungang ayusin ang mga gamit ko.
"Be careful there okay? Wala ako don anak," mom said.
I look at mom again pagkasabi niya noon, ngumiti lang naman siya muli sa akin saka niya hinaplos ang muka ko.
"I can take care of myself," tanging sagot ko naman sa kanya.
Lalo niyang ikinangiti ang sinabi ko, saka niya ako hinila palapit sa kanya at niyakap.
"I know sweety, I know you can, I will miss you," mom said again.
This time I paused from what I’m doing and let her hug me, I knew she was very worried about me, I knew she was sad that I turned like this, but I knew also that she loves me and she knew what I am capable of.
Ilang minuto niya rin akong niyakap bago niya ako bitawan, she look at my face and just smile again, and then continue packing my things. Mayamaya lang din naman ay tumulong na muli ako sa kanya.
After mom says goodbye and leaves after we finish packing my things. Pinadala niya sa maid namin ang gatas ko at pinasabing matulog na daw ako. I lay down on my bed and close my eyes after drinking that.
(Flashback)
"Baby wake up breakfast na!"
"Sweety pie huy? Bangon!"
"Kuya naman eh!" reklamo ko sa mga nambubulabog sa akin.
Bumangon agad ako sabay kamot ng ulo dahil sa magkahalong antok at inis dahil sa kambal.
"We passed the university exam darling, let's celebrate! come on?" sabay nilang hiyaw.
I look at kuya Nate and Naye with my eyes wide open, pakiramdam ko lahat ng antok at inis ko ay nawala dahil doon. Gulat na gulat akong nakatingin sa kanila habang nakangiti lang sila sa akin.
"We?" pangaasar ko sa kanila.
"Talagang minamaliit mo ang mga kuya mo ah," sabay na naman nilang sabi.
Tiningnan nila ako ng mapanuring tingin matapos nilang sabihin iyon, saka sila nagtinginan at sabay na ngumiti sa isat isa. Buti na lang talaga wala akong kakambal, kung nagkataon ay baliw din ako katulad ng dalawang to. Hindi na ako nakakilos sa gulat ng bigla na lang nila akong kilitiin, and I just cant help but to laugh out loud dahil doon.
“What the hell? Enough!” reklamo ko na agad naman nilang itinigil.
Hinihingal akong bumangon saka ako ngumiti sa kanila habang tumatawa pa rin sila.
"Congrats mga kuya ko," I greeted them with a smile.
They both smile at me and hug me so tight kaya niyakap ko na lang din sila ng mahigpit saka ako ngumiti.
(End of flashback)
"Wake up honey! Aabutin ka ng traffic."
Napabalikwas ako ng bangon, sabay tayo dahil sa narinig kong boses na sinabayan ng tapik para gisingin ako, ramdam na ramdam ko din ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa panaginip na iyon. This was the first dream I have na masaya sila.
I just sigh and brush my hands on my hair, mom just smiles at me and hugs me sabay abot ng towel sa akin. Hindi naman na ako nagsalita at dumeretso na lang ako sa banyo saka naligo.
This is another stupidity and another university. Malamang hindi na naman ako tatagal doon, pero parang iba naman ang kutob ko sa pinaglipatan sa akin ni dad. This was the first time he let me live on a dorm, hindi niya iyon ginagawa, dahil palagi nga silang nakabantay sa akin.
Iwinaksi ko na lamang ang isiping iyon saka ko ipinagpatuloy ang pagligo, nagbihis agad ako matapos maligo saka ko kinuha ang bag ko at ang maleta ko, saka ako bumaba sa ground floor ng bahay.
"Lets eat first?" bungad ni mom sa akin pagbaba ko.
Nginitian niya pa ako at ibinaba ko lang naman sa may sala ang mga gamit ko. Hindi ba sila papasok sa trabaho? Hindi pa sila bihis. This was the first time na nakita ko silang nandito sa bahay kahit tanghali na.
"Akala ko gigisingin pa kita eh."
Nilingon ko yung nagsalita and even mom look at him. Its Apollo, pinsan ko siya. Wait? what is he doing here? Tiningnan ko lang naman agad siya ng masama na hindi naman yata niya napapansin, malawak pa rin kasi ang ngiti niya at pakiramdam ko ay hindi iyon maganda, weird.
"Apollo? Let's eat first."
I look at dad na nagyaya kay Apollo, pababa pa lang siya ng hagdan pero dumiretso lang siya ng kusina at hindi ako pinansin, ngumiti lang din naman si Apollo saka siya tuluyang lumapit sa amin.
"Tara na insan?" Apollo said.
Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko siyang hilahin ako papasok ng kusina. Sumunod naman agad si mom sa amin, bakit kaya nandito ‘tong mokong na ‘to? Naupo agad ako pagpasok namin ng kusina saka ako nagsimulang kumain matapos lagyan ni mom ng pagkain ang plato ko.
"Faster, baka maipit tayo sa traffic," Dad said to us pagkaupo namin nina Apollo.
"Why he's here?" agad kong tanong kay mom.
Agad din namang ikinakunot ng noo ni Apollo iyon kaya lalong napakunot ang noo ko.
