(Naya's POV) Wala pa namang nagtatangka sa buhay ko o kaya ay dumadampot sa akin na guards matapos kaming magusap nung dean, kaya ngayon ay nag-aantay na lang kami ng 11:11. Nagpalit-palit kami ng position ng pagbabantay sa may quadrangle para hindi kami masyadong mahalata at kaming mga death scheduler ay nag-grupo grupo na lang sa lima gaya dati, yung mga dark reapers naman naming kasamahan ay nag-grupo parin sa sampo. Maya maya lang ay tumunog na yung kampana, yun ang lalong nagpapadagdag sa kaba ng mga estudyante dito ang tunog ng kampana na yon. Hindi pa kami gumagalaw, inaantay namin ang pagsabog at ang paglabas ng mga weapons. "Today, is the first day of our killing game and our first contender is Ms NayaMaine Myren, everypne all you have to do is kill her, and whoever killed her