"He will go with you," dad answered.
Agad kong tiningnan ng masama si Apollo pagkasabi non ni dad na dahilan naman para mapalunok siya, agad ko ding sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa saka ko siya pinanlakihan ng mata. Problema ko pa ang lampang yan don.
"R-relax insan," bulong niya sa akin.
Agad niya ding itinaas ang dalawang kamay niya sa ere na parang sumusuko na siya sa akin. Siya kasi ang katabi ko sa kanang bahagi ng mesa habang nasa center seat si Dad at nakaupo sa harapan namin si Mom.
“Sumakay ka na lang, trust me,” bulong niyang muli saka siya ngumiti sa akin.
"Tsk!"
I just roll my eyes on him at hindi ko na lang din siya pinansin. Binilisan ko na lang din ang pagkain saka ako naunang lumabas ng bahay. Sumakay na lang din ako sa sasakyan ni dad, ihahatid daw kasi nila kami kaya dito ako sumakay. Its unusual, really unusual.
"Wala na kayong problema sa papers niyo ha? Okay narin yung dorm niyo, All you have to do is present that forms on the guard and on the deans' office," mom said.
Iniabot ni mom sa amin ni Apollo ang mga folders na hawak niya, nasa unahan kasi siya katabi ni dad at sa likod naman kami nakaupo. I don't mind looking at the papers pero si Apollo ayun tuwang tuwa sa papers niya.
"Hindi talaga ako makapaniwala na makakapasok ako sa DR University," Apollo exclaims.
I look at Apollo dahil sa sinabi niya, hindi naman niya ako pinansin dahil busy siya sa pagtingin sa mga papel niya, he was too excited and too amaze at parang nagniningning pa ang mga mata niya dahil doon.
DR university? Sigurado ba siya? Napatingin ako sa mga papel na hawak niya at nakita ko dun sa form niya na may nakalagay na DR university passer. I look at my form at agad kong nakita na pareho kami? But I didn't -----
"Remember the exam I have given you and told you that you should pass? It's their qualifying exam," mom explained then she smile.
I'm just looking at her habang sinasabi niya iyon. That makes my heart beat so fast also, DR university was the same university the twin got enrolled in before. After they died there, I decided to enter that school also but dad didn't allow me, they didn’t allow me before.
"Live there Naya, If you die you will never know who killed them. Get the justice we all wanted, know who killed them, survive, you should survive, or else it's over. That’s all you want right? Hindi na kita mapipigilan so just live," dad said to me.
Matagal na katahimikan ang namalagi sa amin matapos sabihin iyon ni dad, umiwas din naman agad siya ng tingin sa akin dahil nakatitig lang ako sa kanya, he look at our front and I was still in awe. Hindi ko ito alam, talaga nga yatang hindi na niya ako kayang pigilan, pero gusto ko ding umasa na sa ngayon ay naiintindihan niya na ako.
"I will," I said to him.
Agad din akong umiwas ng tingin sa kanya saka ko pinakatitigan ang mga papel na hawak ko, hindi ko narin namalayan na hindi ko na napigilang maiyak sa sobrang saya at sobrang kaba. Sobrang excited din ako, niyakap ko ang mga papers na hawak ko sa saya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na to. Finally, ito na ang hinihintay ko, ito na ang pagkakataon ko, ito na.
"You leave me no choice but to do this, so just stay alive and come back home safe honey. Ipangako mo na uuwi kang buong buo Naya, nawala na ang mga kapatid mo anak, wag kang mawawala na tulad nila," dad said.
Napatingin ulit ako sa kanya and I saw him crying too, nagiyakan na kami ni dad and I saw mom and Apollo cry too.
Matagal ko ng hinihiling ang bagay na to at inaasam. I wanted to enter that school to know who killed my brothers, my brothers who died there. They are killed and until now no one knows who killed them. Even my father na police, even my mom na lawyer, wala silang nagawa. Dahil ang school na yon ay isang malaking palaisipan sa lahat.
"Were here,” dad said matapos ang mahabang byahe.
Tumigil din agad ang sasakyan namin sa tapat ng napakalaking itim na gate, bumaba din naman agad kami saka namin pinagmasdan ang gate ng school na huling nasilayan ng kambal bago sila mawalan ng buhay.
“Magiingat kayo,” paalala ni mom sa amin.
Nilingon ko naman muli sila saka ko sila niyakap.
"Aalamin ko ang totoo, pinapangako ko na makakamit din natin ang hustisya, Mom? Dad? Trust me, this time trust me," I said.
I stared at them, eye to eye, assuring them that I can do it habang nakangiti lang naman sa amin si Apollo.
"We love you darling," sabay na sabi nila.
Mom wipes her tears na hindi niya na napigilang tumulo muli and I just smile at her.
"I love the both of you too," I said saka ako ngumiti sa kanila.
Niyakap nila akong muli and even Apollo, ilang minuto din ang itinagal non bago nagsalita si Dad.
"Tama na to sige na lakad na."
I kiss their cheeks before we get our things, I also smile at them and wave my hand habang papaalis na sila, I will live here and know who killed them, I promise, I swear that to death.